Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Letter to El

Take me to a place
Where I can be your only guest
A place where we can freely talk
Morning ’til night, ’til the break of dawn.

Forgive me if I stalk
For I can’t resist to see you
Be with you, spend time with you
Yeah, I want to grow old with you.

Your smile lights up my night
Your eyes, looking straight to mine
I love to have and hold those hands
Walking with you along the aisle.

Call me a fool, call me absurd
For with you I found my world
I don’t know what this feeling’s called
I love you, I love you, I’ll shout and told.

No I ain’t daydreaming
But I am positively thinking
Whenever the time that God reveals,
You and me, our hearts will seal.

Sa Mga Mata Ni EL

Naubos na ang luha
Sa mga mata nitong kaawa-awa
Naglalakad sa kawalan
Di malaman ang patutunguhan

Bulungan ng mga tao
Tila siya ang ipinupunto
Mahahayap ang mga dila nito
Kung makapagsalita akala mo totoo

Ano’ng ilalaban
N’yaring api na pinagkaitan
Ng pagmamahal at karapatan
Nitong maramot nating lipunan?

Nagpatuloy sa paglakad
Saan kaya mapapadpad
O makita kaya ang hinahanap
Pag-ibig na wagas at sakdal ganap?

Sa taglay niyang dumi at grasa
Walang nagnais na lumapit pa
Amoy niya na nakakasuka
Yayakapin mo pa ba?

Baluktot na pag-uugali
Nitong lisya nating lipi
Iyo bang maipagmamalaki
O mag-aasta na lamang na pipi?

Siya’y napagod at napaupo
Napatingin sa malayo
“Hindi ako hihinto, susuko,
Hanggang landas natin ay magtagpo!”

Pag-asa ang dala
Nitong pagal na kaluluwa
Makilala pa kaya
Pag-ibig na laan sa kanya?

Nasaktan nang minsan
Iniwan at pinagtawanan
Siguro ay panahon na naman
Na tadhana’y matagpuan!

Gulong-gulo

Ang init. Ngayong taon, hindi ko na mabilang kung ilang beses sumakit ang ulo ko, kung gaano ako kadalas maligo sa maghapon, kung ilang tao na ang nasungitan ko dahil kasing init ng panahon ang ulo ko, at kung ilang litro na ng tubig ang nilaklak ko kada maglalakad ako sa gitna ng arawan. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.

Sira ang TV namin. Nabalitaan ko lang tuloy sa isang kaibigan ang nangyaring love murder case sa SM North Edsa. Kawawa naman yung guwardiya. Sana bigyan ng SM ng pampalubag loob man lang ang naiwang pamilya.

Shamcey Supsup. Unti-unting umaakyat ang Pilipinas sa Ms. Universe ah. Dati 4th tau, ngayon 3rd na, malapit na mapasaatin ang korona! Hahaha!

Malapit na pala ang laban ni Pacquiao. Mapapalaban na naman si Aling Dionisia. Ihanda na ninyo ang kanyang mga paraphernalia!

Babae sa Septic Tank ang ating entry sa Oscar’s. Hindi ko pa siya napapanood. Di bale, may kopya na nun sa Quiapo malamang. Hahaha.

Sobrang iinit. Biglang uulan. Minsan naman malakas ang ulan, biglang aaraw. Hindi na maintindihan ang panahon. Ano kaya lengguwahe niya?

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang empleyado, gobyerno man o pribado. Gigising pa rin ng maaga. Mag-aalmusal kung mayroon. Iinom na lang ng tubig kung wala. Saka magmamadaling maligo sa takot na ma-late sa trabaho.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang estudyante na naghahanda upang pumasok sa paaralan. Mayroong sabik pumasok upang ipasa ang pinagpuyatang proyekto. At siyempre mayroon din naman na tila gustong magkasakit upang huwag lamang makapasok dahil sa nagpuyat kasama ang syota o nag crossfire/facebook buong magdamag.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa mga walang trabaho, sa naghahanap ng trabaho, o sa natanggal sa trabaho.

Dumako naman tayo sa kakaibang araw.

Ngayon ay maaaring isang kakaibang araw. Para sa isang bagong ina, na nagsilang ng kanyang panganay. Sabik at labis na kaligayahan ang mararamdaman. Pagod at hapdi ng mga tahi ay biglang nakalimutan. Maging sa isang bagong ama, na masayang inehehele ang sanggol na kaytagal niyang hinintay. Sa wakas, pamilya na sila.

Ngayon ay isang natatanging araw. Para sa mga pamilya na biktima ng karahasan na ngayong araw ay nakamit na ang tinatawag na katarungan.

Ngayon ay maaaring isang natatanging araw. Para sa isang paslit na sumali sa paligsahan, nasungkit ang pinakamataas na karangalan at nasabitan ng medalya ng kanyang proud na magulang.

Ngayon ay maaaring isang espesyal na araw. Para sa isang binata na patuloy na nanliligaw at nagsusumikap na makamit ang matamis na oo ng dalagang pinapangarap. At ngayong araw ay kanya na nga itong natanggap.

Ngayon din ay pwedeng maging masakit na sandali. Sa mga taong naiwan ng taong pumanaw. Di malilimutang araw.

Agosto 12. Ano’ng espesyal sa iyong pagdating?

Sa akin? Dati ito’y isang araw na pinakahihintay. Isang araw na pinaghahandaan ng buong pamilya. Isang araw kung saan ramdam ang ligaya. Isang araw, kung saan, ako’y tatanda na naman.

Ngayon, hindi ko mawari aking nararamdaman. Mamaya, pag natapos ang buong araw, ika’y aking babalitaan.

Naghahanap ka pa ba ng kakaibang lugar dito sa Pilipinas? Hayaan mong ipakilala ko sa ‘yo ang lugar na pinagmulan.

Paggising mo sa umaga, nagkalat na ang mga batang naglalaro ng tumbang preso sa kalsada. Walang pakialam matamaan ka man ng tsinelas na binabato nila (mukha ka sigurong ‘lata’). Sa kabilang banda, makikita mo ang mga nanay na walang keme na nakaupo sa kalsada habang minamarkahan ang mga numero na sasabihin ng kumara nila.

“Sa letrang ‘O’, pasko!!!”

Anu daw?

Itatanong mo sa akin kung nasaan ang mga tatay?

Dito ka naman talaga magtataka. Almusal na nila ang maglatag ng mesa sa kalsada. At ‘pag all set na, e ‘di tagay na! Dito mo maririnig ang mga kuwentuhang walang humpay, mga hindi magpapatalong karanasan ng mga magkumpare na tila kulang na lang ay isulat sa kasaysayan ng bansa.

Hindi na ako magtataka kung ganitong uri din ang magiging kinabukasan ng mga batang kasalukuyan ngayong naglalaro ng tumbang preso.

Sa gabi naman ay maalimpungatan ka ng ingay mula sa kapitbahay mong mag-asawa na nag-aaway. Habang ikaw ay dudungaw pa lang sa bintana upang tingnan kung ano ang nagaganap, makikita mo ang iba mo pang kapitbahay na nauna nang mag-tune in sa dramang nagaganap. Mag-ingat ka lang sa mga lumilipad na bagay.

Paglabas mo ng bahay upang pumasok sa opisina, bagong ligo, fresh na fresh at ang ganda pa ng get-up mo, ay humanda ka na lang na mabuhusan ng isang batyang tubig mula sa katatapos pa lang na magbanlaw mong kapitbahay. Magugulat ka siyempre, at magugulat din siya. Sa gulat niya, hindi man lang siya nakapag-sorry sa iyo. Galit nag alit kang bumalik sa bahay niyo upang magpalit ng nasayang mong get-up. At sa sandaling tumapat ka uli sa bahay ng kapitbahay mong iyon, sisigaw ka ng, “Oi, may dadaan ah!” At yun na ang gagawin mo sa araw-araw na pagdaan mo dun.

Pagsakay mo sa jeep, medyo masanay ka na lang kung bigla kang masasapak ng mabahong amoy ng katabi mo. Sinasabi ko sa ‘yo, natural yan. Kung magrereklamo ka, mag-taxi ka. Hahaha. Idagdag mo pa ang driver na naninigarilyo habang binabasa mo ang nakapaskil na sticker ng MMDA na “This is a smoke-free vehicle”. Mapapasabi ka na lang sa sarili mo ng “weh?”.

Sa gitna ng inyong paglalakbay, magugulantang ka na lang dahil biglang may sisigaw ng “holdap ‘to, walang aalis! Akina lahat ng cellphone!” Aba, at may pilian talaga dito? Cellphone lang ang gusto? Hindi pwedeng iba? Hahaha. Ang masaklap dun, ikaw na mas bata pa at maliit sa mamang yun ay nagpapakahirap magtrabaho samantalang siya ay anlaki-laki ng katawan ay nagnanakaw ng pinaghirapan ng iba.

Tuwing linggo ay magigising ka sa ingay ng mga kalalakihan na sumisigaw ng magkahalong “Pula, pula, pula!” o ‘Puti, puti, puti!” At mga bandang tanghali ay nagkalat na ang mga balahibo ng manok at may inuman na naman sa kapitbahay.

Sa labas din, madalas kang makakita ng mag-syotang naghahalikan. Para kang nanonood ng foreign movies na hayup kung magtukaan pero local lang ang mga characters. Kaya medyo may pandidiri kang mararamdaman. Hehe.

Ganito lang kapayak, kasaya, kagulo, kasakit ng ulo ang buhay sa aming lugar. Kapag nasanay ka na, ayos na. Kapag hindi, e di umalis ka. Ganun lang ang logic. Haha XD

Tuloy po kau sa makasaysayang lungsod ng Kalookan!

Maniwala ka!

Pag-asa, nasan ka?
Nawawala ka ba?
Eh ba’t sabi nila?
“Wala ng pag-asa!”

Sa bayang pinagmulan,
Hindi ka maramdaman
Maraming nahihirapan
Hanap ay katarungan

Kada may manunungkulan
Sa ating abang pamahalaan
Binabanggit ang iyong ngalan
Pangako sa sambayanan

At ‘pag ang puwesto’y natamo
Pangako’y biglang naglaho
Ang biktima’y kapwa Pilipino
Nasa’an ating pagkatuto?

Pag-asa, nahan ka ba?
Hindi maapuhap iyong mukha
Hinahanap iyong pagkalinga
Hindi ka ba naaawa?

Ikaw ba’y nasa katauhan
N’yaring mga kabataan?
O nasa kasalukuyang pamahalaan
Na pilit ginagamit iyong ngalan?

O, Ikaw ba’y nasa puso ng bawat isa
Hindi mawawala, nag-aapoy, nagbabaga
Patuloy na isisigaw, maniniwala
Na habang may buhay, may pag-asa!

Kailan?

Makata. Malikhain ang isip.
Sweet at mabait.
Mga tingin na malagkit,
Tunay nakaaakit.

Hawak sa kamay
Nakabubuhay ng patay
Sabayan pa ng akbay
Kinikilig sa paglalakbay.

Wala namang ibang hiling,
Kundi ika’y makapiling
Pag-ibig mo’ng walang katulad,
Daig ko pa ang mapalad.

Paghawi mo sa buhok ko,
Dama hanggang sa aking puso
Pag-ibig mong dalisay
Nais ko sa habang buhay.

Iyong halik at yakap
Aking pinapangarap
O ano’ng saya, ano’ng sarap,
Para’ng akong nasa ulap.

Boses mo’ng malambing
Walang katulad, kahambing
Pagtawag mo sa aking pangalan,
Musikang kay sarap pakinggan.

Asan ka, sino ka?
Kailan kita makikilala?
Nais kang makita, makasama,
Kailan ba? Kalian pa?

San ba matatagpuan?
Kailan ba masisilayan?
Kailan mararamdaman?
Pagmamahal na walang hanggan.

Whew…
La lang…
Kailan kaya ito?
Kailan?

Grabe.

Muntik na ako dun ah. Akala ko hindi na matutuloy.

Gara kasi ng Nuclear Power Plant Blast sa Japan.

Kakaloka.

Nakapag-rent na ako ng gown.

Buti na lang.

Kahit nasira ang sandals ko,

at nasira ang zipper ng gown ni jessa,

Langya talagang mga panira yan oh,

pag moment na namin dun pa masisira.

parang kahit kailan ayaw talaga kaming mag-shine.

Shining moment na nga eh…

Kontra bulate pa.

Ayun.

Atlis natuloy.

At naging masaya ang lahat.

Lalo na nung tumulay si Nanay sa alambre.

Akala ko talaga voice over lang siya.

May moment din pala ang lola!

Di papakabog!

Hahaha.

Ang lahat ay naging maayos naman.

kahit magulo.

Salamat “Turk”

at sa lahat ng tumulong at nagpakagutom.

Xenxa na, ala talaga tau budget eh.

Tiis-tiis muna.

Teka, soli ko na muna gown ko.

Baka may extra charge pa.

haha.

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Nakakapagod. Mga alas-siyete y medya ng gabi, matiyaga akong naghihintay ng matinong bus papuntang Letre at naghahandang makipagbalyahan sa iba pang mga sasakay upang magkapalad na makaupo…haha.

Ayos, Cher na naman!

Komportable akong sumakay sa bus na nabanggit. Bukod sa may kabaguhan ang kanilang bus, at malamig ang kanilang erkon, medyo edukado ang kanilang mga kundoktor. At hindi nila ako nabayaran para maisama sa artikulong ito :/

“Haaaay salamat! Nakaupo din!” Sabi ng kumag sa sarili niya. Sa totoo lang, madalas ko kausapin sarili ko. Mas masarap kasi kausap yung sarili mo, at least walang kokontra sayo, pwera na lang kung galit kayo (ng sarili mo). Haha.

Maganda ang puwesto ko. Nasisilip ko ang TV, at impeyrnes, hindi siya choppy. 24 Oras ng channel 7 ang palabas nun.

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Isang labingdalawang taong gulang na batang lalaki, may kanser sa buto ang nagsabi ng mga katagang ito. Binigyan kasi sila ng pagkakataon ng network na makasakay sa isang sasakyang panghimpapawid at makita ang paligid mula sa itaas. Magandang tanawin, malakas na hangin, at isang kakaibang experience para sa isang tao na may taning ang buhay.

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Paulit-ulit itong sumasagi sa isip ko. Habang nanonood ako ng TV, nakita ko naman na masaya ang bata sa kanyang experience nung araw na yun. Ngunit iyon pa rin ang kanyang nasabi.

May mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa isang nilalang ngunit hindi naman ito ang tunay niyang kailangan. Mayron ding nagpapalimot sa isang katotohanan na wala nang pag-asa upang matakasan. Sa pagkakataong ito, napasaya nang ilang minuto (o kahit ng ilang oras) ang batang may kanser sa buto, ngunit hindi ito ang magpapalimot sa tao na hindi na siya magtatagal sa mundo.

Laging sinasabi ng kaibigan ko, “PANINIWALA MO LANG ‘YAN,”

Boss, may mga bagay na hindi kaya ng kapangyarihan ng mind over matter. Ito ang tinatawag na subject matter \m/

Matira, Matibay!

Isa akong tagapagsulong ng karapatan ng kabataan. Karahasang pisikal, emosyonal, maging berbal ay ipinagbabawal. Sa loob n gaming tahanan ay pinananatilli ang kapayapaan at pagmamahalan. Ngunit sa aking paglabas ay ang hubad na katotohanan.

Lumabas ako isang umaga. Bagong ligo, mabango, masigasig at punong-puno ng pag-asa. Sa aking paglalakad, nadaanan ko ang isang batang pinaliliguan ng kanyang ina sa labas. Malakas ang hagulhol ng bata, malayo pa lang ay dinig ko na. Akala ko’y nilalamig siya. Sabay sigaw ng kanyang ina, “Ayan, sige, putang ina ka, ang kulet mo!” ngayon alam ko na kung bakit naiyak siya, kaya pala.

Napadaan ako sa basketball court sa may amin. Kung saan isang kumpol na magkukumare ang hindi mo maistorbo sa pakikinig at pagmamarka sa mga numerong nabanggit sa pagbi-bingo. May mga batang naglalaro sa paligid nila. Mga nakahubad, at may natuyong uhog sa pisngi. Palibhasa’y mga bata, hindi maiwasang magkasakitan at may mag-iyakan. Hagulhol na sa pag-iyak ang bata habang kinakalabit ang kanyang ina na lubhang abala at walang narinig. Kawawang bata. Ayun, napagod lang siya at nanahimik na.

Naglalaro pa rin sa aking isipan ang eksenang iyon ng may nakasalubong akong dalawang batang lalaki, na marahil ay parehong nasa limang taong gulang. May bitbit silang malit na palanggana, na may lamang mais na nilaga. Hindi ko na sila natanong kung magkano, sapagkat abala sila sa pagkukuwentuhan. Wala sa loob nila ang pagtitinda ng mais. Bata pa kasi. Dapat sana’y Masaya silang naglalaro at pumapasok sa paaralan.

Hindi kami mayaman, at hindi rin naman ganun kahirap. Sabi nga nila, “sakto lang”. Ngunit hindi ko naranasang magtinda ng kung anu-ano para mabuhay. Wala rin akong matandaan na naglaro ako ng walang damit, ayaw na ayaw ko pa nga nun na naka-paa kahit na naglalaro ng tumbang preso. Hindi rin nagbi-bingo ang mga magulang ko at wala silang bisyo. Lagi nga lang silang wala sa bahay para magtrabaho. Masuwerte pa rin ako.

Mas unang natututunan ng mga bata sa amin ang magmura, kesa mga salita ng pagmamahal o paggalang. Bihira na lang ang mga bata na alam ang ‘po’ at ‘opo’ at malas na lang kapag araw-araw silang naglalaro sa labas kasama ang mga batang palamura. Pagkalao’y makakalimutan na nila ang salita ng paggalang.

Pinangarap ko ring makaalis sa lugar namin. Pero dun na yata ako mamamatay. (Wag lang sana akong patayin ng mga holdaper dun, haha.) Sa lugar naming na walang paggalang sa mga kapitbahay. Pati pintuan ng kapitbahay ay gagawing palikuran kapag nag-inuman ang mga lasenggo sa daan. Aangkinin pa ang daan para maging session ng inuman. Kapag may party, haharangan din ang buong iskinita na akala mo ay narentahan.

Kawawa ka pag napagtripan. Marami na akong kilala na nasaksak dahil napagtripan at suwerteng nabuhay. At meron ding minalas at namatay. Tsk, tsk.
Takot ang mga pulis. Sala-salabat ang iskinitang pwedeng pagtaguan ng mga kriminal. Pag nasundan mo ang mga salarin at na-trap ka sa lugar nila, malas mo lang, patay ka.

Wala na silang takot. Totoong pasama na nang pasama ang mundong ito.

Mas Lumang mga Paskil »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.