Pag-asa, nasan ka?
Nawawala ka ba?
Eh ba’t sabi nila?
“Wala ng pag-asa!”
Sa bayang pinagmulan,
Hindi ka maramdaman
Maraming nahihirapan
Hanap ay katarungan
Kada may manunungkulan
Sa ating abang pamahalaan
Binabanggit ang iyong ngalan
Pangako sa sambayanan
At ‘pag ang puwesto’y natamo
Pangako’y biglang naglaho
Ang biktima’y kapwa Pilipino
Nasa’an ating pagkatuto?
Pag-asa, nahan ka ba?
Hindi maapuhap iyong mukha
Hinahanap iyong pagkalinga
Hindi ka ba naaawa?
Ikaw ba’y nasa katauhan
N’yaring mga kabataan?
O nasa kasalukuyang pamahalaan
Na pilit ginagamit iyong ngalan?
O, Ikaw ba’y nasa puso ng bawat isa
Hindi mawawala, nag-aapoy, nagbabaga
Patuloy na isisigaw, maniniwala
Na habang may buhay, may pag-asa!