Sino itong girl in green?

Standard

Aba ewan. Basta naka-pink ako ngayong araw na to. Hmm. May blog na ako dati. Kaso puro Ingles ang post ko dun. Gara naman kung bigla akong magpo-post ng Tagalog diba? Kaya eto, dumagdag pa ako sa pinoproblema ng wordpress. Sa pag-asang magkakaroon din ng tinatawag na traffic ang blog ko. Kung sa mga drayber ng sasakyan eh perwisyo ang trapik, aba, kakaiba naman dito sa blooging. Dito eh hinahanap-hanap ang trapik. Kapag red ang ilaw mo, sikat kah.

Mahilig talaga akong magsulat. Puro kalokohan nga lang (ahehe). Naalala ko din noon, galit na galit ang nanay ko dahil puro sulat ang dingding at pintuan ng bahay namen. Sa kagustuhan kong magsulat at magdrowing, aion, pati ang inosente naming dingding eh nadamay. Natatawa na nga lang ako pag nakikita ko ang bakas ng lumipas. Biruin mo ngayon, ibang dingding na ang sinusulatan ko. At iba na ang ginagamit kong panulat. Haytek. Wall na ng facebook ang sinusulatan ko, bulletin ng friendster, at eto nga, pati wordpress napagtripan ko ng sulatan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s