Nang dahil sa bouquet ng white rose…

Standard

Dun lang ako kinabahan.

May relasyon ito sa post ko tungkol sa lamay. Bago ako tuluyang umuwi ng gabing iyon, ay, ng madaling-araw na yon, tumawag ako sa mahal ko na kasalukuyang nasa KFC Recto pa ng mga panahong yaon. (wow! yaon!)

Yun nga, sinabi ko na nasa lamay kami. And here are the notes of our conversation;

Mhei: Mahal ko, dito kame lamay.

Carlo: Lamay? Saan?

Mhei: Kina_____________ (withheld upon request) Namatay kasi lola niya.

Carlo: Ano?! Si _________! (history: pinagseselosan niya kasi ang friend ko na yon kasi matagal na nanliligaw yun saken dati pero hindi ko sinagot)

Mhei: Ano ka ba, hindi naman siya yung dahilan kaya kami pumunta dito. Kasama ko sila Eszle oh, madami kame.

Carlo: Bahala ka, gabing-gabi na anjan ka pa.

Mhei: Ano ba yan, dapat hindi na lang ako tumawag.

__________end of conversation________________

Aion nga. Pagkatapos ng mahabang serye ng killer-killer at sanction sa mahuhuli, napagod din kami (hindi kasi nag-enervon) at nagpasyang umuwi.

Pagdating ko ng bahay, (background music, Home) andami ko na palang text. Iniwan ko kasi yung latest unit ng nokia na cellphone ko dahil madali ng ma-low batt at wala akong load. (anong silbi nun?)

Nabasa ko nga ang text ni Carlo. (Source: inbox)

“Mahal ko, hintayin mo ko sa inyo ngayon. May ibibigay ako. Kailangan ngayon ko na ibigay. Texback. Asap”.

At nagkakandarapa naman akong magreply. May ibibigay daw eh. Haha.

“Uhm, mahal ko, geh, hintayin kita dito samen. Anong time ka ba darating?” (sending…message sent!)

Ang mahiwagang mensahe..!!! by Doraemon (message tone ko)

“Mahal ko, papunta na ako jan. Hintayin mo ko huh? Text na lang kita mea labyu”.

Ala-una na yun ng madaling araw. Inaliw ako ng mp4 ko nung mga sandaling hinihintay ko siya. 1:30. Nagtext saken si Jo. Girlfriend ng ka-crew niya na kasama niya ngayon.

Message: Mhei, umuwi na ba ni Carlo? Wala pa dito si Yuan eh. Anong oras na. Nag-aalala na ako.

Reply: Oo daw. Pupunta ata sila dito samen eh. Nagtext si Carlo gamit ang number ni Yuan eh. Malamang magkasama sila.

Dumaan ang ilang minuto. Alas dos na.

Message: Mhei, anjan na ba sila sa inyo?

Reply: Wala pa nga eh. Supposed to be dapat andito na sila. Naiiyak na ako dito. Baka may nangyari na sa mga yun.

Message: Mugto na nga mata ko eh. Minimiskol ko yung cellphone ni Yuan unattended. Kinakabahan na ako.

Reply: May landline ba kayo jan? Tumawag kaya tayo sa pulis? (paranoid)

Message: Relax lang tol, wala pa namang 24 hrs silang nawawala eh. Malay mo nahila lang sa gimikan yung dalawa.

(Nag-ring ang cellphone ko) Hello?

Carlo: Mahal ko, andito na ako City Hall.

Mhei: Ano ka ba naman? Ano ba nangyari sa inyo? Si Yuan asan na? Nag-aalala si Jo.

Carlo: Pinauwi ko na si Yuan. Papunta na ako jan huh? Hintayin mo ako.

Mhei: Wag ka na pumunta. Anong oras na. (alas tres po) Nakakatakot na.

Carlo: May ibibigay ako sa iyo eh. Kailangan ngayon ko na ibigay. Sige na. Magta-time na. Labyu.

At wala akong nagawa kundi ang maghintay. Maya-maya, tumahol na sila Chuckie at Mikko. (mga aso ng Tito ko) Binuksan ko anf pinto.

Carlo: Mahal ko, happy monthsary.

Mhei: (Teary eyes) Nag-alala kami sa inyo. Ano ba kayo. Papatayin niyo kami sa kaba.

Carlo: Pumunta kami sa Dangwa eh. Bumili ako nian. Sorry, hindi ka ba natuwa?

(Siyempre natuwa ako. Ikaw ba naman bigyan ng boyfriend mo ng isang bouquet ng white rose ewan ko lang kung hindi ka kiligin. Ayun. Nag-sorry siya. And we lived happily ever after.)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s