Ang pambansang ulam!

Standard

Whew..kakatamad. Xenxa na pu qng ngayon lang ulit ako nakadalaw. Hindi po kasi gumagana yung utak ko  nung mga nakaraang araw.

Sardinas na naman ang ulam namen kanina. Ako lang kasi ang naiwan sa bahay kasama ang mga younger brothers ko. Malamang ako ang tagaluto.

Pagkauwi ko galing work, nagbihis lang ako at namalengke. Palibot-libot lang ako sa talipapa. Hindi malaman kung ano ang bibilhin ko. Kumakaway saken ang paborito kong tuyo, talong, itlog na maalat, togue at sitaw. Hindi ko sila pinansin. Dedma.

Dinampot ko ang nananahimik na si pechay. Dalawa sila. Para hindi malungkot yung isa. Tapos ay sinamahan ko ng walang kamatayang si sibuyas, with tokwa on the side.

Bumili ako ng bigas. Limang kilo. Ambigat. Dumaan ako sa grocery para bumili ng mahiwagang sardinas, yung ligo, madami kasing laman yun eh-mura pa.

Gustong-gusto yun ng mga kapatid ko. Ewan ko ba kung san ko natutunan yung recipe na yun. Basta makakain at mura. Ok na.

Advertisements

2 responses »

  1. Isa ako sa mga nananalig na ‘yan ang PINAKAPABORITONG ulam ni MayFLOOR. Nung isang araw nga na pumunta ako ng bahay nila, college pa kami nun, college kung saan naglaro lang kami, kaya ayan ngayon binibiro na kami ng panahon. Anyway pumunta kami sa bahay nila MayFLOOR kasama pa ang kaklaseng si JEJOMAR hindi upang gumawa ng milagro kundi kunin lang ang ilaw ni Jen pusa, kasi kakailanganin namin sa isang production sa school.
    Umaamin ako naging biktima ako ng pambansang ulam na ito dahil as usual la silang ulam (kaya sa tingin ko ay dapat matuto ka nang magluto.. yaan mo gagawa ako ng online poll para naman pagbutohan ng taong bayang Pilipino kung dpat ka ngang matutong magluto o hindi..coming soon). Buti naman ay lasang sardinas pa rin siya.. malaking milagro kung naglasang sinampalukan sana ‘yun pero anyway nabusog naman nito ang mga bulate ko sa tiyan.. salamat..
    Tanong ko lang bakit ba kais kailangang me kasamang pechay ang mga kawawang sardinas.. wla ka bang ibang kilalang gulay.. sana naman sa susunod me variety.. feeling ko kasi nagsasawa na ang mga bro sa mga niluluto mo..eh..
    ‘yun lang..

    • wahaha..isa kang hampaslupang walang utang na loob! matapos kitang patikimin ng sardinas ganyan ang igaganti mo sa akin? samantalang puro talbos lang ng kamote ang kinakain mo dati? haha..wala kang moral vegavegz!

      neweiz, salamat sa walang kwenta mong komento, hayaan mo, ipinakiusap ko na kay ichigo na boses ni marky cielo ang kaluluwa mo…ahehehe..peace pare..wak ka lang magsu-suicide!

      impeyrnes, nakakamiss ang ambiance ng college campus. lalo na nung kinapalan ko ang mukha ko at sumali ako sa “the search for the ultimate extra” nila ariel at maverick. grabe, muntik na akong palayasin ng mudrakels ko at itatwa bilang anak niya. nakakatawa din ang pambuburaot ng mga klasmeyt mong pumapasok para manimawa ng pagkaing binili mo sa SM Manila na isang tumbling lang mula sa school mo at nagiging dahilan ng pagiging late mo sa Film subject naten.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s