Kailangan ko ang opinyon ninyo!

Standard

Pangarap ko ang magsulat. Simula bata pa lang ako, sulat na ako ng sulat. Sa pader, sa dingding ng bahay namen, sa uniform ko, sa balat ko, sa mukha ko, sa desk ko sa school, sa bag ng kaklase ko, sa semento, sa blackboard na kulay green, at kung saan pang dako ng daigdig. Kaya noon pa man, nasabi na ng mga magulang ko na magiging manunulat ako balang araw. Kung manunulat ng mga istorya sa pocketbook o newswriter eh hindi na nila nalinaw sa akin.

At ngayon nga, naganap na. Isa na akong hamak na manunulat. Ang sarap kasi sumulat ng istorya. Lalo na pag ikaw mismo ang nakasaksi o naka-experience. Para kang bida. Kumbaga, “from a reliable source” o diba, may ranggo ka na.

Ang simpleng pagkadapa ng kapatid mo na ikaw lang ang nakakita, ang paglobo ng sipon ng kaklase mo, ang makabagdamdaming pagtulo ng laway ng crush mo na naging dahilan ng pagka-turn off mo sa kanya, at ang kutong naglalakbay sa buhok ng kalaro mo habang nag pri-prikidam 123 kayo. Lahat ng yan eh gusto mong ibalita sa madla.

Simple. Basta may istorya at may bida, kumpleto na.

Sa ganang akin, ang pagbibigay ng makulay na istorya eh nangangailangan din ng makabuluhang komento. Salamat sa unang nagkoment sa blog ko. Kay Jayson Vega na kaklase ko nung college. Hindi ko alam na magkaka-utang na loob ako sa kanya. Sa kanya na dati eh nambuburaot ng mga pagkaing binili ko ng perako na pinagpawisan ng mga magulang ko. Si Jayson na nakikipag-unahan sa diyaryong Libre na binuburaot ko lang din sa LRT araw-araw. Si Jayson na walang awang humamak sa pagkatao ko dahil sa hindi ko lang nabasa ang libro ni Nicholas Sparks na “The Notebook” (hindi ba sapat na napanood ko yun?) Si Jayson na lagi akong hinahamon, hindi ko alam kung siya ang nagpauso ng “Fear Factor” dahil sa dami ng hamon niya saken noon.

Pero bilib ako sa kanya. Kahit hindi siya guwapo (bwahahahaha!!!) napakasipag niya at may prinsipyong tao, kahit hindi halata. Yun lang ang magandang katangian niya. Wala na akong maisip eh. Hahaha.

Pero pare, dito ko lang aaminin ang matagal ko ng tinatago sayo. Uhm, ano kasi, uhm…yung cassette tape ko na ginamit sa recording ng interview natin kay Bernadette Sembrano, hindi pa kasi bayad yun eh. Malaki na ang interest nun. Pakisabi na lang sa mga ka-group naten. Ayun. Salamat.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s