Pera-anay na sumisira sa magagandang ugali at relasyon

Standard

Medyo harsh ang title. Based from experience.

Hindi ako maperang tao. Simpleng empleyado na ginagawang araw ang gabi (graveyard kasi ako..nyahahaha..) at isang typical na kaibigan na laging andiyan kapag kailangan–yun na.

Nakakalungkot lang.

Naospital ang lolo ko. Ang pinakamamahal kong lolo na tumayong ama sa akin magmula sa aking unang uha. Kapit. Medyo madrama ito.

Ang masaklap lang, wala akong pera ngayon. As in capital W-A-L-A WALA! Matagal pa ang sahod. Ang tanging paraan lang na naiisip ko ay singilin ang mga taong humiram sa akin ng yaman nung mga panahong meron pa ko nun. Ang kaso, mukhang maysakit sila ngayon. Matindi ang epidemya. Kalimot. Walang lunas. Tsk, tsk.

Totoong nakasasama ng loob. Kung babalikan ko ang mga sandaling iyon, hindi sila nagdalawang salita sa akin nung panahong kailangan nila ng pera. Kung tutuusin, sila pa ang pumupunta sa bahay para holdapin ako. Hindi naman ako makatanggi. Mukha namang kailangan nila ng pang-date eh. Necessity kaya yun.

Ngayon, ako naman ang may kailangan sa kanila. Kundi lang para sa lolo ko eh hindi ko na talaga sila sisingilin eh. Ang kaso, lolo ko na ang usapan dito. Talo-talo na.

Nakakatawa lang. Lahat sila busy ngayon. Ako ngayon ang humihingi ng awa nila para ibalik ang pera ko-ANG PERA KO. Iniisip ko, bakit ako ngayon ang nagmamakaawa para sa pera ko? Eh pera ko nga yun? PERA KOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!! Badtrip. Wala naman akong magawa. Alangan sunugin ko sila ng buhay? Eh di lalong hindi nila ako nabayaran. Hay, buhay…

Yan ang masaklap na pangyayari sa buhay ng mga nautangan. Magsilbi sanang aral sa akin ito. Sa susunod, pipili na ako ng totoong tao. Nadala na ako. Nakakalungkot lang kasi nasisira ang tiwala dahil lang sa walang kwentang dahilan. HINDI PAGBABAYAD NG UTANG. Ako pa naman sa sarili ko, hangga’t maaari ayoko ng may utang, kaya nga hindi ako nangungutang. Pero baka ngayon gawin ko na iyong bagay na iyon. Pero sisiguraduhin kong magbabayad ako. Madaling kitain ang pera, pero hindi ang tiwala, kredibilidad at malinis na pangalan.

Sana magbayad na sila. Amen.

Advertisements

2 responses »

    • bwahahaha..magandang ideya yan par..ang kaso mauutak yang mga kumag na yan…saka ang masaklap pa, hindi ko sila mauutangan dahil hindi sila maniniwala na wala akong pera! mga kumag sila!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s