Put A Henna Mo!

Standard

Sino ba ang gustong mapahiya?

Paano mo mamo-motivate ang isang taong mahina kung ipapahiya mo siya? Paano mo ipaparealize sa kanya na mayroon siyang sariling talento kung patuloy mong ipapamukha sa kanya na hanggang dun na lang siya? Na hindi na niya kayang umunlad pa.

Yabang. A stupid factor that drives all dumb heads to make believe that they are better persons. Haha. Hayaan mo silang kainin ng yabang!

Kung tutuusin, yun lang ang kaya nilang gawin sa iba. Ang magyabang ng mga bagay na meron sila na wala sa iba.

Takot. Natatakot kasi sila na kapag natuklasan ng mga taong kinakayan-kayanan nila ang totoo nilang kapangyarihan, kapag natuto na silang ilabas ang kanilang shakra eh baka malunod at matabunan sila sa nag-uumapaw nilang taglay na talento.

So, as a defense, they keep on doing bullshitness to make these persons look like they are stupid jerks who helplessly need them. When in fact, they are just afraid on what these people can do.

Good luck sa kanila no!

Naranasan mo na ba ito? Ang ipahiya sa harap ng madaming tao. Sa loob ng klase, o sa mga kalaro mo, sa mga kapatid mo kaya? Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit, katulad ng mga magnanakaw, ang mga mapagmataas na ito ay patuloy na lumalaganap at nagnanakaw ng magagandang ugali.

Natatandaan ko, nagkaroon ako ng kaibigan sa La Salle. Meron din akong kaibigan na galing sa Lyceum, UST at San Sebastian. Salamat at sa kabila ng mataas na pagkilala sa mga taong nakapagtapos sa mga nasabing Unibersidad ay nananatili pa ring nakaapak sa lupa ang mga kaibigan kong ito.

Well, hindi sukatan ng pagiging matalino at kagalang-galang na tao kung nakapagtapos ka sa isang prestihiyosong Unibersidad, kung araw-araw kang sumisipsip ng venti mocha frap sa Starbucks, at nakasuot ka ng latest na model ng havaianas kung hindi ka naman marunong gumalang at kumilala sa iba. Ang masasabi ko sa lang sa mga tulad mo ay…

“PUT A HENNA MO!”

Haha…wholesome pa din naman diba..? Basta. Kung sino man sa inyo ang nakaramdam ng ganitong pang-aapi, tawagin nio lang si mang Jose,  pwede din si Manong Pepe.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s