What Media can do…

Standard

Wala na, ayawan na. Antagal naman ata ng resulta ng autopsy ni Marky Cielo.

May nabalitaan ka na ba kung anong totoong ikinamatay niya? Well, diyan na pumapasok ang kapangyarihan ng media.

Actually, we are all victims of media. We are affected by what they write, what they air, and what they tell us. We don’t have the right to choose what they should feed us.

At yan ang masaklap na katotohanan. Kaya nilang kalkalin ang pinakanatatagong sikreto sa paraang hindi natin nalalaman. At kaya rin nilang itago ang kabulukan sa lugar na hindi mo kayang kalkalin, at itatago ang alingasaw nito hanggang dumating ang panahon na nakatuon na sa iba ang atensyon mo at tuluyan mo ng malimutan ang baho nito.

Well, ano na nga ba ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Marky Cielo? Aba, siret. Kung naniniwala ka na biktima siya ng bangungot, eh di maniwala ka na lang. Dahil dun sa mga naninindigan na suicide ang dahilan eh hanggang sa kanila na lang naman ang paniniwalang yun eh.

Hindi naman sa binubuhay ko pa ang inilibing na istorya kasabay ng tuluyang paglimot sa minsan ding naging matibay na pundasyon ng industriya ng showbiz, ang aking lang eh, isa siyang public figure, at karapatan ng madla na malaman ang tunay na dahilan. Well ulit, mananatili na lang atang karapatan yung karapatan natin na yun mga pare, nakoh, gudlak na lang.

Nanghihinayang ako. Nung una ko ngang marinig ang balitang ito, hindi ako naniwala. Malay ko ba kung paninira lang yun? Hanggang sa tuluyan na akong maniwala nung lahat ng istasyon eh yun ang balita. Pati nga sa istasyon ng tren eh yun ang usapan. Hay…

Infairness, kung totoong nagsuicide ang binata, ang galing niyang tumayming! Itinaon niya kung kailan ang buong mundo ay nagdiriwang sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao. Siyempre, mas malaking publicity nga naman ang pagkapanalo ni Pacman. Magaling. Kung papansinin ninyo, mas laman nga si Pacman ng balita kaysa kay Marky.

Hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun. Haay…pumasok lang ulit sya sa isip ko. Dahil tulad niyo, isa rin ako sa mga uhaw sa katotohanan. Sa kasamaang palad, mukhang hindi na natin yun malalaman.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s