Yahoo!

Standard

Nanalo na naman si Pacman. Masaya na naman ang lolo ko.

Fanatic pala ni Manny Pacquiao ang mabait kong lolo. Nung amateur pa lang daw si Pacquiao eh hinulaan na yun ni lolo sabi ni nanay. “Matigas siya, malayo ang mararating niya. Lalo pa’t malakas ang kaliwa niya.’

Biruin mo yun? Manghuhula na rin pala si lolo? Tanong ko kaya kung kami na talaga ng boyfriend ko habambuhay? Ahehehe.

Binilhan ko si lolo ng tiket sa SM, yung live telecast ng laban ni Pacquiao? Tuwang-tuwa ang lolo mo. Ahehehe. Ewan ko lang kung Masaya siya sa kanta ni Martin Nievera…ayaw niya kasi dun eh…\m/

Maaga pa lang andun na siya. Hindi mo mahahalatang excited. Text-text kami kung anu na nangayayari dun. Wala kasi siyang kasama. So yun lang ang means of communication namen.

8am. Anthem na daw. Ewan lang kung nakicooperate siya sa pagkanta ni Martin. Wahehehe.

Xempre nahiya naman akong itext siya ng itext. Baka ndi niya maenjoy. So I let him enjoy the moment.

Mga bandang 12pm, nagtext siya, panalo daw ang pambansang kamao. Two rounds lang ang itinagal ni Hatton. Bumagsak pa nga sa first round palang. Pahiya siguro si Floyd Mayweather. Tsk, tsk.  Malamang naglulupasay na naman si Aling Dionisia. Lakas talaga ng kapit nun.

Kawawa naman si Ricky Hatton. Yabang pa naman nila ni Mayweather. Well, weather-weather lang yan. \m/

Well, naiuwi na naman ni Manny ang sinturon. At balitang may holiday pa daw para i-celebrate ang kanyang tagumpay. Sosyal. Todo na ang pagsisipsip ni Presidente ah? (anak, itabi mo, lagpas na ako…)

Salamat sa mga katulad ni Pacman na patuloy na binibigyan ng karangalan ang bansa. Pero sana naman mahiya ang mga gumagamit sa mga ganitong pagkakataon para mamulitika. Magboksing din kaya kayo para sumikat.

Kailan kaya matatalo si Pacquiao? Siguro nakakabaliw ang pagkatalong yun. He’s on the pinnacle of his career, and the only way to go is, sadly, is to go down.

Siguro ang pagkatalo niya eh sa pulitika. There are things that we are not meant to deal with. Tulad ni Pacquiao, he’s given enough blessings on the sports industry, but he’s not lucky enough in politics. We must learn to accept that truth.

Congratulations Pacman! The entire nation is very proud of you! \m/

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s