Alam mo ba ang SEO?

Standard

Nanginginig ako sa lamig ng aircon sa reception area. Naghihintay na matapos ang unang nag-apply dahil ako na ang susunod. Kinakabahan? Oo, siyempre. Lalo na gabi na at malamang mag-isa lang akong uuwi. Ahehe.

Tinawag na ako.

“Ms. de Guzman?”

Ako yun, malamang. Tumayo ako at nanginginig na pumunta sa loob ng office dala-dala ang mga articles na ipinagmamalaki ko.

Isang middle-aged na lalaki ang ngumiti sa akin. Gumanti din ako ng ngiti. Alangan naming kagatin ko siya diba?

Si Sir Eric. Siya daw si Sir Eric. Nireview niya ang resume ko. At hiningi ang mga sample articles ko. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Kumbaga sa boses, monotonous siya. At nung mahaba-mahaba na nga ang usapan naming. Napatunayan kong pati boses niya ay monotonous.

“Kailangan naming ng web copywriter.” Sabi niya. “Alam mo ba ang SEO?”

Natameme ako. Anu daw? SEAMEO? Ahehehe.

“Hindi po,” nahihiya kong tugon.

“Uhm, SEO is Search Engine Optimization. Halimbawa, Nike, pagagawain ka ng articles tungkol sa Nike at isusubmit naman iyon sa mga bookmarking sites para magrank ang website. Ginagawa mo na ito pero hindi mo alam ang tawag. Halimbawa, nagre-research ka ng project mo, ita-type mo ang pinaka-related na ‘keyword’ para makita mo yun.”

“Ah,” o diba, ang haba ng sagot ko!

Mahina ang boses niya. Yun tipong parang sindikato na nakikipagpalitan ng epektus sa kalaban. Ganun. Kaya hindi ko rin masyadong naintindihan.

“Kaya mo bang magsulat ng 45 articles per day?”

“Po? 45!?”

“Yes.”

Nawindang ako. 45?! Eh kahit sina Che-Che Lazaro o Jessica Soho eh baka mabaliw nun! Biruin mo? 45 articles maximum of 500 words? Ano ako? Spambot?

Rewind…rewind…

“Kaya mo bang magsulat ng 4 to 5 articles per day?”

Yun pala ang tama. Narealized ko nung tapos na ang interview. Wahahaha. Naglinis naman ako ng tenga nung gabing yun ah? Akala ko wala na akong pag-asa.

One week ng paghihintay. Wala. Wala na. Nawalan na ako ng pag-asa.

“Kring! Kring!”

Ang telepono! May tumatawag! (wonderpets theme song, tagalong version)

Pinababalik ako. Yehey!

Isang taon na rin akong SEO specialist. Aion. Marami na akong natutunan. At matututunan pa. Sobrang mahiwaga ang Search Engine Optimization. Yikes!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s