Ambot sa EMO!

Standard

Pagdating talaga sa ‘love’, andaming nagiging EMO. Anjan ang mga naglalaslas ng pulso, tumatalon sa kawawang building, nagbibigti, at umiinom ng walang kamalay-malay na panlinis ng silver. Tsk, tsk.

Anu nga ba ang EMO? Sa tulong ng Wikipedia, eto daw ang ibig sabihin niya;

“Emo (pronounced /ˈiːmoʊ/) is a style of rock music typically characterized by melodic musicianship and expressive, often confessional lyrics. It originated in the mid-1980’s hardcore punk movement of Washington, D.C., where it was known as “emotional hardcore” or “emocore” and pioneered by bands such as Rites of Spring and Embrace. As the style was echoed by contemporary American punk bands, its sound and meaning shifted and changed, blending with pop punk and indie rock and encapsulated in the early 1990s by groups such as Jawbreaker and Sunny Day Real Estate. By the mid 1990’s numerous emo acts emerged from the Midwestern and Central United States, and several independent record labels began to specialize in the style.”

Ayan, naintindihan niyo ba? Pwes ako hindi. (paabot nga ng BLADE please!!!)

Lahat naman tayo ay may side ng pagiging EMO natin. Anjan yung iiyak tayo pag malungkot, pag sinira ng kalaro mo ang paborito mong laruan, kapag nadapa ka at may nakakita (iiyak ka na lang para hindi mapahiya), pag natapakan ang paa mo ng mala-higanteng takong dahil sa siksikan sa MRT (pag ndi ka ba naman naiyak nun ewan ko na lang). Andiyan din naman yung masaya ka at lolobo na ang sipon mo sa kakatawa dahil sa tumulo ang laway ng kaklase mo (sino kaya ang mas nakakatawa sa inyong dalawa?). Maraming pangyayari sa buhay natin na kailangang tawanan at iyakan.

Kay lupit mo pag-ibig!

Hindi ko alam. Pero naging alam ko ang ganung damdamin minsan sa buhay ko. Masakit talaga pag hindi ka mahal ng taong kinaadikan mo nang mahalin. Parang pakiramdam mo ampanget-panget mo at higit sa lahat—wala kang silbi.

But wait! There’s more!

‘Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayro’ng paraan’. Take it from Mr. Rico Blanco. Mula sa kanyang bagong hit single na ‘Antukin’ (wow! Plugging?) There will come a time that we let ourselves look like we’re the most stupid person in the world just for the sake of winning the heart of the one we love. But when the time comes that letting go is the only way to save ourselves from getting too much pain, we must be brave enough to retrieve and move on. WOW! ENGLISH!

Tama yung naging status nung kaibigan ko sa YM nung pinagsasabihan ko siya sa kanyang walong taong katangahan sa kaklase namin nung high school, (yes, eight years po yun, mantakin mo? Sarap iuntog diba?) Malamang mag-aaway na naman kami dahil sa blogpost kong ito. Lagi pa naman yun nagbabasa ng blog ko. Sorry p’re, hindi lang naman para sa iyo ‘to. \m/

Hindi ko naman inililigtas ang sarili ko sa mga ganitong uri ng kagagahan. Ang kagandahan lang kasi sa akin, taon-taon akong nagpapalit ng crush. Haha, malandi. Kada school year nuon, iba ang crush ko. O di ba? Tag-iisang taon lang ang katangahan ko.

Dahil sa pagiging butihin kong kaibigan, ako ay nagsisilbing Tiya Dely o pwede ring Papa Jack sa kanila sa tuwing kailangan nila ng mumura sa kanila sa pinakatangang parte ng buhay nila. Open ako 24 hours a day, seven days a week, 365 days a year sa kanilang lahat para lang murahin sila. Harhar, joke lang, hindi ko naman sila minumura. Sa mga ganung pagkakataon, change costume ako. Kahit nga ako hindi ko kilala ang sarili ko sa panahong nagsasalita ako at nag-aadvice sa kanila tungkol sa pag-ebeg. Lagi kong sinasabing mahalin muna nila ang sarili nila. Sabay sabing “pa-RC ka naman!” Haha.

Hainaq, ang pag-ibig nga naman, parang least common denominator, mula pa nung elementary ako, hinahanap na nila, hanggang ngayon hindi pa rin nila makita. Kung tutuusin, hindi naman kasi siya hinahanap. Kasi darating na lang yun. Abangan mo sa pinto niyo, ide-deliver ng LBC yan. Peace. \m/

‘Hindi kasi ikaw ako, kaya madaling sabihin yang sinasabi moh’, quote and quote. Yan ang status ng kaibigan ko. Gabi-gabi nag-chachat kami at yan lagi ang pinag-uusapan namin. Nakakasawa? Oo. Pero hindi ako magsasawang magbigay ng advice and to give my shoulders for them to lean on. That’s what friends are for. Hindi naman siguro totally katangahan ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Bulag ka lang sa katotohanan. At kailangan mo ng taong magpapa-realize sayo na dumilat ka, at marami pang taong magmamahal at mas magmamahal sa yo. Tanga-tanga mo talaga..hehe, hindi na kasali yun siyempre…

Hindi ko naman sila masisisi. We have our own methods of recovery. I’ve been there before. Glad that I have recovered and contented now. \m/ Hope you find your own contentment too.

Advertisements

7 responses »

  1. letting go is the only way to save ourselves from getting too much pain, we must be brave enough to retrieve and move on. naging motto ko rin to minsan… malaking tulong… talagang may taong nakalaan para sa iyo..kahit nung una sinasabi mo na ayaw mo sa kanya..later on God will tell kung sino ang best for you… so keep on praying for finding a true and lasting partner inl yf

    • oo, kahit minsan nakakasawa na kasi paulit-ulit na lang at parang ndi natututo, kailangang magpasensya parin, parang itinadhana talaga tayo na maging matalino sa panahong tatanga-tanga ang mga kaibigan natin eh…:D tiyagain na lang at kapag naka-move on na sila, saka natin sila singilin noh? NAMAN!!

  2. sabi nga nung iba, emo daw ‘pag masyadong ine-express yung damdamin about love. at oo, emo daw ako kung un ung basehan nila.
    pero, tama ka, lahat naman dumadaan talaga sa ganun a..
    ma-pride lang sila na ayaw nila aminin talaga..
    matapang lang ako at medyo me kakapalan ng muka na maging totoo.. 🙂

    • ewan ko nga ba. bakit yung iba eh parang akala mo sinabihan na ‘Illuminati!!’ kapag sinabihan mo na EMO sila. galit na galit. hndi raw sila EMO. ang sa akin naman, eh anu ngayon kung EMO ka? nabawasan ba nun ang pagkatao mo? ang pagiging EMO ay hindi lamang pagkakaroon ng mahabang bangs, napagliitan na damit at black out fit na parang hindi naliligo. it’s beyond that clothes and style, it’s all about the status, emotional status that sums it up. at oo, EMO ako. and with the help of this blog i expresses my EMO side. haha. and thanks for admitting that you are one, too. \m/

  3. pede ka pala maging love-nurse eh..

    hahaha

    dami ko ng nakita na nagiging emo
    pagdating sa love..

    pero wag naman yung magkakaroon ng bangs na hanggang paa. ang sagwa kasi.

    naka all black na nga tapos puro buhok pa.. heheh
    style ba yun?
    heheh

    at tsaka yung paglalaslas. hahaha

    • haha…bangs na hanggang paa? si sadako ata nag-pauso nun…emo din kaya yun? kaso iba drama niya. magpakalunod sa balon. bagong trip yun nu? ahehe. love-nurse? bagong profession yan ah? magkano kaya bayad jan? may quota din ba yan? ahehehe…thanks sa pagbisita 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s