Kainin Mo Ako Lupa!

Standard

Kanina, bago ako bumaba sa bus, gumagana na ang malikot kong isip kung ano ang isusulat ko ngaun. Naisip ko ang maganda at hindi magandang maidudulot ng ulan. Ng biglang…

“Kainin mo ako lupa!”

Oo, gusto kong kainin na ako ng lupa ng mga oras na yun. Bakit?

Naisip kong masarap kumain ng macaroni soup sa Jollibee lalo na ngayong umuulan. Ayun, nag-crave ako. Tutal, maaga pa naman, binagtas ko ang kahabaan ng Emerald Ave. habang nakikipagtuos sa malakas na ulan at hangin—sa kagustuhan kong kumain ng macaroni soup, macaroni soup.

Ng biglang…

*Ulit*

Gusto ko ng kainin ako ng lupa nung mga oras na yun. Kasi, kasi…ano…hindi ko alam kung matatamo ko pa ang inaasahan kong paggalang sa mga taong nagmamahal sa akin, o tuluyan na itong mawawala sa akin habambuhay.

NADULAS AKO. AS IN DULAS. ALAM MO YUNG NAPAUPO KA SA BASANG DAAN SA TAPAT NG JOLLIBEE EMERALD AVE?

Opo, hindi ko alam kung malupit sa akin ang tadhana nung oras na yun. Dahil matapos kong madulas, habang binabawi ko pa lang ang kahihiyan ko, bigla namang bumaligtad ang payong ko. Gusto ko ng kainin ako ng lupa. Sa sobrang kahihiyan, isinuot ko ang hood ng jacket ko para maitago ang aking iniingatang mukha. Kahit gusto kong tumuloy sa Jollibee dahil sa pinapangarap kong macaroni soup, ipinagpaliban ko muna at pinili ang pride ko. Huminto ako sa Raffles Bldg. para magmuni-muni at sabihin sa sarili ko na, “OK lang yan”.

Madulas talaga sa parteng yun ng Emerald, ( hindi yun katangahan! Hindi! Hindi! Ahmpf! )

Matapos ang ilang minutong pagbuntong hininga at pagkuha muli ng tinatawag na ‘self-confidence’ bumalik ako at bumili ng pinapangarap na macaroni soup. Mabuti na lang at wala na dun yung mga nakatambay na malamang ay natawa sa stunt ko kanina.

At dadalhin ko yun hanggang libing. Huhu.

Naalala ko bigla ang bagong kanta ng Spongecola, ‘Di na Mababawi’. Basang-basa ako. Pagkabayad ko ng Burger Steak at Macaroni Salad, tumingin ako sa paligid kung may nakakakilala sa akin at kung may biglang bumulong na,

‘Di ba yan yung tanga-tangang nadulas kanina sa tapat?’

Mabuti na lang at wala akong narinig na ganun. Kung hindi, baka nag-water bending ako. Inalala ko ang macaroni salad ko. Hindi na ako pwedeng madulas ulit. Baka tumapon ang macaroni at maluto ang balat ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina.

Ngayon, nadagdagan tuloy ang maganda at di-magandang naidudulot ng ulan para saken. Bukod sa mga nakakainis na taeng nagkalat sa daan lalo na sa bawat pagpatak ng ulan, eto pa:

MABUTING NAIDUDULOT NG ULAN:
• nagdidilig sa mga uhaw na ugat ng halaman ng mga MMDA
• naglilinis sa mga dugyot na kotse at sasakyan na tanging ulan ang nagsisilbing carwash (ewan ko kung epekto din yun ng recession)
• nagtatanggal ng bara sa bubong na puro tae ng pusa, hinagis na tsinelas ng mga bata, pamato sa piko at kahoy na ginamit sa syato, pati shuttle cock isama na rin natin!
• nag-aayos ng daloy sa baradong kanal at imburnal
• pwedeng gamiting pambuhos sa CR
• pag malakas ang ulan, WALANG PASOK…hala ulan pa..!! sabi ng abnormal kong kapatid…
• kumikita ng malaki ang mga tricycle at pedicab driver lalo na sa Navotas at Malabon
• ah, nalilinis din pala ang mga pink fences ni Bayani Fernando na puro alikabok dahil sa usok!
• Naiibsan ang init (ng panahon o ng katawan? Ah ewan!)

Dumako naman tayo sa hindi magandang naidudulot ng ulan. Parang awa niyo na, wag na nating isali ang bonggang-bongga kong pagkadulas sa Emerald Ave. Labis na akong nasaktan. Enough is enough!

MASAMANG NAIDUDULOT NG ULAN:

• baha! Lalo na kung taga-KAMANAVA ka. Gudlak saten!
• Ang mahal ng pamasahe!
• Kumakapal ang mukha ng mga driver!
• Kumakalat ang mga tae
• Mahirap matuyo ang sampay, lalo na ang medyas kong makapal
• Laging walang kuryente, hindi ka makanood ng SpongeBob o Boys Over Flowers
• Mahirap ang signal, lalo na pag Sun ang network mo
• Walang date, gala, nood ng sine
• Walang pera kasi walang pasok! Tsk, tsk.
• Eto seryoso, landslide…
• Matumal ang bentahan ng ice candy at halo-halo…
• Dumadami ang populasyon! (hehe, malamig daw kasi, kailangang mag-init!)
• andaming nagiging EMO!
• Hindi mo makikita ang crush mo o ang syota mo (pwera na lang kung nagli-live in na kayo, hehe)
• Hirap maligo…MALAMIG!

Haaay, hanggang jan na lang siguro, uuwi na ako eh. Sana walang nakakilala sa akin sa nangyari kagabi. Di bale, kyut naman ako eh. Hindi na mababago yun. Kahit makailang dulas at dapa pa ako. Hehe, nga pala, pwede kayong mag-suggest ng idadagdag niyo sa mga mabuti at di-mabuting naidudulot ng ulan but please, wag nio na isali yung pagkadulas ko ah? PLEASE LANG! HMPF!!!

Advertisements

2 responses »

  1. ang saklap naman ng madulas sa may ulan pa.

    ayos lang nakuha mo naman yung reward mong
    macaroni soup..

    hindi ka makanood ng SpongeBob .. tama yan..
    pano na walang magpapakain kay Gary.
    Umuulan din ba sa bikini bottom?

    Mabuting nadudulot:

    hindi umiinit ulo ko pag trapik. Malamig kasi.
    masarap tumingin sa bintana
    masarap matulog, tipid sa iliktrik fan

    masamang nadudulot:

    baha, baho
    maginaw lalo na sa opisina na de-aricon
    sipon, ubo, flu
    landslide

    • parang may naaalala ako na napanood kong spongebob episode na umuulan sa bikini bottom, ndi ko na nga maalala yung detalye..harhar…impeyrness, masarap nga namang panuorin ang pagbuhos ng ulan sa salamin ng bintana habang umiinom ng kape (preferably starbucks? haha) at nakikinig ng ‘tuwing umuulan at kapiling ka’ e-heads version.

      tipid nga rin sa kuryente, xe laging brown out samen pag umuulan..haha..tnx sa koment! \m/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s