Pilipino aking kapatid, Mabuhay Ka!

Standard

Napahinto ako ng marinig ko yun.

Nun ko lang uli narinig ang awitin na yun. Natatandaan ko, nakasulat pa yun sa notebook ko nung elementary at paulit-ulit kong kinakanta dahil sa maganda ang mensahe at melodiya.

Masaya ang madla sa tapat ng SM Megamall habang inwinawagayway nila ang simbolo n gating pagka-Pilipino. Nakatutuwang isipin na pinagkakaabalahan nila ang mga ganitong aktibidad para gunitain an gating kalayaan. Ilang taon na nga ba? Alam mo ba?

Isandaan at labing-isang taon na ang nakalilipas mula ng marinig ang sigaw sa Balintawak. Mula ng patayin si Gat Andres Bonifacio sa bundok Buntis, at ng makita ng maraming tao ang pagpatay sa ating pambansang bayani, ang matalinong doctor, Gat Jose Rizal.

Tila kumukupas na ang kasaysayan habang patuloy sa paglago ang karunungan. Naalala ko, galit na galit ang propesor ko nung kolehiyo dahil sa pagsira ng sinehan sa Carriedo upang tayuan ng panibagong establisyemento. Ang pagsasawalang kibo ng kinauukulan sa muling pagbuhay ng Metropolitan Theatre sa Arroceros. Tuluyan ng nabubura sa mapa ang mga naiwang ala-ala ng maganda nating kultura at kasaysayan.

Senti?

Hindi ako magaling sa sibika, kultura at kasaysayan. Ngunit batid nating lahat na hindi na kailangan ang pagiging dalubhasa sa ganung larangan upang maging mapagpahalaga sa mga bahagi ng ating kultura. Sapat na ang masidhing pagmamahal sa pinagmulan upang mapagtanto ang kanyang kahalagahan.

Kung namuhay tayo sa nakaraan at binigyan ng pagkakataon na makabahagi sa mga bagay sa kasalukuyan, malamang, pagtatawanan tayo ng mga kabataan at ng mga taong nakapagtamo ng mataas na kaalaman sa mga prestihiyosong paaralan at unibersidad ngayon.

Mas nakakatawa kayo! Hahahahaaha…!!! Eto ang matunog kong tawa!

“Malaya ka na Pilipino, kagitingan mo’y isisigaw, sa buong mundo…sa buong mundo..” hay, ansarap awitin. Sa totoo lang, naluha ako habang inaawit ito ng mga empleyado ng SM Megamall sa ilalim ng canopy ng mall. Andaming tao. Andaming Pilipino!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s