Nun lang ako tinablan ng kape…

Standard

Sa totoo lang, ndi ako tinatablan ng kapangyarihan ng kape. Mas malakas kasi ang kapangyarihan ko sa kanya. Kahit ilang gramo ng kape ang inumin o papakin (meganoooon?) ko, makakatulog pa rin ako ng mahimbing.

Pero iba ngayon. Pagpasok na pagpasok ko sa opisina, alam kong makakatulog talaga ako. Kasi 3 hrs lang ang tulog ko kanina. Tsk, tsk, mahirap nga kasin matulog sa umaga lalo na kung busy kakapukpok sa bubungan nila yung kapitbahay nio. Diba? Diba? Hmpf.

Nagdecide na nga akong uminom ng kape. Pero auq ng mainit. Dinidissolve ko muna yun sa kunting mainit na tubig tas dinadagdagan ng malamig na tubig at..at..wait! there’s more! Nilalagyan ko pa ng ice cube na nasa ref ng opisina naming. Solb!

Habang busy na nagtatayp ng article, nilalaklak ko ang aking cold coffee…yes! Hekhek. Matapos kong maubos yun. Inaantok na ako.

Pero may naganap.

Adik kasi ako sa facebook. Lalo na sa restaurant city. Grabe! Kada matatapos akong itayp ang isang paragraph sa article, mag-a-alt tab ako para makita kung anu na nangyayari sa restaurant ko. Uu. Ganun talaga.

Habang masaya akong nakikipagkuwentuhan sa katabi ko, pagharap ko sa monitor ko, control tab agad. Saktong pagiligon ko, nasa likod pala ang manager namen…(background music: Di Mo Na Mababawi by SpongeCola) sabay alt tab ulit. Wala na. ito yung mga panahon na tipong sa presinto ka na magpapaliwanag.

“Naglalaro ka lang eh”.

:>Paliwanag: “Hindi po, tinitingnan ko lang”. (nagbabakasakaling lulusot…hekhek)

“Tigilan mo na yan”.

Adik ako. Adik ako. Ako mismo. Haizt. Hindi ko na lang yun pinansin. Yung iba nga nagfre-friendster pa. Mapalad lang sila at magagaling sila lumingon-lingon. Malas ko lang. haha. Kainis.

Advertisements

2 responses »

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s