Nasayang Lang…

Standard

Minsan, may maganda ring maidudulot ang kompetisyon. Lalo na pag late ka.

Paano ko nasabi?

Maleleyt na ko nun. 45 mins. papuntang Ortigas mula sa amin? Isang malaking gudlak! Puwera na lang kung sasakay ka sa likod ni Superman at ng last airbender na si Avatar Aang…hekhek…at kung medyo motivated si Makibaoh, abot ka pa. Balik, balik! Balik tayo sa realidad. May pag-asa pa. Ang mga ordinary na bus.

Malakas pa ang ulan nun. Nawalan na ako ng pag-asa. Pero patuloy pa rin akong nangunyapit (WOW!) sa magagawa ng ordinary na bus. Mabilis kasi magmaneho ang mga drayber ng ordinary, tila lumilipad kayo…sa impyerno nga lang..hekhek.

May nauna rin sa amin na isa pang ordinary na bus. Natural, magagalit ang drayber namin. Dahil sa umuulan, matumal ang pasahero. Kaya kailangang bumawi at unahan ang kalaban. Yun na nga. Napakapit ako sa upuan ko kasi baka yun na lang ang bagay na mailigtas ko pag nagkakalas-kalas ang bus. At least nasa upuan pa rin ako diba?

Halos 30mins lang ang biyahe mula samin hanggang sa MRT. Ayos! Pag sinusuwerte, abot! Next stop, FX. Estimated time of travel from MRT to Ortigas—15 mins. Sakto! Parang coke!

Mejo nadelay. Ambagal pa kasi magpaandar ni kuya. Mukhang nagmumuni-muni pa. Tsk, tsk. Hindi na ako aabot nito. Pero parang ok lang. May kyut naman akong nakasabay. Hekhek. Landi. At least may magandang tanawin.

Haizt. Pagbaba ko sa Emerald, 10pm na sa mga relo dun, yung may mga advertisement? Eh late yun sa oras namin sa opisina eh. Ayun. Hindi na ako umasa. Late ako. Tsk, tsk. Sayang ang ipinaglaban ni manong drayber ng ordinary bus.

Advertisements

One response »

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s