Inggitera ako.

Standard

Oo, isa akong malaking inggitera.

Bata pa lang ako, gusto ko ng mag-artista (“ako po, artista!”) sayang at hindi pa tumatakbo sa pulitika nuon si Mr. Palengke o si Pichay. Para man lang sana natupad ang mga pangarap ko. Tsk, tsk…

Sayang din ang pagkakataon. Eh kung isinali ako ni nanay sa Little Miss Philippines nuon, eh di sana may artista na siyang anak? (Whew! Alam ko namang ayaw mo akong mahiwalay sa yo nay eh, pero sana maintindihan mo na dun talaga ang mundo ko…\m/)

Yun nga. Ang bibo ko pa naman nung bata ako. Kumakanta ako ng “It’s A Small World”, “Hakuna Matata”, “Si Takure” kahit ang “Mga Maliliit na Gagamba” minaster ko din.

Nangagarap din akong sumikat balang araw. Hindi dahil kinasuhan ka ng estafa o nakapatay ka ng tao huh? Gusto ko yung positive (wag kang aayaw, think pasitib!)

Gusto kong maging part ng team ng “I-Witness”. Nararamdaman ko kasi na nananalaytay sa dugo ko ang pagiging dokumentarista (pati artista). Gusto ko rin namang maging sidekick ni Papa Jack lalo na pag wild confessions (papalitan ko si Kuku?)

Gusto kong libutin ang buong mundo. Matuto at makakilala ng iba pang mga tao.

Gusto kong maging parte ng media. Pangarap kong magsulat at ibahagi ang mga nalalaman, kuro-kuro, at pala-palagay ko, lalo na kung hindi ako mapalagay…hekhek.

Gusto ko nung mag-aral sa isang maganda at kinikilalang paaralan. Pero dahil sa hindi naman kami mayaman, tama na yung nakatapos ka at may malinis kang trabaho. Hay, buhay…

Gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo. Dahil sa panahong ito, hindi sapat na empleyado ka lang. Dapat palaguin mo pa ang perang sinasahod mo.

Gusto kong magkaroon ng sariling banda. Maging drummer o bokalista. Gusto ko yun. Gustong-gusto ko yun.

Gusto ko din maging dancer. Parang UD4, tutal may talent naman ako dun eh. Hmm…

Gusto kong magkaroon ng sariling column sa broadsheet. Pero hindi yung mabibigat na isyu sa lipunan. I want a lighter approach. Marami na kasing problema ang mga Pilipino, baka ma-stress sila pag dinagdagan ko pa. kaya more on literary na lang siguro ako…hehe…

Gusto kong makapangasawa ng matalino, masipag at maabilidad na lalake. Hindi lango sa alak at hindi naninigarilyo. May takot sa Diyos at mananampalataya. May prinsipyo at pangarap sa buhay, at kayang tuparin ang mga iyon. (iyon ay kung may ganyang lalake huh? Kung nag-e-exist siya…hay…)

Gusto kong magkaron ng sariling bahay at lupa. Para at least may pag-aari kami ng magiging pamilya ko.

Gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako ng malinis. Hindi dahil sa buntis na ako at wala na kaming magagawa kundi ang magpakasal. Ansarap nun diba? (you may kiss the bride…yeeeeeeees!!)

Gusto ko. Gusto kong mabigyan ng karangalan ang mga magulang ko. Ang mga magulang ko na walang sawang umunawa ng mga kakulitan at kagagahan ko sa buhay. Sila na nagmahal sa akin at naging kasangkapan kaya hanggang ngayon ay andito pa ako at nagsusulat ng mga walang ka-kwenta-kwentang mga artikol. Haha.

Hmm. Gusto ko. Gusto kong makita ang tatay ko. Ang tatay ko na hindi ko nakilala at hindi ata alam na may kyut siyang anak. Ang totoo sinabi ko sa sarili ko sa loob ng mahabang panahon na hindi ko siya kailangan dahil nakatapos na ako ng pag-aaral at may marangal na trabaho kahit wala siya. Pero parang gusto ko siyang makita, wala lang, pakialam niyo ba? Post ko to eh. HMPF! Hehe \m/

Gusto ko matupad ang lahat ng ito. Alam ko imposible at mahirap, pero malay mo. malay mo lang.

Salamat sa pagbabasa mo ng walang kalatuy-latuy kong mga pangarap. Sana pangarap mong tuparin ang mga pangarap ko. Hehe. \m/

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s