Let me live at World of Fun!

Standard

Whew! Seems like I’ve never posted for years! Hekhek…at last, I’m here!

Thanks for the mimimal American Holidays, at least, I have recharged and gain some of my shakra back…Shakra talaga? Harhar.

Wala naman nangyari nung Independence Day ng America (July 4). Expect ko pang may mangyari eh anu naman pakialam ng mga Pilipino dun na walang ginawa kundi ang magparami ng lahi? Lalo na ngayong panahon ng tag-ulan…Wahahaha…\m/

At siyempre, naglaro na naman kami sa World of Fun. Kumbaga sa mga vices, yun talaga ang kinaadikan ko. Kung inipon ko nga lang lahat ng tickets ko dun, malamang nanalo na ako ng bonggang-bonggang stuff toy dun. Kaso kada makakakuha ako ng tiket, palit agad. Haha, excited. Hmpf.

Kakaiba nung Sabado. Kasama ko ang mga pinsan ko. Binigyan kami ni Tita ng isanlibo, pangkain at panglaro namin. Ipagpalagay natin na ung P300 pinangkain namin, mantakin mong ang P700 ay inubos lang namin kakapindot at kakabato dun sa World of Fun? Grabe! Kakadik! E kung ipinambili ko yun ng discounted na sapatos sa Girbaud, eh di sana ndi na ako nanghihiram ngayon ng Converse sa kapatid ko? Tsk, tsk.

Malala na ito. Tulungan niyo akong iligtas ang sarili ko sa mas matindi pang paglalagas ng pera sa World of Fun!

Pero wala naman akong pinagsisishan. Masaya ako. Napapasaya ako ng World of Fun! Hehe.

Sumakit ang braso ng mga pinsan ko kakabato ng mga lamok sa Pang Pang Paradise. Nangawit din ako nung first time ko dun. Sanayan lang yan. Hehe.

Impeyrnes, sumakit ang daliri ko kakapindot ng very hard sa fish catcher. Badtrip naman kasi yun eh. Ayaw magpahuli. Nananalo naman ako. Kaso nauubos din ulit. Bawi-bawi lang, kainis. Naisip ko na nga magpagupit ng kuko. Ang haba kasi ng kuko ko, isa yun sa dahilan kung bakit hindi ko mahuli yung isda. Hmpf, may araw din yun. Pag nakita ko yun sa palengke namin, lagot yun!

Nakita ko ulit si RC, yung friend namin na nagwo-work sa Worl of Fun. Kainggit siya, siguro sawang-sawa na siya dun. Haizt…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s