Madali niyo naman kaming makilala…

Standard

Kung may buhay ng gangsta, may buhay din na dapat ikuwento ang mga empleyado sa lumalaking mundo ng BPO (business process outsourcing po yun…)

Marami na tayong nabasang kahalintulad nito na naikalat na rin ng mga kadugo nating blogista sa industriya. Pero sana hayaan niyo akong magkaroon ng sarili kong bersiyon tutal kabilang naman tayo sa demokratikong bansa.

Makikilala natin ang mga kapuso nating nagtratrabaho sa call center sa pamamagitan ng ilang mga tanda. Kung may mga nais pa po kayong idagdag, bukas po ang aking panig sa mga kuro-kuro at pala-palagay. Nakana…tagalog…!!

• Siyempre, malamang, gasgas na ang ValueCare mo kakagamit. Hekhek. Nagpa-brace kana, nagpabunot ng ipin, nagpa-generak check up, at buwan-buwan ka ng nagpapa-x ray. Peace!
• May suki card ka na sa Mini-Stop at sa 7-11 sa bulk order mo ng kape, extra joss, o Samurai (bilang pagpupugay kay Papa Jack).
• Kaugnay ng naunang nabanggit, kape at energy drink na ang nananalaytay sa dugo mo. Kaya kapag naco-confine ka sa ospital, kape at Samurai na ang laman ng dextrose mo.
• Tinatahulan ka na ng aso niyo.
• Hindi ka na sanay umebs sa CR niyo sa bahay.
• May koleksiyon ka na ng ticket ng bus at resibo ng convenience stores sa bag mo, parang tex lang, kino-collect!
• Una mong nalaman na namatay na si Michael Jackson dahil sa tulong ng Yahoo! At Google pero huli mo ng nalaman na namatay na pala si Sir Douglas Quijano ng GMA 7, o malamang hindi mo na kilala yun.
• Kilalang-kilala mo si Papa Jack at pinangarap mo din na mag-confess sa wild confessions pero hindi pwede dahil wala namang programa si Papa Jack tuwing day-off mo.
• Kabisado mo na ang kantang ‘The Climb’ dahil yun ang theme song ng campaign nio para ma-reach ang quota.
• Nagpapasalamat ka sa management ng MRT dahil 24 hrs na sila. Makakatipid ka kesa mag-fx.
• Wala ka ng panahon labhan ang lanyard mo (a.k.a. ID lace)
• Hindi mo na alam kung anung isusuot mo tuwing papasok dahil baka kabisado na ng mga officemate mo na tatlo lang ang pantaloon mo.
• Nakatambak na lang ang payslip mo sa bahay, kaya nagpapasalamat ka naging online na ang pag-view ng payslip.
• Kabisado mo na kung pang-ilan ang mga songs mo sa MP4 player mo.
• Galit ka sa mga bata sa inyo dahil ang iingay nila. Hindi ka makatulog.
• Hindi ka natutuwa kapag nag-aanounce ang Malacañan ng holiday. Hindi ka naman apektado.
• Wala ka ng time magpagupit.
• Sanay ka ng matulog ng nakaupo, o kahit sa ilalim ng post mo.
• Araw-araw kang online sa facebook at yahoo.
• Hindi mo na nasusulit ang unlimited text.
• Ikaw ang nagbabayd ng kuryente kahit ang totoo eh bihira ka na lang gumamit.
• Narealize mong malaki na pala ang pamangkin mo, at may anak nap ala ang pusa niyo.
• Isa ka sa mga matiyagang naghihintay sa mahabang linya sa ATM machine tuwing kinsenas at katapusan.
• Nag-iinuman kayo, ang aga-aga!
• Hindi mo na kilala ang mga bagong artista.
• Nasira na ang ngipin mo kakangata ng kornik at mani sa post mo.
• Mawala na ang lahat wag lang ang ELID mo. Tiyak, may penalty!
• Hindi mo na naaabutan ang pamilya mo sa bahay. Aalis ka, wala pa sila, uuwi ka, wala na sila. Hay buhay!
• Kahit kundoktor, ine-english mo!
• Hindi ka pahuhuli na manuod ng Harry Potter.
• May collection ka ng jacket sa bahay nio.
• Hinuhugasan mo ba ang tumbler mo o niluluglugan lang?
• May asin, ketchup, at asukal ka ng Joliibee at McDo sa post mo.
• Isa ka sa mga unang nakanood ng popular na Careless Whisper video.
• Malaki at mabigat na ang eyebags mo. Maputla ka na rin at parang laging lutang (bangag!)
• May sarili kang folder ng movies at MP4 sa PC mo.
• Di lang miminsan kang nakatulog sa pantry.
• Hindi ka na tinatanong ng kunduktor kung saan ka bababa. Binibigay na sayo agad ang ticket.
• Marami kang disposable spoon, fork, at pati na rin Nissin Cup Noodles na nakatambay sa locker mo.
• Nagtatago ka sa officemate mong mahilig mangutang.

Haizt, madami pa sanang iba. Pero antok na antok na talaga ako. Matutulog lang ako sa ilalim ng post ko. \m/

Advertisements

9 responses »

    • naku…salamat po sa pag-appreciate sa aking tinatagong talent (tago ko na lang ba? hekhek) aion…hindi pa po ako nababati ni papa jack eh…huhu…huhu pa…huhu ulit…hindi naman po ako makatawag sa kanya kasi po panggabi ako…aion…nagbabasa po siya ng email sa WC dba? kaso wala naman po akong icoconfess…harhar…\m/

      • ganun ba. cge, i’ll tell him na batiin ka pero by next week na. nasa bora pa sila as of now e. tom (sat) pa ang balik nila ng manila. nakarecord lng yung program nya since wed. hehe. when yung available day and time na nakikinig ka. let me know, para ganung day and time kita ipabati. para marinig mo. 🙂

        • naku…tuesday til friday night po nakikinig ako ng WC, idinamay ko na rin po ang mga officemate ko…hekhek…minsan nagugulat na lang ung iba dito sa floor namen pag sabay-sabay kaming tumatawa ng hindi naman kami nagkwekwentuhan…harhar…kaadik..as in, mabangis pa sa samurai ang mga banat ni papa jack…! kaya nga po na-inspire ako and i made a post for him at my blog. ang kyut mu din pala teh, pareho tau…harhar…bakit pu pala close kau ni papa jack? balita ko po taga-caloocan siya? kami din po taga-caloocan, alam ko nga po yung sinasabi niyang gym sa r. papa eh…hekhek…more power to papa jack..!! \m/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s