Ang post na walang kwenta

Standard

Maraming dapat ikuwento, yung mga mahihinhin na babae na nag-away sa LRT, yung katabi mong nagyoyosi sa jeep, o yung katabi mong dumura sa bintana ng bus na ordinary, yung kundoktor na nagtatanong kung estudyante ka ba, eh kitang-kita naman na naka-uniform ka…parang tanga di ba? Haha. Pwede mo rin namang isama sa kwento ang nakakaasar na LRT na laging nag-ha-hang tuwing malapit na yung station na binababaan mo, or worst, mag-code red ng isang oras na nasa loob ka ng tren.

Nakakatawa rin ang mga pasahero ng jeep na tuwing may sasakay ay uusog sila hanggang sa mapunta na sa dulong-dulo ang bagong sasakay. Ewan ko ba kung anong meron sa dulo ng jeep bakit hate na hate nila dun, bukod sa ikaw ang nakatokang mag-abot ng pamasahe, may kakaen ba sau ng buhay dun?

Puwede mo rin namang isama sa usapan ang mga ka-officemate mo na naka-head set na nga ay dinig mo pa rin ang pinakikinggan nila, kaya kapag may request ka eh hindi nila marinig, kabadtrip diba?

Mabentang-mabenta din naman ang mga kaibigan mong adik sa Restaurant City, Farmville, Barn Buddy at Sims. (kala mo xa hindi…haha) talamak ang nakawan sa mga tanim na nagiging dahilan pa ng pagkasira ng maraming pagkakaibigan, dapat i-ban yan! Hehe…

Ano pa ba?

Ako, inaabangan ko yung bagong “Tulaan sa Tren” na ipapaskil sa LRT. Nakakawala din kasi ng pagkabagot ang pagbabasa ng mga banat lalo na kung sa kailaliman pa ng Earth hinugot ang mga salita.

Nakakatawa din ang mga barker (Soria! Soria! Isa na lang!) na walanv pagod na isinisigaw ang ruta ng jeep na pinaglilingkuran nila. At sa kalagitnaan ng pagsigaw nila ng ‘Divisoria’ ay ang pagtatanong ng isang pasahero ng “Kuya, Divisoria?” (sarap sigawan ng, ate, tanga ka ba?!) hehe.

Sarap ding kutusan ang mga sidewalk vendors na walang habas sa pagtsi-tsismisan habang lawit na ang dila mo sa kakasigaw ng, “ATE! MAGKANO SA PONKAAAAAAAAAAN?!!!

Haaaaaay, nakakapagod talaga yung isang yun.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s