Mithi

Standard

Naglalakad siya sa gitna ng kabulukan ng gubat.
At naglakad ng naglakad.
At naglakad.
Hanggang sa marating niya ang dulo ng kasula-sulasok na lagusan.
Lagusan patungo sa simula at hangganan.
Sandaling nag-isip ang kumag.
Kung siya’y magsisimula ulit,
o tapusin na ang kanyang takbuhin.
Medyo mahaba na rin ang kanyang nilakbay.
Pagod na ang mumunti niyang mga binti at paa
Na hindi na rin niya makilala sa kapal ng alikabok
na kumapit sa kanyang paa.
Tahimik ang paligid.
Hanggang sa ibinulong ng hangin sa kanyang mga tainga
Ang kasagutan.
At siya’y huminga ng malalim.
Lumunok ng kaunting laway
At inihakbang muli ang pagal ng mga paa
Upang muling magsimulang maglakbay.

Advertisements

2 responses »

  1. Parang double-meaning naman yan ‘te!

    May nakaambang pahamak sa mga batang tulad ko na hindi inaasahan na makakabasa nito…

    ‘Tas Mithi pa title… bigat… lahat ng gusto “minimithi” yun…

    Ahehehehe!!!

    Peace \m/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s