Hoi mheikulet..!! gising…!!

Standard

“Hoi, mheikulet, kailan ka ba ulit magpo-post sa WordPress blog mo?”

Isang message na aking na-encounter sa dingding ng aking Peysbuk mula sa isang kaibigan.

Medyo natauhan ako dun. In-open ko ulit ang aking antigo nang WordPress blog. (www.wordpress.com, Username: mheikulet PW: ********** totoo, yan ang PW ko…!!)

Mejo natagalan ako sa pag-aalis ng mga agiw sa aking matagal nang hindi nabibisitang mundo. Nagreply ako sa aking kaibigan,

“Uu nga no, wala kasi akong time mag-type, pero meron akong mga naisulat na sa notebook ko. Pag may time ako ita-type ko.”

Sumagot siya, “Sa notebook mo?! Eh anong link nun?!”

Nangiti ako. May punto siya.

Minsan na akong sumuko sa linya ng pagsusulat sa dahilang sa tingin ko, ay wala naman akong patutunguhan. Hindi ko naisip ang ilang mga tao na patuloy na tumatangkilik at naniniwala sa mga kaolokohang gawa-gawa ko lang…

Totoo, problemado na ang mga Pilipino. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ang hilig-hilig pa rin nila na manuod ng mga drama series. At bakit ang comedy shows ay pang weekends lang.

Nakatutuwang artikulo, kakaibang experiences, nakaka-utot sa kakatawa na mga kuwento, at out-of-this-world adventures. Hindi ko alam kung bakit nararanasan ko ang mga ito. Siguro nga ay para ikuwento at magbigay inspirasyon sa iba. At para magbigay kulay sa boring na buhay ng mga gusto ng magpakamatay. Huh? Anu daw?

Ang totoo, hindi ko talaga ito matatakasan.

Dahil sa pagsakay ko ng bus, sa paliligo sa banyo, bago matulog at pagkagising, habang nagwi-weewee, at nag-u-uu, nakakaisip pa rin ako ng mga bagay-bagay na interesante at nakatutuwang isulat.

Salamat sa paggising sa aking natutulog na sistema, Michael. \m/

Advertisements

3 responses »

  1. awts! bkit kya na tats aq sa post mo na eto? hmm.. naicp ko lng kc pag ako din kya mawala ng matgal, my maghahanap din kaya sakin?sa aking mga sinusulat? hmmm at naicp ko totoo ang sabi nila . once u become a blogger, u’ll be forever be a blogger! 🙂

    at kaya naicp ko na nman!(haha) na bakit ko pa pinasok tong mundong to! bka hnd na ako makawala pa! 🙂

    gud day! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s