Aba, August 12 pala kahapon…?

Standard

Eh ano naman?

Marahil yan ang papasok sa isip ng iba. Dahil wala kang handa, deadma lang sila. Pero pag nagpakain ka naman, kahit hindi imbitado o hindi mo kilala, magha “Happy Bertdei!!!” sau. At least diba, mayron kang instant friend sa araw lang na yun. Haha.

Salamat sa mga bumati, nag text, nag-message sa aking nuon ko lang nabuksan na Facebook account. Salamat sa inyong hindi mababayarang ngiti, yakap, beso-beso na talaga namang nakapukaw sa aking puso. Pero mas ma-appreciate ko sana kung regalo. Haha.

Salamat din sa mga billboard sa EDSA at mga sulat sa pader na bumabati sa akin ng “Happy Birthday!” katabi ang drawing ng pambansang simbolo.

Subalit, ngunit, datapuwa’t, pero, bagamat, taghiyawat, sa kabila ng inyong mga pagbati, ipagpaumanhin ninyo ang inyong lingkod, hindi naging ganun kasaya ang pagdating at pagdaan ng August 12. Sana lang naging masaya si Eszle, para at least naging makabuluhan naman ang araw na yun. Happy birthday sa yo pare!

Umuulan sa Cubao nung araw na yun. Mukhang nakikidalamhati sa aking nararamdamang pighati.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s