Nang Dahil Sa Inyo, Sikat Na Naman Tayo…!!

Standard

Isang bus na may lulan na mga turista. Ang nais lamang ay makita ang ganda ng ipinagmamalaki nating bansa. Sa pagpara at pagsakay ng isang napariwara at dating magiting na pulis ng ating bayan, ang layunin ng mga banyaga na bumisita at mamangha sa ating bansa, tila naging isang bangungot at mantsa na mahirap mabura.

Agosto 23, 2010—sa tapat ng makasaysayang Quirino Grandstand, kung saan kamakailan lamang ay nanumpa at naitalaga sa panunungkulan ang atin ngayong kasalukuyang Pangulo ng bansa. Sa isang iglap ay naging larawan ng dahas at sumpa. At nakakahiya, dahil isang tao lang ang may pakana—ano ang ating nagawa?

Ano’ng nangyari?!!

Humigit-kumulang labing-limang tao ang lulan ng panturistang bus. Ilan ang bilang ng ating kapulisan na lulan ng mga pampulis na sasakyan na may mga letrang sumisigaw ng “Manila’s Finest”? Naalala ko tuloy ang minsang sinabi sa amin ng isa sa aming mga propesor, “Sikat ang pangngalang ‘Manila’. Mas sikat pa kaysa sa ‘Philippines’. Dahil sa mga international airport at shipping lines, ang karaniwang ruta ay ‘Manila’—hindi ‘Philippines’. Dahil sa Maynila ang sentro ng ating transportasyon.

Manila…Manila…nasaan na ang ningning ng iyong pangalan?

Hindi ako galit kay Mayor Lim, or kay Vice Mayor Isko Moreno. Ang totoo mas gusto ko sila kaysa ibang pangalan na nangingibabaw sa pamumuno sa Maynila. Hindi ito kuwestiyon ng administrasyon, ng pagka-alkalde o ng pagkapangulo, ito ay pagsalamin sa serbisyo, sa antas ng kagalingan ng ating kapulisan.

Malas lang, Maynila ang nasampolan. Malas talaga.

Nakakahiya. Hindi napaghandaan. Ano ito, praktis lang? may mga buhay na nasayang dahil sa ating kabagalan. Gising, gumising ka naman.

Ngayon, patay na ang ating turismo. Mas kadiri pa tayo sa Iraq. Kung paano binubuhay ng DOT (Department of Tourism) ang ating turismo, pulis lang pala ang papatay. Next time, magsuot ng gas mask, hindi para proteksyon sa tear gas, kundi para hindi makilala sa media, at maging sikat—sa sablay na taktika.

Haay buhay. Patay na si Mendoza, sabi nga ni Michael V. sa spoof niya sa Babol Gang, “Tino ang dapat titihin?” (Sino ang dapat sisihin?)

Advertisements

One response »

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s