GUSTO KO…

Standard

Gusto kong magkaroon ng pangarap
Pangarap na aking titingalain
At patuloy kong aabutin
Hanggang sa ito’y aking kamtin.

Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan
Na kasama ko sa walang humpay na tawanan
Idagdag mo pa ang asaran at pikunan
Mas una pang iiyak sa aking kalungkutan.

Gusto kong magkaroon ng bahay na maganda
Sa aking garahe may kotseng nakaparada
Mga katulong, hindi magkandaugaga
Sa kalilinis sa bahay kong magara.

Gusto kong maging apo ni Henry Sy
Lahat ng SM ako na ang magmamay-ari
Bag, damit, at sapatos ako’y mamimili
Makukulay, mamahalin, lahat sari-sari.

Gusto kong makapag-aral sa Ateneo o sa La Salle
O sa UP kaya, ay maging iskolar
Makakilala ng guwapo at mayaman
Matalino’t sweet, kilala sa lipunan.

Gusto kong sa TV, maging artista
Sa ABS-CBN o GMA, pumirma ng kontrata
Ka-love team ko si Richard o si Coco Martin
Idagdag mo pa ang malupit na kissing scene!

Ngayon ko napagtanto, ang dami kong gusto
Tila sa buhay na ito hindi makuntento
Mga panaginip ko, ano kaya magkatotoo?
Baka mapagod ako, tigilan na ito.

Sapat na sa akin aking mga kaibigan
Na hindi mo maunahan sa kainan at kwentuhan
May laman pa ang bibig, nagpapayabangan
Akala mo magagaling, kwentuhan lang naman.

Ang bahay namin, hindi naman pangit
Kahit na ang hagdan ay lumalangitngit
Butas ng bubong tatapalan lang saglit
Wala nang tutulo sa bahay naming marikit.

Hindi ko ipagpapalit si Lolo Nick na mabait
Na hindi nagsungit kahit ako’y sobrang kulit
Mas mahaba ang pasensya kaysa galit
Hindi ako pinabayaan, kahit na saglit.

Taas noo kong ipinagmamalaki, saan nagmula
Nagtapos ng kolehiyo sa Universidad de Manila
Libreng edukasyon, alang problema sa tuition
SM Manila, malapit pa doon!

Pagiging artista sa TV, sinukuan ko na
Baka hindi magkandaugaga sa kakapirma
Sapat na sa akin magtrabaho sa PETA
sa Rated PG, malay mo maging extra!

Dami kong gustong gawin
Mga pangarap na kay hirap abutin
Bago ang lahat akin munang kakainin
Mainit na noodles na sa aki’y inihain.

Advertisements

3 responses »

  1. Hello!, Very interest angle, we were talking about the same thing at work and found your site very stimulating. So felt compelled to com?ment a little thank you for all your effort. Please keep up the great work your doing!

  2. Hullo Mhei!

    Siguro ako nga’y nahawa ng mheikulit mong mundo. Pero ika nga ni kumpareng Paulo Coelho : “You must become your dream.” Sundi n mo lang ang iyong mga nais, wala namang humandlang na kamitin natin ito kundi tayo lang.

    As per request ha, ayan at pinuna ko na ang blog. Dahil rin siguro ayoko kong ma-trap. wakekekeke! 😀

    Ngayon ikaw naman bumisita sa akin munting mundo kung saan nagpapanggap akong matalino at isinusulat ko ang aking mga saloobin sa aking book blog. (Akala mo ikaw lang ha! ^_^)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s