PANINIWALA KO PA RIN BA?

Standard

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Nakakapagod. Mga alas-siyete y medya ng gabi, matiyaga akong naghihintay ng matinong bus papuntang Letre at naghahandang makipagbalyahan sa iba pang mga sasakay upang magkapalad na makaupo…haha.

Ayos, Cher na naman!

Komportable akong sumakay sa bus na nabanggit. Bukod sa may kabaguhan ang kanilang bus, at malamig ang kanilang erkon, medyo edukado ang kanilang mga kundoktor. At hindi nila ako nabayaran para maisama sa artikulong ito :/

“Haaaay salamat! Nakaupo din!” Sabi ng kumag sa sarili niya. Sa totoo lang, madalas ko kausapin sarili ko. Mas masarap kasi kausap yung sarili mo, at least walang kokontra sayo, pwera na lang kung galit kayo (ng sarili mo). Haha.

Maganda ang puwesto ko. Nasisilip ko ang TV, at impeyrnes, hindi siya choppy. 24 Oras ng channel 7 ang palabas nun.

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Isang labingdalawang taong gulang na batang lalaki, may kanser sa buto ang nagsabi ng mga katagang ito. Binigyan kasi sila ng pagkakataon ng network na makasakay sa isang sasakyang panghimpapawid at makita ang paligid mula sa itaas. Magandang tanawin, malakas na hangin, at isang kakaibang experience para sa isang tao na may taning ang buhay.

“Nagpapasalamat po kami dahil pinapasaya po nila kami kahit hindi na magtatagal ang buhay namin”.

Paulit-ulit itong sumasagi sa isip ko. Habang nanonood ako ng TV, nakita ko naman na masaya ang bata sa kanyang experience nung araw na yun. Ngunit iyon pa rin ang kanyang nasabi.

May mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa isang nilalang ngunit hindi naman ito ang tunay niyang kailangan. Mayron ding nagpapalimot sa isang katotohanan na wala nang pag-asa upang matakasan. Sa pagkakataong ito, napasaya nang ilang minuto (o kahit ng ilang oras) ang batang may kanser sa buto, ngunit hindi ito ang magpapalimot sa tao na hindi na siya magtatagal sa mundo.

Laging sinasabi ng kaibigan ko, “PANINIWALA MO LANG ‘YAN,”

Boss, may mga bagay na hindi kaya ng kapangyarihan ng mind over matter. Ito ang tinatawag na subject matter \m/

Advertisements

7 responses »

  1. Hope is n0thing w/o faith. And c0mbining the two still will be n0thing against reality. Reality is unstoppable and true. Positi0n, fame, and m0ney can’t stop reality. Death is reality–truly a n0 cure one. Even the wisest doctors die. Even kings and dukes die. We all hope and pray for world peace, but the reality is war and troublesome. Things that humans have n0 control. Things that are called ‘reality’.

  2. Pingback: TOP Wordpress Blog Post as of January 20, 2011 « Unwritten Thoughts

  3. “Ganito pala ang itsura ng lupa mula sa taas..” ang sigurong nasambit sa isip ng batang yun.. “Ang ganda.. andaming puno.. pwede kong hawakan ang mga ulap.. ang lawak.. sing liit lang ng daliri ko ang mga building at mga bundok.. ang ganda mo talaga mundo.. sayang, ngayon lang kita nakita ng malayuan.. hindi ka lang pala puting pader sa ospital.. Ngayon lang kita nakita, ngayon na din ako sayo magpapaalam..”

  4. “PANINIWALA MO LANG YAN” ang subject over matter, ay isang usaping pang materya. ang totoo mas malalim ang usapin na tinatawag na “Mind over matter” kung saan maiaaplay ang mga katagang ” “Faith is believing in things when common sense tells you not to” o “Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe.” sa linyang mong ito: “ngunit hindi ito ang magpapalimot sa tao na hindi na siya magtatagal sa mundo.” maaring di nya nalilimot ang bagay na ito pero batid ko na sa sulok ng isip ng bata ang pag asang nais nya pa ring manatili sa mundo. na kung saan kung mapalalakas ng bata ang bahaging iyon sa isip nya naniniwala akong malaki ang tsansa na ang sinasabing mga pangungusap na ” di na sya magtatagal sa mundo” ay maging isang kabiguan. (kunsabagay lahat naman tayo ay di magtatagal talaga sa mundo kumpara sa orasan ng tagalangit)

    • “Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe” (quoting your post)

      To believe and to see what you believe is not always a reality. Well, it does change a person’s faith. Faith is endless, and so is believing. But learning to accept things and reality that all will end in God’s will is the only thing that wouldn’t change…and so this is the term they called reality. I think 😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s