Simple Lang.

Standard

Usong-uso ngayon ang mga katagang, “Open Happiness”, at ‘Habulin Mo ang Happiness Mo”.

Hindi ko alam kung nagkopyahan ang Coca Cola at Enervon sa tagline na ito. Pwede namang, ‘Habulin mo kasiyahan mo’ or ‘Habulin Mo Ako!!!’ Hahaha. =D

Ayon sa SWS Survey, ang Pilipino ang pinakamasayang tao sa Asya. Wala nang makain, nakangiti pa rin. Binugbog na ng asawa, mahal pa rin. Binagsak mo na sa school, tawa pa din. Nasalanta ng bagyo, ayun nabaliw. Ikaw ba naman mawalan ng bahay at pamilya? Mabaliw ka kakatawa! XD

Nung isang isang araw, habang naglalakad ako sa iskinita namin papuntang sakayan, napukaw ang aking atensyon sa isang pamilya na nakasakay sa bisikleta.

Si tatay ang drayber, nakaangkas si bunso sa unahan, at si nanay sabit sa likod. Masaya silang nagkukuwentuhan ng may biglang nalaglag sa daan.

BLAG!!!

Huminto si tatay upang alamin. Nagulat si nanay at tulala si bunso.

Tapos, sabay sabay silang tatlo na tumawa. Natanggal pala ang kalahating angkasan ni bunso. At ayun, nagpatuloy sila sa paglalakbay.

At ako ay nagpatuloy sa paglakad. Late sa trabaho pero may ngiti sa mukha. =)

Natutuwa ako sa mga eksenang ganito. Isang kumpletong pamilya. Nakasakay sa isang simpleng biskleta. Masayang nagkukuwentuhan, nagtatawanan.

Ikaw? Natatandaan mo pa ba ang huling pagkakataon na nagkuwentuhan kayo at nagtawanan ng buong pamilya? O ang simpleng pag-angkas sa ‘yo sa bisikleta.

Marunong akong mag-bisikleta, ngunit mahirap tumawa mag-isa—nasabi ko na lamang sa sarili.

Tatay kong tunay, asan ka na kaya?
Hindi kita nadama, ni hindi nakilala.
Baka gusto mo akong hanapin,
Nakakahiya naman sa akin.

Simple lang naman ang aking hiling. =)

Advertisements

4 responses »

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s