Ang Makasaysayang February 28, 2012

Standard

4:30am February 28, 2012

Mulat na ako. Hawak ang celphone, bago gumayak papuntang opisina (at salamat Sa Diyos pinayagan ako ng boss ko na mag-half day) nag-text brigade na ako sa lahat ng kapatid sa phonebook ko. Mga tagubilin, paalala, at iba pang impormasyon na kailangan nilang malaman ukol sa malaking pamamahayag.

Masaya akong gumayak. Dala ko ang lahat ng maaari kong kailanganin sa Quirino Grandstand, lalo na ang aking laptop at broadband na gagamitin ko sa aking pagtupad ng tungkulin bilang isa sa mapalad na member ng ITG.

Habang nasa trabaho, hindi na ako mapakali kakatext at kakatawag sa aking mga kaibigan na papunta na sa Grandstand.

“QUIRINO GRANDSTAND! HIR I KAM!!!”

Hindi ako nakalibre sa LRT dahil wala akong ‘sticker’. Okay lang. binibigyan ako ng sapat na biyaya Ni Ama at hindi kawalan sa akin ang kinse pesos papuntang UN Ave. station.

“HONDOMENG TAO!!!”

Siksikan sa LRT. Siyempre hindi na ako nagtaka. Sila pa nga ang napanganga!

Pagkatapos ng Central Terminal, napatingkayad ang mga kapwa ko nakatayo sa LRT at namangha sa dami ng tao at nakaparadang mga sasakyan sa pagkalawak-lawak na lugar ng Luneta hanggang Quirino Grandstand. Makikita din ang mga matiyagang kapatid na naglalakad papunta sa nasabing lugar.

‘Ay may rally’. Sabi nung isa.

‘Naku suporta yan kay Corona!’ dagdag pa nung isa.

Hindi na ako sumagot. Baka mapahiya pa sila eh. Nakakatawa lang na ganun ang iniisip nila.

‘Naku, trapik na naman yan mamaya! Mga Iglesia talaga!”

(Nakakahiya naman sa ‘yo, kapag may prusisyon ang Nazareno ni’yo nakarinig ba kayo sa amin ng reklamo?)

Haha! Tinawanan ko na lamang siya sa isip ko. Mas alam ko kung ano ang totoo. =D

Masaya akong bumaba sa UN Ave. station at binagtas ang kahabaan ng Luneta papuntang Quirino Grandstand kasabay ng mga libu-libong kapatid na hindi ko man kilala isa-isa, ay batid kong iisa kami ng kayunin at pananampalataya. Kahit siksikan at may manaka-nakang tulakan, walang nagagalit, walang naiinis, nagtatawanan pa nga eh, ‘EASY LANG KAPATID!’ =)

Sa wakas, narating ko din ang Grandstand. Masikap kong hinanap ang aking mga kasama sa Metro Manila North ITG upang simulan na namin ang tungkuling iniatang sa amin. Matapos ang isang oras, nakita ko rin sila.

Sama-sama kaming lumibot sa kahabaan ng Quirino Grandstand. Hawak ang laptop at ang mga camera, sa ilalim ng init ng araw ay masaya kaming naghanap ng mga kwento na ipapaliwanag ng mga litrato. Na ito’y maibabahagi namin sa lahat na ating kapatid saan mang sulok ng mundo, maging sa mga hindi pa kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Sa pamamagitan nito ay makilala ng buong mundo ang mga kamangha-manghang gawa ng ating Panginoong Diyos na hayag na hayag na nangyayari sa tunay na Iglesia na kailanman ay hindi Niya pinababayaan.

Isa lamang ito sa mga matagumpay na pagtitipon ng banal na Iglesia na tinatawag naming “Pamamahayag ng mga Salita Ng Diyos”. Hindi isang rally, o pagsuporta sa kaninumang tao sa bansa. Walang bahid pamumulitika. Pagkat ang lahat ay upang bigyang kapurihan ang Diyos na lumikha. =)

Advertisements

6 responses »

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s