Category Archives: america

Nakanood ka ba ng inauguration ni Barack Obama?

Standard

Sad to say, hindi.

Nasa tapat ko na ang computer. May access ako sa facebook. Kahit na “choppy” ang coverage dun, pagtya-tyagaan ko na sana. Kaso walang sound ang PC ko. Nakakalungkot. Nakiusap ako sa isang kaopisina kung pwede niyang i-open ang sound card ko. Hindi daw siya marunong. Salamat. (sabihin mo lang kung tinatamad ka)

Mahirap talaga pag tanga-tanga ka. In these days of fast-face technology, you must know everything. Tama. Hindi kasi sa lahat ng oras eh tutulungan ka ng mga taong nakakaalam. There are things that you need to discover for yourself.

Balik tayo kay Obama. Gusto ko ng umiyak at this moment in time. Ang pinakaayaw ko pa naman eh maiwan sa biyahe. I don’t want to be left behind! Ikaw ba naman ang mag-isang nagta-type ng kung ano-anong kapestehan sa buhay samantalang lahat sila eh masayang nanonood ng inauguration ni Pres. Barack Obama?

Masama talaga loob ko.God Bless America!

Habang isinusulat ko ang damdamin kong ito sa blog na ‘to eh masaya silang nanonood. Wag na ninyong pagkwentuhan yung pinapanood ninyo, please? Ano pakiramdam ng napapagitnaan ng dalawang nagkukuwentuhan tungkol sa pinapanood nila na hindi mo naman alam? (Penge naman ako niyan?!)

(Time first, I need to pee.)

Wala silang kasalanan. At biktima lang ako ng sarili kong katangahan.

Nananawagan po ako. Sino sa inyo ang marunong mag-activate ng sound card? Help me to overcome this nuisance.

“Wonder Pets, Wonder Pets we’re on our way! To help the baby birds and save the day. We’re not too big and we’re not too tough but if we work together we got the right stuff. Wonder Pets go!” (playing in my mind)

Hindi talaga ako sweet. Wala akong ka-tamisan sa katawan. Boyish, childish, best terms to describe me. Hindi daw ako mukhang approachable, kasi mukha akong mataray. Pero sabi lang nila yun, yung mga naninira sa maganda kong image. Langya, tagal kong inalagaan ang magandang imaheng to, sisirain niyo lang? Ahmpf!

Hirap talagang makahanap ng taong titiis sa lahat ng topak mo. Pagbibigyan ka sa lahat ng luho mo. Mahirap humanap ng totoong kaibigan (naiiyak na ko huh?). Kaya pag nahanap mo na siya, be the best person as you can be. Kasi mahirap maranasan ulit ang buhay tanga na nag-iisa ka lang, at least ngayon, may kasama ka na sa pagiging tanga. O dib a, bongga!

Congratulations pala sa victory ni President Barack Obama. Kahit hindi ko napanood ang inauguration niya. Sana bigyan niya ako ng libreng dvd.

Sorry pala sa mga nasabi ko. Wala namang censored ditto diba? Wholesome pa din siya. Hindi ako nagmumura eh. Masarap pala magsulat pag straight from the heart. Haha. Siya, siya, trabaho na.