Category Archives: Anime

Thank God it’s Saturday!

Standard

Sa wakas. Bakasyon na naman. Itinuturing naming mga empleyado na isang malaking pribilehiyo ang pagsapit ng Sabado at Linggo. Bakasyon na naman.

Ansaya. Nasilayan ko na naman ang umaga sa glass window namin dito sa opisina. Antataas talaga ng buildings dito sa Ortigas. Yung tipong pag sobrang stressed ka na sa trabaho eh may option ka. Tumalon sa labas at mamatay, o saluhin ang talsik ng laway ng boss mung nagngingitngit sa galit.

“Hayaan mo na, mukha na lang naman nagagalit dun eh”, sabi ng boyfriend kong anak ata ni Aristotle. May tama naman siya. Tama. Tama.

Nakakabagot kasi. Araw-arawin mo ba naman ang pagsusulat ng mga bagay na hindi mo alam na nag-eexist pala. tulad ng limousine service sa New Jersey. Aba, malay ko bang meron nun? Toronto Hotties. Mainit ba sa Toronto? Hay buhay. Kaya ko nga ginawa itong blog na to eh para naman makahinga ang utak ko sa mga ganitong kamunduhan. Buti kung tungkol ke Sponge Bob yan, Shininchi Kudo, Kenshin Himura, Jimmy Neutron, Sakura, Naruto, Sir Kakashi, Sogo, teka, iba na ata ung nabanggit ko. Nako.

Palapit na ng palapit ang pasko. Wala naman kami nun, pero sana makuha ko special pay ko. Yun ang masarap dun. Unang special pay ko yun sa tanang buhay ko. Sana naman makuha ko ng buo. Gusto ko kasing bilhan ng computer ang mga kapatid ko. Para hindi na sila nagre-rent para lang mag-dota. O diba, concern ako sa kanila. Haha.

Sabado. Linggo. Tapos Lunes na naman. Ambilis ng panahon. Biruin mo, ayan nga, pasko na naman. Tapos New Year. Sana lang we are getting better as we grow older. *nosebleed*

Masaya magtrabaho kasi may pera. Yun nga lang, paghihirapan mo yung pera mo. Hindi tulad nung estudyante ka, hingi ka lang ng hingi. Pero pareho yung may tax, yung trabaho tax sa gobyerno, at yung estudyante, tax ng mga magulang mo sa iyo-kupit mo kumbaga. Aminin. Gawain ko rin naman yan. Nung estudyante pa ako, gustong-gusto ko ng magtrabaho, pero ngayong nagtratrabaho na ako, gusto kong mag-aral na lang. Masarap mag-aral. Araw-araw me bago. Bagong sapatos ng kaklase mo, bagong batas ng titser mo, bagong gupit ang principal, bagong project, at bagong karibal mo sa crush mo.

Time na. Uwian na. Kung sa computer shop eh gugustuhin mo mag-extend, sa trabaho eh wag na lang. Mas masaya kasama ang mga kapatid ko at siyempre, ang boyfriend ko, hehe. Malandi.