Category Archives: buhay pasahero

Ang kalbaryo ko gabi-gabi…

Standard

Tsk,tsk. Late na naman ako. Sino na naman ang sisisihin ko? Yung inosenteng driver? Yung kawawang ELid reader? O yung aking abang sarili? Haha. Badtrip, naalala ko tuloy si Michael V. sa “tino ang dapat titihin?” Gabi n axe ako nagising. Meganooon? Eh panggabi naman talaga ako. So gabi talaga ako gigising. Hahaha. Hindi tuloy ako nakanood ng “Fated to love you”, ahuhu. Hangkyut pa naman ni Steven. Buti na lang pala nakaligo na ako kaninang hapon kundi baka inumaga na ako, penalty na naman. Haha.

Kabisado na siguro ng Julia Vargas ang bigat ng bagsak ng mga paa ko tuwing tumatakbo ako dun gabi-gabi. Hindi ko alam kung mukha akong artista kaya ako pinagtitinginan ng mga tao, o mukha lang talaga akong tanga. Hahaha. Malamang yung pangalawa.

Sana umabot ako. Sana umabot ako. Yung ang lagi kong binubulong sa sarili ko, parang dasal ko na. Hindi ko naisip sabihin na, “Sana gumising ako ng maaga,” diba? Haha.

Ortigas na. Panibagong marathon na naman toh. Gabi-gabi na lang may race ako.

Advertisements

Sa bus, sa bus, nangyayari ang lahat…

Standard

Sa bus, sa bus, nangyayari ang lahat.

Mukhang matagal-tagal din akong nawala sa mundong ito. Tinamad kasi akong magsulat. O wala lang akong inspirasyong magsulat? Uhm. At least, I’m back.

Malaki ang part ng bus sa life ko…sa araw-araw ba naman naming magkasama, at sa parehong puwesto ng inuupuan ko, malamang naikuwento ko na sa kanya ang talambuhay ko.

Sa bus, sa bus, nangyayari ang lahat. Lagi akong umuupo sa bungad. Para malapit sa T.V., para kita ko lahat ng sumasakay (kung may guwapo, haha) at lahat ng nagtitinda. Inaabangan ko ang nagtitinda ng mani, kasuy, kendi, C2, diyaryo, balot, penoy, ice cream, fishball, yakult, load…haha…well yung iba sa labas na yun ng bus nagtitinda…common sense…[+_+]

Madalas, may sumasakay at may bigla na lang inaabot, pero hindi pera eh…tsk, tsk. Sobre.

‘Pahingi po ng kaunting barya para po sa pag-aaral naming magkakapatid’, nakasulat sa labas ng sobre. To be honest, hindi ako nagbibigay sa ganun. Naaawa din ako, pero hindi ko alam kung sa kanila ba talaga mapupunta yung ‘baryang’ hinihingi nila. If I am a true concerned citizen, I will send them to government organizations for them to make necessary actions to send those children to school (background music: Kung may lapis, kaya kong isulat ang pangarap)

May na-encounter din ako na may binibigay din na flyers. This time, may sakit naman siya sa buto, ALS ata yun, Amyotrophic lateral sclerosis. A guy in his forties, pero hindi lang flyers ang binigay niya, nagbebenta siya ng macapuno, pastillas at ube. Bumili ako. Mura lang naman, ten pesos. At least may nangyari sa ten pesos ko diba?

At eto pa. Minsan I don’t find the significance of teaching Holy Scriptures on the bus, knowing that it is not the proper place to teach. At take note, babae pa sila. I am not a racist, I am a woman myself, but I just thought that it’s not an appropriate act.

Well, I am not against those who teach, but as far as I know, there’s always a proper place for everything. You want to be educated? Then send yourself to school. You want to learn God’s words? Then seek the true church. There you can listen and eat the food for your soul.

Welcome to the group!

Standard

Andame kong kwento ngayon. First things first.

Nung Sabado, pag-uwi ko galing trabaho eh di sumakay ako ng bus. (As usual, Cher. Hindi ako binabayaran ng kumpanya na yon para sa publicity huh?)

Sakto lang ang pera ko. Pamasahe saka pambili ng Yakult. Planado na ang lahat. Except for one thing.

Nakakapagod talaga ang magtrabaho sa gabi. Lalo na ang mag-isip ng kung anu-anong kamunduhan. Aion nga, nakatulog ako bandang Trinoma na. Letre kasi ako bababa.

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako nun. Basta yakap ko ang bag ko sa takot na madukutan at nakatakip sa mukha ko ang jacket ko–proteksyon kung tutulo man ang laway ko.

Sarap matulog lalo na kung aircon. Habang inihehele ka ng “audio on board” ng Cher. Haha. Pang-ilang beses ko na bang ipinagmamalaki ang bus company na to?

Tuloy.

Lumagpas ako. Akala ko si Prince Charming na ang gumising sa mahaba kong pagkakahimbing. Yung konduktor pala. Nainis pa nga ako dahil natatandaan ko siyang sumisigaw kanina na ihanda ang ticket namin for inspection.

Akala ko hihingin niya lang yung ticket ko. Anong akala niya saken? Hindi nagbabayad? Pero natigil na lang ang mga maling hinala ko ng sinabi niyang;

“Ma’am, baka po lagpas na kayo.”

Nagising ako. Luminga-linga. Badtrip. C-4 terminal nah! Malamang nga lagpas na ako! At eto pa ang tsismis, ako na lang ang pasahero sa bus!

Nasira ang plano. Yung pambili ko ng Yakult? Aion, naging pamasahe na lang. Malungkot akong naglakad papuntang sakayang ng Recto. Nakakahiya. Di bale na, hindi lang naman siguro ako ang tatanga-tangang lumagpas sa bababaan. Marami kame. At kasali na nga ako sa kanila.

‘Welcome to the group!’

At heto na ang ating kwentong bus!

Standard

10:30 na. Late ako. May inasikaso pa kasi akong importanteng mahalaga. O diba, ganun ko inemphasize ang importance niya!

Ok lang. Unang late ko pa lang naman sa buong buwan na to. Hindi naman siguro ganun kalaking kasalanan un. Nagmamadali na akong pumunta sa kanto para mag-abang ng bus. Wala ng dumadaan samen. Kailangan ko ng pumunta sa terminal kasi doon na sila nagsasakay pag ganitong gabi na.

Hinabol ko pa ang unang bus ng Cher na dumaan. Hindi ko na naabutan. Badtrip. Kino-consider ko na kasi ang Cher as service ko papuntang work. Mabilis kasi tong green na bus na to. Malakas ang aircon at may audio, video on board pa! Astig!

Bigo ako. Hindi ko na siya naabutan. Siyempre yung next na bus na ung sasakyan ko. Kaso late na ako. Maghihintay pa un ng pasahero. May biglang dumating na bus. Hindi siya Cher at hindi siya aircon. Wala sa nabanggit kumbaga. No-choice, kapit sa patalim. Sumakay ako. Bakit? Kasi may nakita akong poging pasahero. Haha. Reasonable naman diba? Hehe.

Umupo ako sa likod nung dalawang guwapong sinasabi ko. Kaso, mukhang nagkamali ang singkit kong mga mata this time. Hindi pala sila guwapo. Maganda pala sila. Massakit man sabihin, bakla sila. Sayang ang lahi. Tsk tsk.

Usok. Baho. Usok. Alog. Ingay. Pawis. Inis. Yan ang makukuha mo sa ordinary na bus. Hindi ko sila sinisiraan dahil sila ang kumupkop saken nung mga panahong estudayante pa ako. Mura kasi tas me discount pa pag isinigaw mo sa konduktor na “estudyante po!” sigaw talaga. Kasi hindi niya maririnig. Maingay kasi open ang bus. Ayun

Baho. Baho ng katabi mo o ng usok na hahalik sayong pisngi. Dito pagsakay mo amoy baby ka. Pero pagbaba mo, ang kapal na ng mukha mo-dahil sa usok. Hindi rin ideal matulog dito kasi maalog. pwede sigurong makatulog ka. Once na mauntog ka ng malakas sa dingding ng bus, malamang tulog kah!

Nakakaasar din yung mga katabi mong pawisin at natutulog pa. Yung tipong mahihiga na sa iyo. Damahin mo ang pawis ng katabi mo na dumadampi at nanunuot sa balat mong bagong lotion ng SSS (Skin-so-Soft).

Asar pa pala ang siksikan sa bus. Lalo na pag nakatayo ka at may pilit ding idinidikit sa iyo na nakatayo din. Bahala ka na sa iisipin mo pero yun na yun.

I am nothing against our obese friends. Ang akin lang, it’s either kawawa sila kung sa dulo na sila makaupo, isang pisngi na lang siguro ang makakaupo sa kanila. O kawawa ung katabi nila kasi 1. Maiipit siya or 2. Malalaglag siya pag sa dulo nakaupo. Yun lang ang masaklap na kapalaran na naghihintay sa kanya.

At siyempre, kapag minamalas-malas ka pa eh tatagal ka sa ganung mga sitwasyon kasi trapik. Gudlak.

Kwentong biyahero…

Standard

Nakakatawa. Kasi naka-green ako ngayon. Malay ko ba?

Walang relasyon yan sa post ko ngayon. Napukaw lang ang aking malikot na isip upang talakayin ang buhay nating mga biyahero.

Jeep. Dito mo makakasalamuha ang iba’t ibang uri ng personalidad. Lalo na ang mga hasler mag 1-2-3 (haay, kawawang drayber!). Mga pawising construction worker, maiingay na estudyante, nananapak na mga kilikili (wala ka namang ginagawang masama, sasapakin ka ng kilikili nila!) Dito mo rin matututunan ang iba’t ibang paraan upang makaiwas sa pag-abot ng bayad ng iba.

MGA “DA MOVES”

Numero uno: Magtulog-tulugan. Yan, gamit na gamit yang paraan na yan. Un tipong saktong pag-abot mo ng bayad, saka sila dinalaw ng antok. As in yung saktong pagsabi mo ng “pakisuyo po”, ayan na sila, hindi mo alam kung uminom ng sleeping pills at hindi na magising.

Pangalawa. Tanawin ang magagandang tanawin sa bintana at langhapin ang sariwang hangin sa labas. Yan, maganda yan. Ewan ko lang kung hindi sila magkaroon ng respiratory problems bilang karma sa katamaran nilang mag-abot ng bayad. Sila yung mga tipong akala mo eh appreciative sa nature eh wala namang dapat i-appreciate.

Next slide. Kontes sa palakasan ng boses. Ayan, usually to eh may kasama siya sa pag-arte, accomplice kumbaga. Habang sumisigaw ka ng “ma bayad po!” eh makikipag-contest sila sa pagsigaw mo para kunwari eh hindi ka nila pansin. Anjan yung pagkwe-kwentuhan nila ung napanaginipan nila kaninang umaga o kahit nung mga bata pa sila. Dito na pumapasok ang “reminiscing stage”.

Dedma. Eto ang pinakanakakainis. Sana di ba umarte na lang siya ng tulad nung mga nabanggit ko sa umpisa. Ito yung mga tipong hindi mo alam kung nang-aasar o nang-iinis talaga. Hindi mo malaman kung may personal na galit sayo o baka naman may history ang pamilya ninyo ng nakawan ng yaman. Hindi mo alam kung bakit hindi niya makuhang abutin ung bayad mo sa kabila ng nagngangalit mong mga ugat sa leeg at nangngawit na kilikili. At eto pa ang chika, titingnan niya lang ang pagdurusa mo habang humihingi ng awa sa kung sinoman ang magbibigay nito. Kainis.

Meron pa. Yung sa pagsakay mo pa lang eh bwibwisitin ka na. Yung tipong pagsakay mo eh uusog sila ng paisa-isa hanggang mapunta ka na sa dulo. Hindi mo alam kung may conspiracy na naganap, mukhang planado ang  lahat. At ang tendency, ikaw na ngayon ang “taya” at tagaabot ng bayad nila.

Ngunit huwag mag-alala kung mangyari man sa iyo ito. Maaari mo naman silang gantihan ng mga naunang pang-aasar.

Abangan. Kwentong bus naman tayo sa susunod! [^_^]