Category Archives: drinks

Bili na kayo ng Yakult!

Standard

Hindi ito paid advertisement. Just to clear it out.

Nakasakay ulit ako sa service ko na green na bus (dahil ba green din ang utak ko? Haha) sa Cher. Gusto ko sanang dumalaw sa lolo ko na nasa Martinez Hospital. Ngunit (ngunit!) minabuti ko munang magtext sa aking ina upang mabatid kung nasa ospital pa ba sila (hayup ang tagalog!)

Masaklap lang, nagpreply si nanay nang makababa na ako sa Sangandaan. Pasakay na sana ako ng Ilaya. Gustuhin ko man bumalik sa bus eh nahiya naman ako. Dapat sa Letre pa ako bababa. Tsk, tsk, sayang talaga. Minabuti ko ng maglakad pauwi.

Yakult ko toh!

Yakult ko toh!

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Sangandaan, may nakasalubong akong nagtitinda ng Yakult. Yung mga naka-uniform na kulay green at may tulak-tulak na cooler ng Yakult? Yun nga, tumpak! Ikaw ang bigatin!Yakult ko toh!

“Magkano po Yakult?” bungad ko, kahit na alam ko na ang presyo dahil araw-araw akong bumibili sa tindahang nadadaanan ko tuwing umuuwi ako.

“Siyete.” Hindi niya ako minumura. Pero in all fairness, mas mura siya compare sa aking suking tindahan. Pero may sasabihin pa pala siya.

“Mag-o-otso na nga yan eh.” (wak kang magalit ate..!) otso nga din sa aming suking tindahan. Nauna na silang magtaas.

Pati ba naman Yakult? Since bata pa ako umiinom na talaga ako nun. Sabi kasi ng doctor. Alam mo naman uto-uto tayo sa mga doctor. Malay ko ba kung isa siya sa mga stockholders ng Yakult kaya niya yun ineendorse. Hahaha.

So anong mensahe nitong post na to? Aba, grab your Yakult now. Baka magmahal na yan. Dapat nga bibili ako ng madami eh. O kaya pa-franchise na lang kaya ako ngayon? Hahaha.

Advertisements