Category Archives: emo

Life Sentence

Standard

I am a prisoner in this cage
Where I can call my own place
There were many that come and go
But me? I’ll stay, you should know.

I’ll be here all around
When you feel like falling off the ground
I’ll turn my head up and watch you fly
Soar around that big blue sky

I’ll walk by you during cold night
Guard you, protect you with all my might
Sealed with this feeling that I lay for you
What I get in return? I really don’t know.

What shall I do? I do love you
God knows how I like to kill it too
It hurts when you fall for someone
And nobody cares, do they? Anyone?

Will the geniuses come to discover a pill?
Do wizards have that miracle spell?
Do gods and goddesses care to tell
How you and me, in love we both fell?

I’ll just sit here watching you
How you laugh, cry, and share stories too
I’d love to be with you ’til my life is through
Help me please, all of these come true.

03242012
315PM

Nang Magkatawang Tao ang Papel at Tinta =)

Standard

Ang pagiging manunulat ay isang napakasayang bagay. Ngunit ang mahalin ng isang manunulat ay walang kapantay.

KAPAG SIYA’Y MAG-ISA.

Naku. Nakakabaliw yan! Makikita mong gabundok na ang labahan ng mga damit niya pero nakatunganga pa rin siya sa may bintana. Puno na din ang lababo ng hugasing pinggan pero hindi niya yun bibigyan ng pansin. Nakadayukdok sa blankong papel habang iwinawasiwas sa hangin ang hawak na lapis. Nag-iisip ng malalim. At matapos ang ilang minutong pagtanga ay bubulwak ang mga salita na hindi mo alam kung saan nanggaling. Hanggang sa mabuo ang tulang nagpapahayag ng kanyang mga itinatagong damdamin. Wag mo siyang iistorbohin sa kanyang pagsulat. Antayin mong ialay niya sa iyo ang obrang pinagbuhusan ng kanyang nararamdaman at kahit kasing-macho ka ni Johnny Bravo, sinisigurado ko sa iyo, di mo mapipigilang kiligin sa tulang kanyang nabuo.

KAPAG KASAMA MO SIYA.

Habang naglalakad ay hahawakan mo ang kanyang kamay at siya ay iiwas. Hayaan mo lang. Hanggang makakita siya ng kasabay ninyong magkasintahan na magkahawak kamay habang naglalakad. Antayin mo, at siya mismo ang aabot sa kamay mo. Titingin sa mga mata mo, sabay ngingiti na waring nagsasabi, ‘mas sweet tayo!’

Guguhitan niya ang palasingsingan mo ng ‘wedding ring’ at papa-drawing-an niya rin yung sa kanya. Magsasabi ng ‘I DO’ at yayakapin ka. Tanggapin mo na lang ang mga ganitong ka-weirduhan niya at kundi eh baka yung mukha mo ang gawin niyang scratch paper.

Mag-ingat kapag masaya kang nagkukuwento at siya naman ay nakatingin lang sa mukha mo. Tanungin mo siya at kapag hindi siya nakasagot, huwag kang magtampo. Kasi may mas maganda siyang nabuong kwento sa isip niya habang nakatitig sa mukha mo. Abangan mo na lang, ita-tag niya yun sa iyo. Ang title? “Anghel ng Buhay Ko” =)

Kapag inihatid mo na siya sa kanila at bago ka umuwi ay kukunin niya ang resibo ng mga kinainan ninyo at pinanoodan ng sine. Sasabihin niya ire-reimburse niya iyon sa opisina pero ang totoo makikita mo iyon sa mga susunod na araw nakadikit na sa kuwarto niya na may nakasulat, “Mga Pinakamasayang Bahagi ng Buhay Ko”.

Kapag may nagtanong sa kanya ng “Siya ba ang boyfriend mo?” wag kang magwawala kapag sumagot siya ng mabilis na “HINDI.” Antayin mo na lang ang susunod na sagot niya at baka mahimatay ka sa kilig:

“Siya ang nakatadhana para sa akin.”

Kapag siya’y natutulog, hawiin mo ang kanyang buhok. Kantahan siya ng paborito niyang kanta. Magigising siya at sasabihin ka ng ‘ang ingay mo!” pero makikita mo, nakangiti siya habang sinasabi ito. =)

KAPAG MALAYO KAYO SA ISA’T ISA.

20 text messages ng ‘I Love You’ o ‘I Miss You’ ang marereceived mo sa celphone. Wag kang magalit o mainis dahil baka mapalitan yun ng 100 text messages received ng ‘I hate you’ or ‘Bahala ka sa buhay mo!’

Tatawagan ka niya pagkagising pa lang sa umaga, kahit nasa trabaho ka na, o kahit kumakain ng lunch. Kahit nasa banyo ka pa. no excuses yun. Gusto niya kasi kahit malayo ka, siya ang kasama mo. Kapag wala siyang kasabay kumain ay tatawagan ka niya para kahit sa telepono, maramdaman niyang sabay kayong kumakain. Kapag masama pakiramdam niya, nakatapak siya ng tae, o nakakita ng pusang kawawa sa daan, itatawag niya pa yun sa iyo. Tandaan mo, malaking istorya ang mga ito! At antayin mo kapag nagkita kayo, dahil ikukuwento niya pa yung nangyari ng buong-buo na waring ngayon mo pa lang maririnig.

KAPAG SIYA’Y NAGTATAMPO

Suyuin mo. Nakakatawa, dahil kung sino pa ang malalalim mag-isip ay sila pa ang may pinakamababaw na kaligayahan. Bilhan mo ng Funny Komiks o ng limampisong chocnut at lagyan mo ng ribbon. Makikita mo, maluluha pa yan sa tuwa at yayakapin ka kesa nung panahong binilhan mo siya ng sandosenang bulaklak.

KAPAG MINAHAL KA NIYA.

Mabubuhay ka ng walang hangga. Pati aso niyo, pati paboritong kanta mo, o kahit yung gitara mo, magiging imortal.

Sa di masusukat niyang ideya at matatalinhagang mga salita, kapag naisulat ka niya sa kanyang bagong dula ay mananatili ka na dun kailanman. Minsan makikita mo ang sarili mo sa isang karakter na kontrabida, (yun ang mga panahong nagtatampo siya sa iyo). O magugulat ka dahil kapangalan mo yung aso sa dulang ginagawa niya. (malamang, galit na siya nun sa yo!)

May pagkakataon din na mababasa mo ang lugar kung saan una kayong nagkakilala, oras, araw, pati kulay ng suot niong damit nuon.

Hindi siya masalita sa mga bagay na kinatutuwaan at kinakikiligan niya sa iyo. Pero basahin mo ang notebook niya. Puro pangalan mo. baka nga pag may nakapulot nun na kakilala niyo sa iyo ibigay kasi mas marami yung pangalan mo. =)

Ano’ng Meron Ngayon?

Standard

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang empleyado, gobyerno man o pribado. Gigising pa rin ng maaga. Mag-aalmusal kung mayroon. Iinom na lang ng tubig kung wala. Saka magmamadaling maligo sa takot na ma-late sa trabaho.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang estudyante na naghahanda upang pumasok sa paaralan. Mayroong sabik pumasok upang ipasa ang pinagpuyatang proyekto. At siyempre mayroon din naman na tila gustong magkasakit upang huwag lamang makapasok dahil sa nagpuyat kasama ang syota o nag crossfire/facebook buong magdamag.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa mga walang trabaho, sa naghahanap ng trabaho, o sa natanggal sa trabaho.

Dumako naman tayo sa kakaibang araw.

Ngayon ay maaaring isang kakaibang araw. Para sa isang bagong ina, na nagsilang ng kanyang panganay. Sabik at labis na kaligayahan ang mararamdaman. Pagod at hapdi ng mga tahi ay biglang nakalimutan. Maging sa isang bagong ama, na masayang inehehele ang sanggol na kaytagal niyang hinintay. Sa wakas, pamilya na sila.

Ngayon ay isang natatanging araw. Para sa mga pamilya na biktima ng karahasan na ngayong araw ay nakamit na ang tinatawag na katarungan.

Ngayon ay maaaring isang natatanging araw. Para sa isang paslit na sumali sa paligsahan, nasungkit ang pinakamataas na karangalan at nasabitan ng medalya ng kanyang proud na magulang.

Ngayon ay maaaring isang espesyal na araw. Para sa isang binata na patuloy na nanliligaw at nagsusumikap na makamit ang matamis na oo ng dalagang pinapangarap. At ngayong araw ay kanya na nga itong natanggap.

Ngayon din ay pwedeng maging masakit na sandali. Sa mga taong naiwan ng taong pumanaw. Di malilimutang araw.

Agosto 12. Ano’ng espesyal sa iyong pagdating?

Sa akin? Dati ito’y isang araw na pinakahihintay. Isang araw na pinaghahandaan ng buong pamilya. Isang araw kung saan ramdam ang ligaya. Isang araw, kung saan, ako’y tatanda na naman.

Ngayon, hindi ko mawari aking nararamdaman. Mamaya, pag natapos ang buong araw, ika’y aking babalitaan.

REPLEKSYON…

Standard

Hindi ko na siya kilala.
Ang babaeng madalas kong kasama, tila nag-iba na.
Bihira na siyang tumawa, madalas na tulala, at palaging mugto ang mata.
Malulungkutin na rin siya at madalas mapag-isa.
Ibang-iba nung hindi pa niya nakikilala
Ang lalaking minahal niya ng sobra.

Noo’y matunog ang kanyang tawa,
Sa lahat ng lakad, kasama siya.
Pero lahat nag-iba, nung siya’y nagmahal na.

Nasaksihan ko ang pagsasama nila.
Naging kaibigan ko ang lalaking minahal niya ng sobra.
Halos araw-araw silang magkasama,
Magkausap, magka-text, maging siguro sa panaginip, nagkikita sila.

Lumipas ang mahabang panahon sa kanilang relasyon.
Bumuo ng mga pangarap,
Na balang araw sila ang magkasama hanggang sa pagtanda.
Aakayin ang bawat isa kahit pareho ng mahina.
Bakas sa mukha nila ang ligaya,
Taglay ang pangarap na sabay nilikha.
Hawak ang pag-asang, habang buhay sila’y magsasama.

Ang kanilang relasyon ay tumagal at tumatag.
Maraming pagsubok ang dumaan at nalagpasan.
Mag-away man ay naaayos agad,
May ngiti sa labi niyang ipinagmamalaki,
“Kami ang magsasama hanggang sa huli.”

Ngunit ngayon ay anong nangyari?
Laging umiiyak at wala sa sarili.
Tila sundalong sugatan, talunan sa labanan.
Ang dating ngiti, ngayo’y pighati
Larawan niya ngayon, taong sawi.

Hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya,
Upang siya’y tumahan at tigilan na ang pagluha.
Ramdam ko ang sakit ng kanyang pag-iisa.
Walang gamot na makapapawi ng sakit na nadarama.
Tanging ang pagbalik ng lalaking minahal niya.

Paano gagamutin, nasaktan na damdamin?
Ang lalaking minsang minahal, paano lilimutin?
Maaari niyo bang sabihin,
Paano patitigilin, pagluha ng babae sa aking salamin?

Madali niyo naman kaming makilala…

Standard

Kung may buhay ng gangsta, may buhay din na dapat ikuwento ang mga empleyado sa lumalaking mundo ng BPO (business process outsourcing po yun…)

Marami na tayong nabasang kahalintulad nito na naikalat na rin ng mga kadugo nating blogista sa industriya. Pero sana hayaan niyo akong magkaroon ng sarili kong bersiyon tutal kabilang naman tayo sa demokratikong bansa.

Makikilala natin ang mga kapuso nating nagtratrabaho sa call center sa pamamagitan ng ilang mga tanda. Kung may mga nais pa po kayong idagdag, bukas po ang aking panig sa mga kuro-kuro at pala-palagay. Nakana…tagalog…!!

• Siyempre, malamang, gasgas na ang ValueCare mo kakagamit. Hekhek. Nagpa-brace kana, nagpabunot ng ipin, nagpa-generak check up, at buwan-buwan ka ng nagpapa-x ray. Peace!
• May suki card ka na sa Mini-Stop at sa 7-11 sa bulk order mo ng kape, extra joss, o Samurai (bilang pagpupugay kay Papa Jack).
• Kaugnay ng naunang nabanggit, kape at energy drink na ang nananalaytay sa dugo mo. Kaya kapag naco-confine ka sa ospital, kape at Samurai na ang laman ng dextrose mo.
• Tinatahulan ka na ng aso niyo.
• Hindi ka na sanay umebs sa CR niyo sa bahay.
• May koleksiyon ka na ng ticket ng bus at resibo ng convenience stores sa bag mo, parang tex lang, kino-collect!
• Una mong nalaman na namatay na si Michael Jackson dahil sa tulong ng Yahoo! At Google pero huli mo ng nalaman na namatay na pala si Sir Douglas Quijano ng GMA 7, o malamang hindi mo na kilala yun.
• Kilalang-kilala mo si Papa Jack at pinangarap mo din na mag-confess sa wild confessions pero hindi pwede dahil wala namang programa si Papa Jack tuwing day-off mo.
• Kabisado mo na ang kantang ‘The Climb’ dahil yun ang theme song ng campaign nio para ma-reach ang quota.
• Nagpapasalamat ka sa management ng MRT dahil 24 hrs na sila. Makakatipid ka kesa mag-fx.
• Wala ka ng panahon labhan ang lanyard mo (a.k.a. ID lace)
• Hindi mo na alam kung anung isusuot mo tuwing papasok dahil baka kabisado na ng mga officemate mo na tatlo lang ang pantaloon mo.
• Nakatambak na lang ang payslip mo sa bahay, kaya nagpapasalamat ka naging online na ang pag-view ng payslip.
• Kabisado mo na kung pang-ilan ang mga songs mo sa MP4 player mo.
• Galit ka sa mga bata sa inyo dahil ang iingay nila. Hindi ka makatulog.
• Hindi ka natutuwa kapag nag-aanounce ang Malacañan ng holiday. Hindi ka naman apektado.
• Wala ka ng time magpagupit.
• Sanay ka ng matulog ng nakaupo, o kahit sa ilalim ng post mo.
• Araw-araw kang online sa facebook at yahoo.
• Hindi mo na nasusulit ang unlimited text.
• Ikaw ang nagbabayd ng kuryente kahit ang totoo eh bihira ka na lang gumamit.
• Narealize mong malaki na pala ang pamangkin mo, at may anak nap ala ang pusa niyo.
• Isa ka sa mga matiyagang naghihintay sa mahabang linya sa ATM machine tuwing kinsenas at katapusan.
• Nag-iinuman kayo, ang aga-aga!
• Hindi mo na kilala ang mga bagong artista.
• Nasira na ang ngipin mo kakangata ng kornik at mani sa post mo.
• Mawala na ang lahat wag lang ang ELID mo. Tiyak, may penalty!
• Hindi mo na naaabutan ang pamilya mo sa bahay. Aalis ka, wala pa sila, uuwi ka, wala na sila. Hay buhay!
• Kahit kundoktor, ine-english mo!
• Hindi ka pahuhuli na manuod ng Harry Potter.
• May collection ka ng jacket sa bahay nio.
• Hinuhugasan mo ba ang tumbler mo o niluluglugan lang?
• May asin, ketchup, at asukal ka ng Joliibee at McDo sa post mo.
• Isa ka sa mga unang nakanood ng popular na Careless Whisper video.
• Malaki at mabigat na ang eyebags mo. Maputla ka na rin at parang laging lutang (bangag!)
• May sarili kang folder ng movies at MP4 sa PC mo.
• Di lang miminsan kang nakatulog sa pantry.
• Hindi ka na tinatanong ng kunduktor kung saan ka bababa. Binibigay na sayo agad ang ticket.
• Marami kang disposable spoon, fork, at pati na rin Nissin Cup Noodles na nakatambay sa locker mo.
• Nagtatago ka sa officemate mong mahilig mangutang.

Haizt, madami pa sanang iba. Pero antok na antok na talaga ako. Matutulog lang ako sa ilalim ng post ko. \m/

Undecided…

Standard

And I said, “I want to be alone.”

It seems like the weather weeps with me tonight.

There’s a risky situation that I am about to take. And I’m still undecided about it. I was about to seek advice from the people that I know could be of great help to me.

And know what’s hurting to say at this moment? I can’t feel their presence.

It’s hard to admit, and I’m not into counting, but when they need a helping hand, they always have mine.

But why do when the time comes that I raise my hand to surrender, no one dares to save me?

Duh, I’m hopeless…

So I say to them, “I want to be alone.”

@#%*!&+=!!!

Standard

Ay em yu-neek!!!

Pambihira. Masama talaga loob ko. At apektado ako.

Ayokong nagdidisclose ng nararamdaman ko. Ayokong makita ako ng iba na umiiyak. Ayokong malaman nila na mahina ako, na apektado ako.

Tsk, tsk…oo, emo ako. Eh ano naman?!

Masakit yung maikumpara ka. Lalo na kung hindi mo kasalanan ang lahat.

Pwedeng mag-sorry?

Hindi ko sinasadya. Wala po akong kasalanan. Hindi ko kasalanan na nanggaling ako sa mahirap na pamilya. Hindi ko sinasadya na sa pampublikong paaralan ako nakapagtapos at hindi sa mga prestihiyosong unibersidad. Akala ko kasi hindi sukatan ng pagiging magaling na tao yun eh. Humihingi din ako ng pasensya dahil hindi ako likas na maganda. Kung pagiging kasalanan ang lahat ng ito, humihingi ako ng pasensiya.

Hindi mo talaga kontrolado ang mga sasabihin sayo ng mga tao. Minsan kahit alam mong tama ang ginagawa mo, pilit pa rin silang hahanap ng mga pagkukulang mo. Humihingi ako sa kanila ng pasensiya. Pasensiya dahil hindi ako perpekto.

*EMO MODE*

Sorry din sa mga nakakabasa ng blogpost na katulad nitong walang kwenta. Minsan, may mga bagay na hindi na natin kayang palagpasin.

Napuno talaga ako ng marinig ko yun.

Parang pinamukha mo sa akin na wala akong kwenta, wala akong galing, wala akong silbi, at wala akong potensiyal sa pagsusulat. Minsan mas nakasusugat ang dila kaysa naisusulat sa mga pahina.

Malubha ang tama ko. Kailangan ko ng lunas. Pagtakas? Bakit? Wala akong ginawang kasalanan. Kasalanan na ba ngayon kapag hindi ka pinahalagahan ng mga tao sa paligid mo? Kung kasalanan ang pagiging tao at hindi pagiging perpekto, patayin niyo na lang ako.

Taena talaga, bakit ba apektado ako sa mga sinabi niya? Eh kung tutuusin, mas magaling naman ako sa kanya? Why do I let those words immerse in my system?

Uulitin ko.

“AY EM YU-NEEK!!!”