Category Archives: fastfood

Ehem, ehem…

Standard

Nagdate kami ni Carlo sa may SM North Edsa. Grabe, in fairness, nakakaligaw na ang mag-gala sa SM North ah? Anlaki na niya kasi. Biruin mo yun? Pati SM ngayon lumalaki na, akala ko tao lang lumalaki, ahehehe.

Ansaya. Naglaro kami sa World of Fun. Grabe adik na ako sa mga nalalaglag na piso. Yun sa huhulugan mo ng piso para maitulak yung iba pang mga piso para malaglag at maging ticket? Ahehe. Yun lang nilaro ko. Samantalang ang mahal ko naming boyfriend ay masaya sa kanyang pagba-basketball. Ayoko nga dun, walang tiket na lumalabas. Ahehehe. Naglaro din kami dun sa Pang-pang Paradise. Yung babatuhin mo yung mga lamok na kumakagat dun sa bata? Babatuhin mo rin yung mga gagamba na kumakain ng tinapay. Pati yung mga baracudang patalon-talon para kagatin yung batang tumutulay lang sa lubid para makarating sa kabila. Ansaya kapag tinatamaan mo ang mga kalaban. Pero nakakainis kapag alam mo namang tinamaan mo pero hindi sila mamatay-matay. May sa pusa ata yung mga yun eh. Ahehehe.

Pasara na SM nun, gustuhin ko man kumain sa Chef de Angelo’s o sa Tokyo-Tokyo, wala na akong magagawa kasi nagliligpit na sila. Tanging McDo at Jollibee lang ang nagkanlong sa amin.

Kain kami sa McDo. Pagkaupong-pagkaupo naming, may lumapit na batang lalaki. Maganda naman ang ayos niya. May dala siyang bag, at sa loob ng bag nay un ay may mga yema. In short, inalok niya kami ng yema.

Bata: Ate, bili na po kayo ng yema.

Ako: Magkano ba yan?

Bata: Bente po.

Ako: Mahal ko, bilhin mo na yung yema ng bata.

Carlo: Wala na bang tawad yan? Kinse na lang.

Bata: Bente po yan eh.

Ako: Sino gumawa niyan?

Bata: Nanay ko po.

Carlo: Asan nanay mo?

Bata: Anjan lang po.

Eto na ang twist…nung parang nararamdaman ng bata na ayaw naming bumili, nagpakita siya ng talent!

Bata: Uhuu! Uhuu! (ubo, ubo…) alam mong nagkukunyari lang…pramis!

Carlo: Galing ah, sino nagturo sa yo nian? Kaya ko rin yan eh. Tingnan mo ah? Uhuuu! Uhuuu! (impeyrnes, mas magaling ang boyfriend ko…ahehehe)

Ending, binili naming ang yema. Pagkatikim naming, hindi man lang naming naramdaman na bente pesos yung pinambili naming! Mas masarap pa yung sampung piso dose piraso na yemang binebenta sa amin. Hindi na naming kinain yung yema. Nakita ni Carlo yung mga nanay nung bata.

Carlo: Mahal ko teka lang ah? Kakausapin ko lang yung mga nanay ng bata na magtrabaho sila at wag yung bata yung ginagamit nila.

Sabi ko sa kanya, wag na siyang makialam. Oo, kawawa naman yung mga bata, pero siguro naman, labas na kami dun. Tsk, tsk.

Advertisements

Sandwich ni Manong Pepe’s

Standard

Naadik ako dun.

Marami na akong kinaadikan. Anime, punk shirts, stickers, comics, wallpapers etc. etc. Pero kakaiba ito. Hinahanap-hanap ko bago ako magtrabaho. In fact, pag wala nito, I lose concentration.

Sandwich ng Manong Pepe’s. Grabe. As in, every shift. Madalas kaming nabibigo, dahil sa graveyard shift kame, madalas nauubusan na kame. Huhu. How sad.

Mababait pa ang mga crew nila. Lalo na si kuyang naka-blue. (Hello, lahat kaya sila naka-blue?) Haha. Ang ganda kasi ng presentation nila sa sandwich. Mukhang “yummy” talaga!

Mura pa. Hindi sa ini-endorse ko siya. Ang totoo, yun lang talaga ang dinadayo namin dun. Thank God kasi malapit lang siya sa office. Kaya ok lang huntingin namin ang sandwich ng Manong Pepe’s.

Mapanlait talaga ko. Pero when it comes to appreciating great things, I also know how to appreciate.  ^___^