Category Archives: Kaaabangan

Intertropical Convergence Zone =D

Standard

Munti pa man akong bata. Hindi na ako naging masaya sa ulan.

Masaya akong nakikipaglaro noon sa aking mga kaibigan sa ilalim ng araw. Kumulimlim. Hindi namin iyon pinansin. Hanggang sa unti-unti nang pumatak ang ulan. Isa-isa na ring tinawag ang mga kalaro ko ng kanilang mga magulang.

At…

Malungkot na akong umuwi.

Sa loob ng bahay ako’y batong-bato. Tulog sila lolo’t lola, samantalang ako’y nakatanga sa bukas na pintuan, pinanonood ang mga batang nagtatampisaw sa ulan.

“Habulin mo ako!” Sigaw ni Angelo sa isa pa naming kalaro na si Apple. Tinutukso naming silang loveteam.

“Wag na wag kang lalabas. Wag kang maligo sa ulan. Magkakasakit ka lang.”
Iyan ang mahigpit na bilin ni lola. Pag sinuway ko, tiyak may malutong na palo. Kaya ayun. Nakukuntento na lang sa tilamsik ng ulan mula sa bukas na pintuan.

Palakas na ng palakas ang ulan. Unti-unti na ding bumabaha. Bahain pa naman ang lugar naming sa Kalookan. Yung malapit sa Malabon at Navotas. Ay grabe dun! Konting ulan lang, hanggang tuhod na ang baha!

Nawalan na ako ng pag-asa. Nagliliparan na ang mga bubong. Mukhang hanggang gabi na ito. Napurnada pa ang patintero namin.
At ang pinakamalala na mangyari sa mga ganitong pag-ulan? Yung tinatawag na, black out.

Malamok, madilim, malamig, at nakakatakot. Bilang bata, iyan ang naiisip ko tuwing umuulan at walang kuryente. Grabe. Ang hirap talaga pag ikaw lang ang bata sa bahay. Walang kapatid, walang kalaro, in short, nganga.

Bumalik ang mga ala-ala kong ito kanina lamang, nang inabutan kami ng ulan sa may St. Luke’s Hospital sa Quezon City kung saan ay dun kami nagtatanghalian sa di kalayuan. Mabuti na lang at nakabili na ako ng payong. Kahit papaano may panlaban ako sa kanya.

Malungkot kapag umuulan at mag-isa. Parang larawan ng isang trahedya na kailangang sagupain ng isang mandirigma. Di ka makakaiwas, di ka makakatakas. Bawat patak ng ulan ay siguradong tatamaan ka.

Maliit lang ang payong ko. Pang-single lang kumbaga. Pero tinitiyak ko sa iyo, kapag nakilala na kita, bibili ako ng payong, ung pangdalawa. =D

Advertisements

ang pagbabalik….tenenentenentenententen..!

Standard

andami-dami kong gustong ikwento sa inyo…

-yung naging buhay ko mula nung magresign ako sa call center,
-nung matanggap ako dito sa *toot* (censored) at maging isang bangag na marketing personnel.
-yung araw-araw na pagsakay ko sa lrt na imbis na maging maaga ako sa opisina eh nagiging dahilan pa ng pagka-leyt ko..!! badtreeeeep…!!
-yung araw-araw din na pagsakay ko sa bus at yung minsang pagsakay ko sa ordinary na bus na naging most unforgettable moment ko pa..!! puteeeek..!!
-yung gabi-gabi kong pag-uwi ng gabing-gabi at ang pakikipagsapalaran ko sa mga adik…wah-tah..!!
-ang pakikisalamuha ko sa mga kinikilala natin sa mudong ito katulad ni congressman ben 10, mayor danny phantom, vice president avatar aang, at sumali pa pala si TK! hekhek…

haizt…i’l keep you posted guysz…!!
kwentuhan ko kayo…

Gusto mo ‘yooooooooon?!!!

Standard

Gusto ko ‘yon!

Grabe. I am in the state of shock.

Actually expected ko na ‘yun. Thanks po talaga kay ate Janisse 😀 naging sikat ako for one night. Hekhek…grabe…! I was deeply overwhelmed…!!

As I was listening to True Love Conversations, it suddenly then turned to Wild Confessions. At the start of the program, I was stunned hearing my name…!! As in, grabe…! Natuwa lahat ng nakikinig dito sa office namen…!

Mayflor de Guzman…siguro naman hindi na niyan magsisisi si Nanay na ibinigay niya sa akin yung pangalan na ‘yan (refer to my post, tungkol sa may akda ) naisiwalat sa buong Metro Manila ang maganda kong pangalan. Whew! Nay, you can now have my autograph…\m/

Labyu, labyu Papa Jack…!!! Masyado na po ba akong assuming kung pangarapin kong makita kita? (background music: Pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa?)

Papa Jack, isa kang alamat na kahit paulit-ulit kong basahin ay hinding-hindi ko pagsasawaan. Para kang isang litrong Samurai na nagbibigay kulay at buhay sa nakakaboring kong gabi. Oo, Papa Jack, hayaan mong i-touch kita…gusto mo ‘yooooooon?!! Gusto ko ‘yooooooon!!!!!

Whew. Nga pala malapit na ang araw ng aking pagsilang. Isa itong magandang panimula. Imbitado kayong lahat huh…? August 12, huntingin nio po ako, bandang Caloocan, lapit sa boundary ng Malabon, nyak, nyak. Iyon eh kung makita niyo ako…harhar…

Papa Jack, more power to you, your station, and to your program. Ate Janisse, thank you po talaga. Ansaya-saya ko. As in.

Ok na ba? Ok na ‘no? Babay na ba? Babay na ‘no? Babay na siguro ‘no? Hindi pa Papa Jack, magkikita pa tayo…!!! \m/

Michael Jackson dies at 50…

Standard

Let’s pray for the repose of his soul.

Hmm…I just learned from TMZ (a US entertainment site) that Michael Jackson died of cardiac arrest.

He was just 50. Hmm…Too young.

The Los Angeles Times reports that the pop legend wasn’t breathing when the paramedics arrived. He was rushed to the UCLA. They tries to resuscitate him but he was completely unresponsive.

Such a proof that life, indeed, is so short.

Same with Farrah Fawcett, one of the Charlie’s Angel, died after two and a half years of battle with anal cancer. She was just 62.

Jackson is survived by three children: Michael Joseph Jackson, Jr., Paris Michael Katherine Jackson and Prince “Blanket” Michael Jackson II.

Katrina Halili at Hayden Kho scandal (version kho toh!) (unlimited, with special participation of Maricar Reyes)

Standard

Sa wakas, napanood ko na. Anlabo naman ng kopya. Dapat nag-hire naman si Hayden Kho ng tagakuha ng mga position nila ni Katrina Halili. Eh di sana mas lalong maganda ang labanan. Hehe.

Naging mas maganda tuloy ang chuk-chakan moments kay Maricar Reyes. Lumalaban. Ahehe. In fairness, willing victim siya. At cooperative. Siya na ang nagtanggal ng panty niya pati blouse. At isa pang in fairness! Easy access dahil wala na siyang bra. Ready to fight!
Bigla naman akong nanghinayang sa ganda niya. Tsk, tsk. At edukada pang tao. Mataas ang pinag-aralan. Hmm. Sayang. Sayang.

Kung tutuusin, sa dalawang sex scandal na napanood ko, (haha, updated?) pare-pareho naman nilang pinagsaluhan ang luto ng kalikasan ng walang halong pag-iimbot at pangamba. Kung ikokonekta natin ngayon sa mga inirereklamo at isinasampang kaso kay Dr. Hayden Kho, hindi lang siya dapat ang ‘titihin’ dahil sa hindi naman pinilit ang dalawang babae na gawin kung anuman yung nagawa nila. (hindi ko kasi alam kung ano yung ginawa nila eh, anu ba yun? Anu ba yuuuuuuuuuuuuun?!)

Kung pag-uusapan naman natin ang pagpapakalat ng video, hindi ko alam kung sino. Haha, ang kakati niyo! Siyempre, dapat managot ang kinauukulan. Pugutan ng ‘ulo’ kung kinakailangan. Pero sana naman, don’t point fingers only to Dr. Hayden Kho, I, too, is against on what he did. But the women involved in all his scandals have their own mistakes too. The fact that they did that and knew that they’re on cam is a full act of boorishness. (for sure, may ilaw naman ang kung anong camera ang ginamit lalo na ang kay Katrina dahil naka night mode sila…tsk, tsk) In this time of vast growth of technology and communications, they must know the consequences of it. Sa isang kisapmata, ang produkto ng kanilang ‘ooh…’ at ‘aaahhh…’ ay maaring maipasa thru Bluetooth at mai-download sa Internet. They should be held responsible of their act. And now they appear to the public, appealing that they are insulted and abused? What a bullshit! They are just finding ways to clear their name and throw dirt to other’s face, which is, Dr. Hayden Kho.

(well, i stand corrected, by someone whom i don’t know, i’m sorry if i have insulted anyone but still, the damage has been done. and we cannot put the blame only to one person. they, both, have their own mistakes. btw, thanks for the opinion. we all have our points of view and i respect yours too. \m/)

Sorry for the insulting opinion. But I am also a woman. We women, should take care of ourselves. Hindi naman tayo babastusin kung hindi natin hinayaang mabastos tayo diba? Buti sana kung pinilit silang makipag-kembelar, kaso nga hindi. Gustung-gusto din nila. So, they must ‘suffer’ the ‘fruits of their hard work’. Aba mahirap gawin yun ah?

Well, ang tanging magagawa lang natin ay maghintay. At pagpiyestahan ng mga ganid na pulitiko ang momentum para tumulong kunwari (Kap?) pero ang totoo ay naghahanap lang ng publicity ang mga yan. Tamang-tama. Malapit na eleksyon ah? Ang gagaling talaga ng mga pulitiko natin pagdating sa ganyan.

Ngayon, malamang ganito ang apila ni Hayden Kho sa publiko:

‘Ngayon, kayo na po ang magtabi, kung tino ta amin ang dapat itumbong at titihin. Talamat po.’

Ang pagtutuos…

Standard

Nagulat ako.

Pauwi na kame nun. Tapos na kasi shift namen. Nag-shut down na kame ng PC at nag-log out sa Elid. Sumaglit lang kami sa CR. Hindi ko akalain na yung saglit na yun ay magiging panghabambuhay para sa amin ni Ate Nancy.

Outer space. Mga heavenly bodies na himalang nakalutang sa kalawakan. Kung bakit yun napasok sa usapan ay dahil dito;

Nagulat ako. Pagbukas ko ng pinto sapaborito kong cubicle ay may sumapak sa akin. Wala akong kalaban-labang sinaktan.

Ano yun? May nakita ako. Lulutang-lutang. Malupit pa sa Milky Way!

Put..@#*#%#&! TAE! Haha.

Natawa na lang ako sa kababuyang nakabuyangyang sa harap ko. Hindi ako nakatiis sa nakita, isinara ko ang pinto at kinumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang nakita.

Natawa rin si ate  Nancy sa reaksyon ko. Ikaw ba naman, magulantang sa taeng naghihintay sa iyo na wala ka namang kasalanan sa nagyari, ewan ko lang kung hindi ka magulat at matawa.

Akala ko tapos na ang pagtutuos naming dalawa. Pero hindi ako nakatiis. Flinush ko ang siya sa pamamagitan ng aking mahiwagang kanang paa.

Damang-dama ko ang hirap ng kung sino man ang nagmamay-ari sa kanya. Kung kaya ito marahil ang dahilan kung bakit niya nakalimutan na pormal na magpaalam sa kanya.

TAE siya! Nanalo ako. Haha. Ngayon, nang dahil sa ginawa ko, malamang ay masaya na siya kapiling ang maga kauri niya. Kung saan man yun, malamang hindi sa langit o impiyerno, at wag mo nang alamin kung saan. Wala na akong pakialam.

Twilight…

Standard

Palabas na ang “Twilight”. Siguradong dudumugin na naman ang SM Malls. Yayaman na naman si Henry Sy.

Ngayon ko lang nalaman yang Twilight na yan. At mega research ako para hindi mahuli sa uso. Alam mo na. Sa panahon ngayon, mahirap yung napag-iiwanan ka. Hui…teka..!!

Wala tayong pagtatalunan. Oo, guwapo si Robert Pattinson. At maganda din naman si Kristen Stewart. Pero hindi naman yun yung pinag-uusapan dun. Siguro side dish na lang yung factor na yun.

Mga Pilipino talaga. Kapag guwapo at maganda yung actors, kahit hindi naintindihan yung istorya, maganda daw. Ipakuwento mo, sasabihin, “Ang guwapo talaga ni Edward!”. At yun ang kabuuan ng istorya. Ayon sa kanya.

Sayang ang bayad mo pag hindi mo naintindihan at naapreciate ang istorya. Lalo na kung sa Trinoma at Mall of Asia ka pa nanood. Mas mahal kasi ang sine dun.

Exciting. Romantic. Unique. Yan siguro ang masasabi mo after mo mapanood ang movie. Personally, siguro manunuod ako pag may pirated na. Praktikal. At least one to sawa ka manunuod hanggang magasgas na yung CD pati na rin yung DVD player mo.

Kakaiba nga naman. Ikaw ba naman magkagusto sa bampira. And vice versa.

Malikhaing pag-iisip. Ayon sa mga nabasa ko sa mahiwagang Internet connection sa opisina, ang kwento ay hango lamang sa napanaginipan ni Stephanie Meyer at isinapelikula naman ng magiting na babaeng direktor na lamang lang ng tatlong panaginip kay Joyce Bernal, si Catherine Hardwicke.

Ang haba naman ng panaginip niya na yun. Buti natandaan niya pa yung mga dialogue.

Biruin mo yun, kung lahat siguro tayo eh may talent na magsulat at magpalawak ng imahinasyon eh malamang lahat ng panaginip natin eh naisa-libro at pelikula. (Pati wetdreams ba?)