Category Archives: kilig

Gusto mo ‘yooooooooon?!!!

Standard

Gusto ko ‘yon!

Grabe. I am in the state of shock.

Actually expected ko na ‘yun. Thanks po talaga kay ate Janisse 😀 naging sikat ako for one night. Hekhek…grabe…! I was deeply overwhelmed…!!

As I was listening to True Love Conversations, it suddenly then turned to Wild Confessions. At the start of the program, I was stunned hearing my name…!! As in, grabe…! Natuwa lahat ng nakikinig dito sa office namen…!

Mayflor de Guzman…siguro naman hindi na niyan magsisisi si Nanay na ibinigay niya sa akin yung pangalan na ‘yan (refer to my post, tungkol sa may akda ) naisiwalat sa buong Metro Manila ang maganda kong pangalan. Whew! Nay, you can now have my autograph…\m/

Labyu, labyu Papa Jack…!!! Masyado na po ba akong assuming kung pangarapin kong makita kita? (background music: Pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa?)

Papa Jack, isa kang alamat na kahit paulit-ulit kong basahin ay hinding-hindi ko pagsasawaan. Para kang isang litrong Samurai na nagbibigay kulay at buhay sa nakakaboring kong gabi. Oo, Papa Jack, hayaan mong i-touch kita…gusto mo ‘yooooooon?!! Gusto ko ‘yooooooon!!!!!

Whew. Nga pala malapit na ang araw ng aking pagsilang. Isa itong magandang panimula. Imbitado kayong lahat huh…? August 12, huntingin nio po ako, bandang Caloocan, lapit sa boundary ng Malabon, nyak, nyak. Iyon eh kung makita niyo ako…harhar…

Papa Jack, more power to you, your station, and to your program. Ate Janisse, thank you po talaga. Ansaya-saya ko. As in.

Ok na ba? Ok na ‘no? Babay na ba? Babay na ‘no? Babay na siguro ‘no? Hindi pa Papa Jack, magkikita pa tayo…!!! \m/

Ambot sa EMO!

Standard

Pagdating talaga sa ‘love’, andaming nagiging EMO. Anjan ang mga naglalaslas ng pulso, tumatalon sa kawawang building, nagbibigti, at umiinom ng walang kamalay-malay na panlinis ng silver. Tsk, tsk.

Anu nga ba ang EMO? Sa tulong ng Wikipedia, eto daw ang ibig sabihin niya;

“Emo (pronounced /ˈiːmoʊ/) is a style of rock music typically characterized by melodic musicianship and expressive, often confessional lyrics. It originated in the mid-1980’s hardcore punk movement of Washington, D.C., where it was known as “emotional hardcore” or “emocore” and pioneered by bands such as Rites of Spring and Embrace. As the style was echoed by contemporary American punk bands, its sound and meaning shifted and changed, blending with pop punk and indie rock and encapsulated in the early 1990s by groups such as Jawbreaker and Sunny Day Real Estate. By the mid 1990’s numerous emo acts emerged from the Midwestern and Central United States, and several independent record labels began to specialize in the style.”

Ayan, naintindihan niyo ba? Pwes ako hindi. (paabot nga ng BLADE please!!!)

Lahat naman tayo ay may side ng pagiging EMO natin. Anjan yung iiyak tayo pag malungkot, pag sinira ng kalaro mo ang paborito mong laruan, kapag nadapa ka at may nakakita (iiyak ka na lang para hindi mapahiya), pag natapakan ang paa mo ng mala-higanteng takong dahil sa siksikan sa MRT (pag ndi ka ba naman naiyak nun ewan ko na lang). Andiyan din naman yung masaya ka at lolobo na ang sipon mo sa kakatawa dahil sa tumulo ang laway ng kaklase mo (sino kaya ang mas nakakatawa sa inyong dalawa?). Maraming pangyayari sa buhay natin na kailangang tawanan at iyakan.

Kay lupit mo pag-ibig!

Hindi ko alam. Pero naging alam ko ang ganung damdamin minsan sa buhay ko. Masakit talaga pag hindi ka mahal ng taong kinaadikan mo nang mahalin. Parang pakiramdam mo ampanget-panget mo at higit sa lahat—wala kang silbi.

But wait! There’s more!

‘Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayro’ng paraan’. Take it from Mr. Rico Blanco. Mula sa kanyang bagong hit single na ‘Antukin’ (wow! Plugging?) There will come a time that we let ourselves look like we’re the most stupid person in the world just for the sake of winning the heart of the one we love. But when the time comes that letting go is the only way to save ourselves from getting too much pain, we must be brave enough to retrieve and move on. WOW! ENGLISH!

Tama yung naging status nung kaibigan ko sa YM nung pinagsasabihan ko siya sa kanyang walong taong katangahan sa kaklase namin nung high school, (yes, eight years po yun, mantakin mo? Sarap iuntog diba?) Malamang mag-aaway na naman kami dahil sa blogpost kong ito. Lagi pa naman yun nagbabasa ng blog ko. Sorry p’re, hindi lang naman para sa iyo ‘to. \m/

Hindi ko naman inililigtas ang sarili ko sa mga ganitong uri ng kagagahan. Ang kagandahan lang kasi sa akin, taon-taon akong nagpapalit ng crush. Haha, malandi. Kada school year nuon, iba ang crush ko. O di ba? Tag-iisang taon lang ang katangahan ko.

Dahil sa pagiging butihin kong kaibigan, ako ay nagsisilbing Tiya Dely o pwede ring Papa Jack sa kanila sa tuwing kailangan nila ng mumura sa kanila sa pinakatangang parte ng buhay nila. Open ako 24 hours a day, seven days a week, 365 days a year sa kanilang lahat para lang murahin sila. Harhar, joke lang, hindi ko naman sila minumura. Sa mga ganung pagkakataon, change costume ako. Kahit nga ako hindi ko kilala ang sarili ko sa panahong nagsasalita ako at nag-aadvice sa kanila tungkol sa pag-ebeg. Lagi kong sinasabing mahalin muna nila ang sarili nila. Sabay sabing “pa-RC ka naman!” Haha.

Hainaq, ang pag-ibig nga naman, parang least common denominator, mula pa nung elementary ako, hinahanap na nila, hanggang ngayon hindi pa rin nila makita. Kung tutuusin, hindi naman kasi siya hinahanap. Kasi darating na lang yun. Abangan mo sa pinto niyo, ide-deliver ng LBC yan. Peace. \m/

‘Hindi kasi ikaw ako, kaya madaling sabihin yang sinasabi moh’, quote and quote. Yan ang status ng kaibigan ko. Gabi-gabi nag-chachat kami at yan lagi ang pinag-uusapan namin. Nakakasawa? Oo. Pero hindi ako magsasawang magbigay ng advice and to give my shoulders for them to lean on. That’s what friends are for. Hindi naman siguro totally katangahan ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Bulag ka lang sa katotohanan. At kailangan mo ng taong magpapa-realize sayo na dumilat ka, at marami pang taong magmamahal at mas magmamahal sa yo. Tanga-tanga mo talaga..hehe, hindi na kasali yun siyempre…

Hindi ko naman sila masisisi. We have our own methods of recovery. I’ve been there before. Glad that I have recovered and contented now. \m/ Hope you find your own contentment too.

My Daydream Fantasy (redundant?)

Standard

I can’t think properly
My eyes want to sleep and take some rest
But I told them to stay awake,
Because my work wasn’t finish yet.

Still, they persist to close little by little
Telling me that they surrender
They can’t handle the pressure anymore
And I can handle the stress no more.

Even though my mind says ‘work!’
My body reminds me to stop and relax
Suddenly, I stop typing…
And start imagining…

My mind kept on flashing memories
Starting from my childhood years
My firsts, award, reprimand, kiss and crush
Everything seems so real
Until the moment you entered to my reminiscin’

It was only you and me
Exchanging stories, laughing loudly
Extraordinary, much like fantasy
A dream that become a reality
A moment that I want to live ‘til eternity

Suddenly a voice came over me
Telling me to wake up in my fancy
I perfunctorily open my eyes
And I realized, that I fell asleep
In front of my computer, what a dream!

Ikaw…

Standard

Sumagi ka na naman sa isip ko

Ikaw na nagpaikot nitong mundo

Nasa loob ka rin ng aking puso

Tila nananalaytay pa sa ‘king dugo

Di ko nga malaman

Kung bakit ang iyong pangalan

Ang siyang laging laman

Nitong aking isipan

Ako’y isang tunay na makata

Sa mundo ng pagsusulat ay totoong dakila

Ngunit bakit kapag ikaw ang nasasambitla

Ako’y biglang natutulala

Panulat ko ay napapapigil

Labi ko’y nauubusan ng sasabihin

Aking pagkamakata ay nasisikil

Lahat ng ito, ikaw ang dahil

Hanggang ngayo’y tila nangangapa

Ano bang meron ka at ako’y nahalina

Hindi naman ako manghuhula

Kaya maaari bang sabihin na

Fated to love you…

Standard

Lumipas na ang Valentine’s. Kumusta ka naman?

Mahigit 20 yrs. din na naging malamig ang Valentine’s ko ‘no. Even though wala talaga kami nun. Ahmpf.

Then here comes this lucky guy. (Lucky talaga?) xempre naman. Ikaw ba naman ang magkaroon ng prinsesang tulad ko sa buhay mo, kung hindi ka sobrang mapalad. Jackpot! Harhar…

Well, it was a long journey for us both, before we become lovers at all. Uhm…and it’s the best love story that we could ever tell to our children.

We first met at our church children’s worship residence place. Sinusubok pa lang siya nun. Eh handog ako. So I am his senior, (originally, cuz I am older than him). He had her girlfriend before. And they have been talking about family, marriage and children those days.

I also had my own. We are not committed but the feeling is mutual. All we are waiting for is the proper time for us to be ‘officially’ lovers. Every thing is perfect for both parties til our paths crossed and our hearts met.

Nakakatawa, kasi ayaw niya talaga sa akin before. Same with me, ayoko din sa kanya noh! Emo daw ako, at ang baduy ko daw! Well, if that’s baduy then what will I call him? Duh? I also hate him kasi, ang corny niya! As in sobra! Kada banat ko, umeepal siya. Alam mu yun? As in EPAL!

Days, weeks, and months had passed. Since we belong in the same church, we always go together, with most of our friends. Ayun.

I quit, cuz I, first, fell in love with him.

I try to suppress the feeling for him cuz I don’t want to ruin their relationship, and I want to save what I have in mine. But the more I try to fight the feeling, the stronger it gets. Lumalaban!

I can’t fight it, so I told him what’s inside of me. He didn’t utter a word, as in no comment. But I can see from him that he chose not to comment at all, cuz he totally doesn’t know what to say.

Naging lalo kaming mas close. Nung una, umiwas ako. Siyempre. Hindi ko alam ang gagawin ko. But you cannot dictate what the hearts could feel. So we just let our feelings lead us to where we are now.

Nasaktan ako ng bonggang-bongga. Kasi, as what I’ve told before, he had a girlfriend. Not saying that his girlfriend is really a beautiful one. Minsan, pumunta kami ng friend ko sa kanila. Ganun talaga kami, dumadayo sa mga bahay-bahay, namamalimos, nangangaroling…hahaha…jukjuk…maysakit siya nun. Ginamot siya ng friend ko na nursing student. Masaya kami buong maghapon. Ng biglang gumabi…

‘Bong, si Belle!’ taena, kumabog talaga yung dibdib ko ng bonggang-bongga. Pagsilip namin sa gate, nagulat talaga kami, hindi pala siya ganun kaganda tulad ng inaasahan namin.

“Maputi lang,” sabi ng kaibigan ko. Well, ano expected mong sasabihin ng isang kaibigan? Ahehehe…totoo naman. Akala nga namin nung una tita niya. Matured na kasi. Matanda sa kanya.

Gusto kong kainin ako ng lupa nung gabing yun. Hindi ko alam kung anong alibi ang gagawin ko para makaalis ako sa ‘moment’ na yun. Mabuti na lang kasama ko ung friend ko!

‘Uhm, alis na po kami, may sisingilin pa po kasi ako eh.’ Palusot ng kaibigan ko, siyempre idadamay na niya ako sa pagwo-walk out niya. Eh kami pa naman bumili ng ulam nung gabing yun, kasi salu-salo nga kami, alangan namang makikain lang kami diba? Nako, forget na ang ulam, mas mahal ang ‘pride’ ko noh!

Nagparinig na naman ang girlfriend, ‘Ba’t sila aalis? Uuwi na rin ako maya-maya.’ E di umuwi ka, nagdra-drama pa to, eh moment ko toh! Ahmpf! Me sinabi pa nga eh, ‘Bakit sila ang gumagamot sa sugat mo eh ako ang girlfriend mo?’ tse, eh di hintayin mong mabulok ang sugat ng boyfriend mo bago mo gamutin! Arte!

At lumayo na kami ng friend ko, with matching teary eyes sa aking nasaksihan. Grabe. Parang namanhid ako sa sobrang sakit. As in! it hurts you know!

Ayun nga. At humagulhol ako ng bonggang-bongga. At lumuha. At kinaawaan ang sarili ko. At minura si pag-ibig, kung sino man siya.

At isinumpa ko ang gabing yon. At tinanong ko kung bakit ako umiiyak. Sino ba siya?!! Sa kyut kong toh? Ewan ko ba, marami namang nagkakandarapa saken, bat ako nagpapaka-bangag sa kanya? Ahmpf! At iniwasan ko na siya mula ng gabing yun.

Pumunta siya sa bahay pagkatapos niyang ihatid ang girlfriend niya. Pinabuksan ko sa pinsan ko ang pinto at pinasabing wala ako. Eh ang lintik, nabulol! Haha. Nahalata tuloy na nagsisinungaling. Ipinaabot niya lang ang ulam na niluto ng mama niya. At humayo na siya. Pagkatapos niya, dumating naman ang kaibigan ko dahil tinext ko siya na me problema ako. Aion. Hindi ko alam kung nagpang-abot sila, kasi siyempre, pinapasok ng pinsan ko yung kaibigan ko, tapos siya sabi sa kanya eh wala ako. Ang gulo…basta.

Gusto kong makipag-inuman nung gabing yun, kahit hindi naman ako umiinom. Pero kinain ko muna yung ulam. Aba, sayang yun no! ahehehe…

Nagtext siya. Sabi niyang alam niya na nasa bahay ako pero ayaw ko lang makipagkita sa kanya. (buti alam mo!) at nag-sorry siya saken kasi alam niyang nasaktan niya ako ng bonggang-bongga.

Sinaktan ko rin naman siya. Nasasaktan siya kapag nakikita niya kaming magkasama nung special someone ko. Iniiwasan ko siya. Lagi niya akong hinihintay lumabas ng church pero hindi niya ako nakikita. Bigo siya. Buti nga..nyenyenyenye!!

Sumuko na siya. Pinili niya ang gf niya nun. Nakapangako daw kasi siya na mamahalin yun. Siyempre hurtful ang lola mo. Pero carry lang…kyut pa din.

Nagdaan ang mga araw. At nabalitaan kong nakipag-cool off siya sa gurl. Siyempre cry to da max ang gurl kasi may clue na siya na watashi yung dahilan. Suggest to da max ang gurl na kakausapin niya daw ako na layuan ang boylet niya. Ano ako? Sakit? Wahehehe…eh kung siya kaya ang pakiusapan ko na layuan na rin niya yung guy kasi nagmamahalan na kami ng boyfriend niya? Papayag ba siya? Adeeeeeeeeeeeeeek!

At naganap na. naghiwalay na nga sila. Super sumbat ang gurl sa kanya. Panga-pangako pa daw siya na sila na habambuhay. Eh sorry siya, winner ang lola mu. Ahehehe.

Hindi ko na talaga inakala na magiging kami pa. Sa ikinasalimuot ng pinagdaanan namin, who could tell that we will end up as lovers? Well, that’s fate. Fated to love you!

Nang dahil sa bouquet ng white rose…

Standard

Dun lang ako kinabahan.

May relasyon ito sa post ko tungkol sa lamay. Bago ako tuluyang umuwi ng gabing iyon, ay, ng madaling-araw na yon, tumawag ako sa mahal ko na kasalukuyang nasa KFC Recto pa ng mga panahong yaon. (wow! yaon!)

Yun nga, sinabi ko na nasa lamay kami. And here are the notes of our conversation;

Mhei: Mahal ko, dito kame lamay.

Carlo: Lamay? Saan?

Mhei: Kina_____________ (withheld upon request) Namatay kasi lola niya.

Carlo: Ano?! Si _________! (history: pinagseselosan niya kasi ang friend ko na yon kasi matagal na nanliligaw yun saken dati pero hindi ko sinagot)

Mhei: Ano ka ba, hindi naman siya yung dahilan kaya kami pumunta dito. Kasama ko sila Eszle oh, madami kame.

Carlo: Bahala ka, gabing-gabi na anjan ka pa.

Mhei: Ano ba yan, dapat hindi na lang ako tumawag.

__________end of conversation________________

Aion nga. Pagkatapos ng mahabang serye ng killer-killer at sanction sa mahuhuli, napagod din kami (hindi kasi nag-enervon) at nagpasyang umuwi.

Pagdating ko ng bahay, (background music, Home) andami ko na palang text. Iniwan ko kasi yung latest unit ng nokia na cellphone ko dahil madali ng ma-low batt at wala akong load. (anong silbi nun?)

Nabasa ko nga ang text ni Carlo. (Source: inbox)

“Mahal ko, hintayin mo ko sa inyo ngayon. May ibibigay ako. Kailangan ngayon ko na ibigay. Texback. Asap”.

At nagkakandarapa naman akong magreply. May ibibigay daw eh. Haha.

“Uhm, mahal ko, geh, hintayin kita dito samen. Anong time ka ba darating?” (sending…message sent!)

Ang mahiwagang mensahe..!!! by Doraemon (message tone ko)

“Mahal ko, papunta na ako jan. Hintayin mo ko huh? Text na lang kita mea labyu”.

Ala-una na yun ng madaling araw. Inaliw ako ng mp4 ko nung mga sandaling hinihintay ko siya. 1:30. Nagtext saken si Jo. Girlfriend ng ka-crew niya na kasama niya ngayon.

Message: Mhei, umuwi na ba ni Carlo? Wala pa dito si Yuan eh. Anong oras na. Nag-aalala na ako.

Reply: Oo daw. Pupunta ata sila dito samen eh. Nagtext si Carlo gamit ang number ni Yuan eh. Malamang magkasama sila.

Dumaan ang ilang minuto. Alas dos na.

Message: Mhei, anjan na ba sila sa inyo?

Reply: Wala pa nga eh. Supposed to be dapat andito na sila. Naiiyak na ako dito. Baka may nangyari na sa mga yun.

Message: Mugto na nga mata ko eh. Minimiskol ko yung cellphone ni Yuan unattended. Kinakabahan na ako.

Reply: May landline ba kayo jan? Tumawag kaya tayo sa pulis? (paranoid)

Message: Relax lang tol, wala pa namang 24 hrs silang nawawala eh. Malay mo nahila lang sa gimikan yung dalawa.

(Nag-ring ang cellphone ko) Hello?

Carlo: Mahal ko, andito na ako City Hall.

Mhei: Ano ka ba naman? Ano ba nangyari sa inyo? Si Yuan asan na? Nag-aalala si Jo.

Carlo: Pinauwi ko na si Yuan. Papunta na ako jan huh? Hintayin mo ako.

Mhei: Wag ka na pumunta. Anong oras na. (alas tres po) Nakakatakot na.

Carlo: May ibibigay ako sa iyo eh. Kailangan ngayon ko na ibigay. Sige na. Magta-time na. Labyu.

At wala akong nagawa kundi ang maghintay. Maya-maya, tumahol na sila Chuckie at Mikko. (mga aso ng Tito ko) Binuksan ko anf pinto.

Carlo: Mahal ko, happy monthsary.

Mhei: (Teary eyes) Nag-alala kami sa inyo. Ano ba kayo. Papatayin niyo kami sa kaba.

Carlo: Pumunta kami sa Dangwa eh. Bumili ako nian. Sorry, hindi ka ba natuwa?

(Siyempre natuwa ako. Ikaw ba naman bigyan ng boyfriend mo ng isang bouquet ng white rose ewan ko lang kung hindi ka kiligin. Ayun. Nag-sorry siya. And we lived happily ever after.)