Category Archives: natural

Gloc 9’s Upuan

Standard

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong
Ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay ari ng isang upuan
Na pag may pagkakataoy pinag aagawan
Kaya naman hindi nya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang sya ay aking sisigawan ng

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Mawalang galang na po sa taong nakaupo
Alam nyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takureng uling uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umagay aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin ulam na toyo’t asin
Ang singkwenta pesos sa maghapoy pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maramingharang
O mataas lang ang bakod o nagbubulag bulagan
Lamang po kayo kahit sa dami ng pera nyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata nyo
Kaya

Huwag kang masyadong halata
Bato bato sa langit
Ang tamaay huwag magalit
Bato bato bato sa langit
Ang tamaan ay
Huwag masyadong halata
Huwag kang masyadong halata


—-> So phenomenal!!!

Haizt…totoo naman diba? Sa bansang toh, kung hindi ka mayamang-mayaman, mahirap na mahirap ka naman. Patuloy nating inihahabla at tinutugis ang mga mahihirap na napipilitang magnakaw para lamang may mailaman sa kumakalam na sikmura. Ngunit sinasamba naman natin ang mga big-time na magnanakaw sa ating lipunan. Tsk, tsk. Kaasar.

Gloc9, Isa kang makabagong Rizal. Tulad ni Bob Ong na gumagamit ng ibang paraan para maipahayag ang nararamdaman, ang kalagayan ng bawat Pilipino, mayaman man o mahirap.

Masakit man isipin, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na tila wala ng pag-asa ang bansang ito. Hindi pa man isinisilang ang magiging anak mo, baon na siya sa utang ng Pilipinas.

Advertisements

Hindi ko po alam. Pasensya na po.

Standard

Ito na lang ang mga salitang namutawi sa bibig ng drayber ng bus na sinasakyan ng sitahin siya ng pulis kung bakit siya nagsakay sa ‘NO LOADING AND UNLOADING ZONE’. Nun lang naman talaga naging bawal magsakay dun. Pero alam naman natin na ang kamangmangan sa batas ay kailanman hindi magiging dahilan para ma-absuwelto tayo.

Hindi ko alam.

Minsan, may mga bagay na mas maganda na hindi mo nalang alam. Tulad ng may iba na palang kinakasama ang asawa mo, o may nililigawang iba ang syota mo. Maganda rin na hindi mo alam na may malala ka na palang sakit at may taning na ang buhay mo. Ng sa gayon ay mamuhay ka pa rin ng natural at walang ibang iniisip.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang maga isinusulat ko. Tama lang naman siguro na may mga bagay din tayong hindi nalalaman. Maganda na hindi mo alam na kinukupitan ka pala ng kapatid mo, o ‘hinihiram’ niya yung damit mo ng walang paalam. Maganda din na hindi mo alam na may gusto din pala sayo ang crush mo para hindi ka naman masyadong papansin diyan. Haha.

Ito dapat alam mo.

Lagi kong tinatanong ang kapatid ko kung may assignment siya. Section 1 kasi siya. As a section 1 student during my elementary days, alam kong araw-araw eh magkakakalyo ang mga daliri mo sa assignments na ibibigay ng mga teacher mo. Nagtataka lang ako kung bakit sa araw-araw na tinatanong ko siya eh lagi daw na wala silang assignment. Hmm. Langya yun. Hanggang matuklasan ko na tinatamad pala siya lagi na isulat ang assignment nila. Tsk, tsk. Kaya nga dapat inalam ko yun. Eh di sana nailigtas ko ang kapatid ko sa katamaran. Tsk, tsk. Tsk, tsk.

Dapat alam mo.

Dapat alam mo talaga ang mga assignments at projects mo. Para tuwing tatanungin ka ng prof mo eh hindi ka mapapahiya sa crush mo. Naalala ko dati, langya yung teacher ko sa math nung high school. Pinahiya ako kasi wala akong notebook sa Math! Hello?!! Kahit naman wala akong notebook noh alam ko lahat ng tinuturo niya. Insekyur lang yun kasi mas kyut ako sa kanya. Hahaha. Anlaki kasi ng mata nung dragon na yun eh. Ewan ko kung buhay pa yun. Peace. Dapat pala alam mo din kung kalian magtse-check ng notebook ang teacher mo noh? Tsk, tsk. Dapat inalam ko yun.

Well, madami tayong dapat alam. Kung uulan ba o hindi. Kung bumaba ba ang pamasahe o tumaas. Kung may pasok ba o wala, kung may quiz o exam, at kung aabsent ba yung teacher mo.

Ang pambansang ulam!

Standard

Whew..kakatamad. Xenxa na pu qng ngayon lang ulit ako nakadalaw. Hindi po kasi gumagana yung utak ko  nung mga nakaraang araw.

Sardinas na naman ang ulam namen kanina. Ako lang kasi ang naiwan sa bahay kasama ang mga younger brothers ko. Malamang ako ang tagaluto.

Pagkauwi ko galing work, nagbihis lang ako at namalengke. Palibot-libot lang ako sa talipapa. Hindi malaman kung ano ang bibilhin ko. Kumakaway saken ang paborito kong tuyo, talong, itlog na maalat, togue at sitaw. Hindi ko sila pinansin. Dedma.

Dinampot ko ang nananahimik na si pechay. Dalawa sila. Para hindi malungkot yung isa. Tapos ay sinamahan ko ng walang kamatayang si sibuyas, with tokwa on the side.

Bumili ako ng bigas. Limang kilo. Ambigat. Dumaan ako sa grocery para bumili ng mahiwagang sardinas, yung ligo, madami kasing laman yun eh-mura pa.

Gustong-gusto yun ng mga kapatid ko. Ewan ko ba kung san ko natutunan yung recipe na yun. Basta makakain at mura. Ok na.

Welcome to the group!

Standard

Andame kong kwento ngayon. First things first.

Nung Sabado, pag-uwi ko galing trabaho eh di sumakay ako ng bus. (As usual, Cher. Hindi ako binabayaran ng kumpanya na yon para sa publicity huh?)

Sakto lang ang pera ko. Pamasahe saka pambili ng Yakult. Planado na ang lahat. Except for one thing.

Nakakapagod talaga ang magtrabaho sa gabi. Lalo na ang mag-isip ng kung anu-anong kamunduhan. Aion nga, nakatulog ako bandang Trinoma na. Letre kasi ako bababa.

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako nun. Basta yakap ko ang bag ko sa takot na madukutan at nakatakip sa mukha ko ang jacket ko–proteksyon kung tutulo man ang laway ko.

Sarap matulog lalo na kung aircon. Habang inihehele ka ng “audio on board” ng Cher. Haha. Pang-ilang beses ko na bang ipinagmamalaki ang bus company na to?

Tuloy.

Lumagpas ako. Akala ko si Prince Charming na ang gumising sa mahaba kong pagkakahimbing. Yung konduktor pala. Nainis pa nga ako dahil natatandaan ko siyang sumisigaw kanina na ihanda ang ticket namin for inspection.

Akala ko hihingin niya lang yung ticket ko. Anong akala niya saken? Hindi nagbabayad? Pero natigil na lang ang mga maling hinala ko ng sinabi niyang;

“Ma’am, baka po lagpas na kayo.”

Nagising ako. Luminga-linga. Badtrip. C-4 terminal nah! Malamang nga lagpas na ako! At eto pa ang tsismis, ako na lang ang pasahero sa bus!

Nasira ang plano. Yung pambili ko ng Yakult? Aion, naging pamasahe na lang. Malungkot akong naglakad papuntang sakayang ng Recto. Nakakahiya. Di bale na, hindi lang naman siguro ako ang tatanga-tangang lumagpas sa bababaan. Marami kame. At kasali na nga ako sa kanila.

‘Welcome to the group!’

At heto na ang ating kwentong bus!

Standard

10:30 na. Late ako. May inasikaso pa kasi akong importanteng mahalaga. O diba, ganun ko inemphasize ang importance niya!

Ok lang. Unang late ko pa lang naman sa buong buwan na to. Hindi naman siguro ganun kalaking kasalanan un. Nagmamadali na akong pumunta sa kanto para mag-abang ng bus. Wala ng dumadaan samen. Kailangan ko ng pumunta sa terminal kasi doon na sila nagsasakay pag ganitong gabi na.

Hinabol ko pa ang unang bus ng Cher na dumaan. Hindi ko na naabutan. Badtrip. Kino-consider ko na kasi ang Cher as service ko papuntang work. Mabilis kasi tong green na bus na to. Malakas ang aircon at may audio, video on board pa! Astig!

Bigo ako. Hindi ko na siya naabutan. Siyempre yung next na bus na ung sasakyan ko. Kaso late na ako. Maghihintay pa un ng pasahero. May biglang dumating na bus. Hindi siya Cher at hindi siya aircon. Wala sa nabanggit kumbaga. No-choice, kapit sa patalim. Sumakay ako. Bakit? Kasi may nakita akong poging pasahero. Haha. Reasonable naman diba? Hehe.

Umupo ako sa likod nung dalawang guwapong sinasabi ko. Kaso, mukhang nagkamali ang singkit kong mga mata this time. Hindi pala sila guwapo. Maganda pala sila. Massakit man sabihin, bakla sila. Sayang ang lahi. Tsk tsk.

Usok. Baho. Usok. Alog. Ingay. Pawis. Inis. Yan ang makukuha mo sa ordinary na bus. Hindi ko sila sinisiraan dahil sila ang kumupkop saken nung mga panahong estudayante pa ako. Mura kasi tas me discount pa pag isinigaw mo sa konduktor na “estudyante po!” sigaw talaga. Kasi hindi niya maririnig. Maingay kasi open ang bus. Ayun

Baho. Baho ng katabi mo o ng usok na hahalik sayong pisngi. Dito pagsakay mo amoy baby ka. Pero pagbaba mo, ang kapal na ng mukha mo-dahil sa usok. Hindi rin ideal matulog dito kasi maalog. pwede sigurong makatulog ka. Once na mauntog ka ng malakas sa dingding ng bus, malamang tulog kah!

Nakakaasar din yung mga katabi mong pawisin at natutulog pa. Yung tipong mahihiga na sa iyo. Damahin mo ang pawis ng katabi mo na dumadampi at nanunuot sa balat mong bagong lotion ng SSS (Skin-so-Soft).

Asar pa pala ang siksikan sa bus. Lalo na pag nakatayo ka at may pilit ding idinidikit sa iyo na nakatayo din. Bahala ka na sa iisipin mo pero yun na yun.

I am nothing against our obese friends. Ang akin lang, it’s either kawawa sila kung sa dulo na sila makaupo, isang pisngi na lang siguro ang makakaupo sa kanila. O kawawa ung katabi nila kasi 1. Maiipit siya or 2. Malalaglag siya pag sa dulo nakaupo. Yun lang ang masaklap na kapalaran na naghihintay sa kanya.

At siyempre, kapag minamalas-malas ka pa eh tatagal ka sa ganung mga sitwasyon kasi trapik. Gudlak.