Category Archives: Ortigas

One last day…

Standard

Looks like the weather weeps with me (or with Madam Cory?) I dunno.

It’s my last day at the office and I tried to be happy for them to bounce back the positive energy. And I can feel from them that they will truly miss a person like me. (who am I BTW? Harhar)

I received a SpongeBob stuffed toy from one of my closest friends on our team. I was kinda overwhelmed than sad, because I feel the love, plus the effort. I really appreciate that.

My first KFC snackbox, and strawberry banana krushers, a goodbye treat from one of my ‘ate’s’ at the office. I almost took a picture of it. So even though I didn’t keep the box of it, I can still keep the memories of it to be treasured and remembered.

I really don’t want moments like these—goodbyes.

I will really miss them all. The laughter, the tears, the struggle, and even the most stressful moments that we’ve encountered in the office. The never ending talks and chats, and our rebuts and comments from the so-so persons in the office (well, I think that’s a natural scenario). The different styles that we invent just to steal a nap, how we escape from tiring tasks and requests, duh, I will really miss those parts.

Well. All will grow, change and must move on. So do I. I will really miss you comrades!

As for now, goodbye seems to be the hardest word. But I’m still here. Alive and kicking. I just transferred, but I still persists.

Nagkita na naman kami…

Standard

Matagal-tagal na rin mula ng huli ko siyang makita. Hindi ko alam kung nakita niya ako o natatandaan niya pa ako. Sa dinami-dami ng dumadaan, tumitingin at naaawa sa kanya araw-araw, hindi ko alam kung naging espesyal ba ako sa kanya. Pero siya, hindi ko makakalimutan.

Masakit man sabihin, mukhang ginagamit lang siya ng taong humahawak sa kanya. Kung magulang man niya yun (malamang hindi!) dapat matagal na siyang inilapit sa mga non-government organizations para maagapan yung sakit niya. Pero sa nakikita ko, pinagkakakitaan lang siya…

Barya, at kahit ang maraming-maraming barya ay hindi makatutulong sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. Habang patuloy siyang ginagamit sa makasariling hangarin, patuloy din naman ang paglala ng kalagayan niya.

Hindi ako kailanman naglaglag ng barya para sa kanya. Hindi dahil sa hindi ako naaawa sa kanya, o matigas ang puso ko, kundi dahil alam ko, at nararamdaman ko na hindi rin naman talaga sa kanya mapupunta ang pagmamagandang-loob ko.

Warning buzzer na, ayoko na ulit siya makita. Sa Shaw Blvd. na lang ako bababa.

Ang kalbaryo ko gabi-gabi…

Standard

Tsk,tsk. Late na naman ako. Sino na naman ang sisisihin ko? Yung inosenteng driver? Yung kawawang ELid reader? O yung aking abang sarili? Haha. Badtrip, naalala ko tuloy si Michael V. sa “tino ang dapat titihin?” Gabi n axe ako nagising. Meganooon? Eh panggabi naman talaga ako. So gabi talaga ako gigising. Hahaha. Hindi tuloy ako nakanood ng “Fated to love you”, ahuhu. Hangkyut pa naman ni Steven. Buti na lang pala nakaligo na ako kaninang hapon kundi baka inumaga na ako, penalty na naman. Haha.

Kabisado na siguro ng Julia Vargas ang bigat ng bagsak ng mga paa ko tuwing tumatakbo ako dun gabi-gabi. Hindi ko alam kung mukha akong artista kaya ako pinagtitinginan ng mga tao, o mukha lang talaga akong tanga. Hahaha. Malamang yung pangalawa.

Sana umabot ako. Sana umabot ako. Yung ang lagi kong binubulong sa sarili ko, parang dasal ko na. Hindi ko naisip sabihin na, “Sana gumising ako ng maaga,” diba? Haha.

Ortigas na. Panibagong marathon na naman toh. Gabi-gabi na lang may race ako.

Sa mga hagdan ng MRT Ortigas station

Standard

Medyo seryoso ako ngayon. Eto yata ang epekto ng hindi naghahapunan eh. Tsk, tsk.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Dahil na rin siguro sa naaliw ako sa convenience na ibinibigay ng fx saken. Na ibinababa ako malapit na mismo sa opisina, hindi na ako maglalakad pa ng malayo at tatakbo kung late ako.

Minsanan ko lang siya matiyempuhan sa Ortigas station. Pero hindi nagbabago yung itsura niya. Malungkot at mababakas mo na hirap na hirap na siya. Hindi mapapawi ng bagong laruan o treat sa Jollibee yung sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Yung bata. Hindi ko alam kung lalake o babae siya. One thing is for sure. May sakit siya. At hindi lang ito basta lagnat o sipon. Kakaiba siya sa mga batang nakikita kong namamalimos sa mga MRT stations. Dahil hindi lang siya namamalimos para may makain o ano. Nanghihingi siya para mabuhay–para madugtungan pa ang buhay niya.

Minsan nga lalo pa akong naaawa sa bata. Kasi pinagkakakitaan na lang siya. Sorry pero ito ang nakikita ko.

Lagi siyang buhat nung lalake. Hindi ko alam kung tatay niya yun o ano. Tapos may lata sa harap nila. Limos. Barya? Ano maitutulong nun?

May hydrocephalus ang bata. Hindi ko alam kung kailan pa, o hanggang kailan na lang siya. Tsk, tsk.

Kung talagang gusto nilang mapabuti ang bata, bakit hindi sila lumapit sa mga organizations na talagang ang advocacy eh tumulong sa mga may hydrocephalus?

Biktima na nga siya ng sakit na yun, biktima pa siya ng karahasan. Hindi sapat ang mga baryang inililimos sa bata para madugtungan pa ang buhya niya.

Thank God it’s Saturday!

Standard

Sa wakas. Bakasyon na naman. Itinuturing naming mga empleyado na isang malaking pribilehiyo ang pagsapit ng Sabado at Linggo. Bakasyon na naman.

Ansaya. Nasilayan ko na naman ang umaga sa glass window namin dito sa opisina. Antataas talaga ng buildings dito sa Ortigas. Yung tipong pag sobrang stressed ka na sa trabaho eh may option ka. Tumalon sa labas at mamatay, o saluhin ang talsik ng laway ng boss mung nagngingitngit sa galit.

“Hayaan mo na, mukha na lang naman nagagalit dun eh”, sabi ng boyfriend kong anak ata ni Aristotle. May tama naman siya. Tama. Tama.

Nakakabagot kasi. Araw-arawin mo ba naman ang pagsusulat ng mga bagay na hindi mo alam na nag-eexist pala. tulad ng limousine service sa New Jersey. Aba, malay ko bang meron nun? Toronto Hotties. Mainit ba sa Toronto? Hay buhay. Kaya ko nga ginawa itong blog na to eh para naman makahinga ang utak ko sa mga ganitong kamunduhan. Buti kung tungkol ke Sponge Bob yan, Shininchi Kudo, Kenshin Himura, Jimmy Neutron, Sakura, Naruto, Sir Kakashi, Sogo, teka, iba na ata ung nabanggit ko. Nako.

Palapit na ng palapit ang pasko. Wala naman kami nun, pero sana makuha ko special pay ko. Yun ang masarap dun. Unang special pay ko yun sa tanang buhay ko. Sana naman makuha ko ng buo. Gusto ko kasing bilhan ng computer ang mga kapatid ko. Para hindi na sila nagre-rent para lang mag-dota. O diba, concern ako sa kanila. Haha.

Sabado. Linggo. Tapos Lunes na naman. Ambilis ng panahon. Biruin mo, ayan nga, pasko na naman. Tapos New Year. Sana lang we are getting better as we grow older. *nosebleed*

Masaya magtrabaho kasi may pera. Yun nga lang, paghihirapan mo yung pera mo. Hindi tulad nung estudyante ka, hingi ka lang ng hingi. Pero pareho yung may tax, yung trabaho tax sa gobyerno, at yung estudyante, tax ng mga magulang mo sa iyo-kupit mo kumbaga. Aminin. Gawain ko rin naman yan. Nung estudyante pa ako, gustong-gusto ko ng magtrabaho, pero ngayong nagtratrabaho na ako, gusto kong mag-aral na lang. Masarap mag-aral. Araw-araw me bago. Bagong sapatos ng kaklase mo, bagong batas ng titser mo, bagong gupit ang principal, bagong project, at bagong karibal mo sa crush mo.

Time na. Uwian na. Kung sa computer shop eh gugustuhin mo mag-extend, sa trabaho eh wag na lang. Mas masaya kasama ang mga kapatid ko at siyempre, ang boyfriend ko, hehe. Malandi.