Category Archives: Sports

Pacman sa Mall of Asia

Standard

Napalaban si Pacman. Pero this time, ndi sa sapakan, kundi sa kantahan.

Nakapuwesto na ang kumag, dala ang videocam ng boss niya, dahil nautusan siyang i-dokumento ang buong moment na iyon.

“Ganda ng puwesto ko, ayos na toh, siguradong magandang anggulo ang makukuha ko.” Wika ni adik sa sarili.

Dumating na ang oras, nasa mga pintuan na ang pambansang kamao. Nagkagulo na ang mga tao, (malamang) at si kumag? Ayon, nasagasaan ng mga fans. Sukat ba namang humarang sa red carpet? Haizt.

Pero in fairness naman sa kanya, nakuhaan niya ng maayos ang bigote ni Pacman. 😀

Yun na nga. Nung medyo naka-recover na siya at naalala na niya kung sino at nasaan siya, dali-daling tumakbo ang gaga sa lugar kung saan nagpunta ang lahat.

Here comes the new challenger.

“Putek!” ang sabi niya sa sarili. Nakita niya kasi na nakaharang na ang mga tao sa entrance at maraming guwardiya at bouncing bouncers ang nakaharang.

“Go sa-go!”

Hala, tuloy pa rin ang kumag. Sumingit siya sa mga singit (anu daw?) basta, wag kang magulo, ayun, hanggang sa makarating siya sa mga guwardiyang magkakahawak kamay. May relasyon kaya sila? Hmmm.

Lumusot siya sa ilalim ng mga kamay ng mga bading na guwardiya. Buti na lang at hindi siya nasapak ng mga baktol nila. Kaboom! Sinita siya nung isa, “miss, bawal jan,” buti na lang at nakilala siya nung isa, “ay, si ma’am yan!” azteeg, pinapasok na ang gaga.

Malaya na siyang nakapag-video sa loob. Naging pambansang singer si pambansang kamao. Hekhek.

Sumigaw ang Pinoy, [hoy!] ang lahat ng Pinoy, [hoy!] uto-utong sigaw ng mga tao. Ang totoo, pati si kumag ay makikitang nakikisigaw sa madla.

Mainit ang intriga sa pambansang kamao dahil sa isang Krista Ranillo. Kaya naman sa gitna ng palabas ay mapapansin na pinaakyat si Jinkee sa entablado upang maki-sing along sa kanyang kabiyak. With matching lips to lips (tinakpan ni adik ang mata niya dahil censored daw ito)

Yahoo!

Standard

Nanalo na naman si Pacman. Masaya na naman ang lolo ko.

Fanatic pala ni Manny Pacquiao ang mabait kong lolo. Nung amateur pa lang daw si Pacquiao eh hinulaan na yun ni lolo sabi ni nanay. “Matigas siya, malayo ang mararating niya. Lalo pa’t malakas ang kaliwa niya.’

Biruin mo yun? Manghuhula na rin pala si lolo? Tanong ko kaya kung kami na talaga ng boyfriend ko habambuhay? Ahehehe.

Binilhan ko si lolo ng tiket sa SM, yung live telecast ng laban ni Pacquiao? Tuwang-tuwa ang lolo mo. Ahehehe. Ewan ko lang kung Masaya siya sa kanta ni Martin Nievera…ayaw niya kasi dun eh…\m/

Maaga pa lang andun na siya. Hindi mo mahahalatang excited. Text-text kami kung anu na nangayayari dun. Wala kasi siyang kasama. So yun lang ang means of communication namen.

8am. Anthem na daw. Ewan lang kung nakicooperate siya sa pagkanta ni Martin. Wahehehe.

Xempre nahiya naman akong itext siya ng itext. Baka ndi niya maenjoy. So I let him enjoy the moment.

Mga bandang 12pm, nagtext siya, panalo daw ang pambansang kamao. Two rounds lang ang itinagal ni Hatton. Bumagsak pa nga sa first round palang. Pahiya siguro si Floyd Mayweather. Tsk, tsk.  Malamang naglulupasay na naman si Aling Dionisia. Lakas talaga ng kapit nun.

Kawawa naman si Ricky Hatton. Yabang pa naman nila ni Mayweather. Well, weather-weather lang yan. \m/

Well, naiuwi na naman ni Manny ang sinturon. At balitang may holiday pa daw para i-celebrate ang kanyang tagumpay. Sosyal. Todo na ang pagsisipsip ni Presidente ah? (anak, itabi mo, lagpas na ako…)

Salamat sa mga katulad ni Pacman na patuloy na binibigyan ng karangalan ang bansa. Pero sana naman mahiya ang mga gumagamit sa mga ganitong pagkakataon para mamulitika. Magboksing din kaya kayo para sumikat.

Kailan kaya matatalo si Pacquiao? Siguro nakakabaliw ang pagkatalong yun. He’s on the pinnacle of his career, and the only way to go is, sadly, is to go down.

Siguro ang pagkatalo niya eh sa pulitika. There are things that we are not meant to deal with. Tulad ni Pacquiao, he’s given enough blessings on the sports industry, but he’s not lucky enough in politics. We must learn to accept that truth.

Congratulations Pacman! The entire nation is very proud of you! \m/

Cheers for Manny Pacquaio, tears for Marky Cielo

Standard

Nanalo na naman ang pambansang kamao. Pero mas malaki ang kinita ng kalaban. Haha.

Sa totoo lang, ngayon lang ako nanood ng laban ni Pacman. Kasi malalaman ko rin naman sa balita kung sino ang nanalo. At yayaman lang sila pag nanood ako.

Nawala ang kinang ni Golden Boy. Nasira ang magandang mukha ni Oscar dela Hoya. Sana nag-artista na lang siya di ba? Eh di hindi pa nawasak yung mukha niya.

Pinagmasdan ko ang opening billboard. Ibang-iba ang  mukha ni dela Hoya dun bago ang laban. Pero ganun pa rin ang mukha ni Pacquiao. Alang pinagbago. Haha.

Nagdiwang ang buong Pilipinas. Panalo si Pacman.

Sayang si Marky Cielo.

Natagpuang nakahandusay at wala ng malay ang Starstruck Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo. Dead on arrival sa ospital.

Ano ang kanyang ikinamatay? Hindi ko rin alam eh. Walang nakakaalam. Kahit ang internet access ko sa opisina, hindi tiyak ang sagot. I smell something fishy…

Rico ikaw ba Yan..? Rico Yan..! Ganyang-ganyan din ang drama ng media ng mamatay si Rico Yan. Parang me misteryoso. At eto na naman sila ngayon.

Bangungot o suicide? Taas ang kamay ng nakakaalam!