Category Archives: Trabaho

CNN Hero ka ba?

Standard

Minsan ko ng narinig, ang bawat isa daw ay sisingilin sa sarili nating kasalanan, at hindi sa kasalanan ng ating mga magulang o ng sino mang Poncio Pilato sa daan. Basta, yun na!

Subukan mong saluhin ang kasalanan ng iba, nakakaasar diba? Lalo na kapag alam mo naman na wala kang kasalanan. Biglang tinanong ng boss mo kung nasaan yung @#&%$* ganito ganyan, at wala kang nagawa ng walang anu-ano ay napabaling sa iyo ang tingin ng lahat ng ka-opisina mo na parang hiniling mo na lang sa kanila na “Putek turo niyo na lang kaya ako?!”

Naniniwala ako na marami sa mga nakakulong ay wala talagang kasalanan. Naranasan ko na yan eh. Teka, hindi pa ako nakulong ah? Ang sinasabi ko eh, naranasan ko ng maituro at mamura ng dahil sa kasalanan ng iba.

Ang sarap isipin na minsan, kapag ang isang taong malapit sa iyo ay naiipit sa isang sitwasyon na tipong ikakawala ng career niya, ay darating ka at tulungan siya, feeling mo bayani ka, parang si CNN Hero Sir Efren Peñaflorida. Kaso when the time comes (putek! wag ka na mag-english please?!) na ikaw naman ang naiipit, makikita mong walang tumatakbo sa likod mo para tulungan ka. Ang lahat ng mata ay nakatitig lang sa iyo na parang lalo ka pang idinidiin. Kawawang bata. Tsk, tsk.

Kaya ang advice ko sa inyo, wag kasi kayong masyadong mabait. Wag kayong receive ng receive, este, wag kayong masyadong tiwala. Yun na.

Namimiss ko na si Papa Jack. Ang totoo, masama ang loob ko ngayon. Gusto ko sanang makausap si Papa Jack at mag confess sa kanya. Hindi ito wild or true love, teka, tumatanggap po ba siya ng true life confession ate Janice? Hehe. Kasi pag kay Papa Jack ako nag-confess, matatawa na ako, matututo pa ako. O di ba? Bongga?!!

Ang pagtutuos…

Standard

Nagulat ako.

Pauwi na kame nun. Tapos na kasi shift namen. Nag-shut down na kame ng PC at nag-log out sa Elid. Sumaglit lang kami sa CR. Hindi ko akalain na yung saglit na yun ay magiging panghabambuhay para sa amin ni Ate Nancy.

Outer space. Mga heavenly bodies na himalang nakalutang sa kalawakan. Kung bakit yun napasok sa usapan ay dahil dito;

Nagulat ako. Pagbukas ko ng pinto sapaborito kong cubicle ay may sumapak sa akin. Wala akong kalaban-labang sinaktan.

Ano yun? May nakita ako. Lulutang-lutang. Malupit pa sa Milky Way!

Put..@#*#%#&! TAE! Haha.

Natawa na lang ako sa kababuyang nakabuyangyang sa harap ko. Hindi ako nakatiis sa nakita, isinara ko ang pinto at kinumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang nakita.

Natawa rin si ate  Nancy sa reaksyon ko. Ikaw ba naman, magulantang sa taeng naghihintay sa iyo na wala ka namang kasalanan sa nagyari, ewan ko lang kung hindi ka magulat at matawa.

Akala ko tapos na ang pagtutuos naming dalawa. Pero hindi ako nakatiis. Flinush ko ang siya sa pamamagitan ng aking mahiwagang kanang paa.

Damang-dama ko ang hirap ng kung sino man ang nagmamay-ari sa kanya. Kung kaya ito marahil ang dahilan kung bakit niya nakalimutan na pormal na magpaalam sa kanya.

TAE siya! Nanalo ako. Haha. Ngayon, nang dahil sa ginawa ko, malamang ay masaya na siya kapiling ang maga kauri niya. Kung saan man yun, malamang hindi sa langit o impiyerno, at wag mo nang alamin kung saan. Wala na akong pakialam.

Thank God it’s Saturday!

Standard

Sa wakas. Bakasyon na naman. Itinuturing naming mga empleyado na isang malaking pribilehiyo ang pagsapit ng Sabado at Linggo. Bakasyon na naman.

Ansaya. Nasilayan ko na naman ang umaga sa glass window namin dito sa opisina. Antataas talaga ng buildings dito sa Ortigas. Yung tipong pag sobrang stressed ka na sa trabaho eh may option ka. Tumalon sa labas at mamatay, o saluhin ang talsik ng laway ng boss mung nagngingitngit sa galit.

“Hayaan mo na, mukha na lang naman nagagalit dun eh”, sabi ng boyfriend kong anak ata ni Aristotle. May tama naman siya. Tama. Tama.

Nakakabagot kasi. Araw-arawin mo ba naman ang pagsusulat ng mga bagay na hindi mo alam na nag-eexist pala. tulad ng limousine service sa New Jersey. Aba, malay ko bang meron nun? Toronto Hotties. Mainit ba sa Toronto? Hay buhay. Kaya ko nga ginawa itong blog na to eh para naman makahinga ang utak ko sa mga ganitong kamunduhan. Buti kung tungkol ke Sponge Bob yan, Shininchi Kudo, Kenshin Himura, Jimmy Neutron, Sakura, Naruto, Sir Kakashi, Sogo, teka, iba na ata ung nabanggit ko. Nako.

Palapit na ng palapit ang pasko. Wala naman kami nun, pero sana makuha ko special pay ko. Yun ang masarap dun. Unang special pay ko yun sa tanang buhay ko. Sana naman makuha ko ng buo. Gusto ko kasing bilhan ng computer ang mga kapatid ko. Para hindi na sila nagre-rent para lang mag-dota. O diba, concern ako sa kanila. Haha.

Sabado. Linggo. Tapos Lunes na naman. Ambilis ng panahon. Biruin mo, ayan nga, pasko na naman. Tapos New Year. Sana lang we are getting better as we grow older. *nosebleed*

Masaya magtrabaho kasi may pera. Yun nga lang, paghihirapan mo yung pera mo. Hindi tulad nung estudyante ka, hingi ka lang ng hingi. Pero pareho yung may tax, yung trabaho tax sa gobyerno, at yung estudyante, tax ng mga magulang mo sa iyo-kupit mo kumbaga. Aminin. Gawain ko rin naman yan. Nung estudyante pa ako, gustong-gusto ko ng magtrabaho, pero ngayong nagtratrabaho na ako, gusto kong mag-aral na lang. Masarap mag-aral. Araw-araw me bago. Bagong sapatos ng kaklase mo, bagong batas ng titser mo, bagong gupit ang principal, bagong project, at bagong karibal mo sa crush mo.

Time na. Uwian na. Kung sa computer shop eh gugustuhin mo mag-extend, sa trabaho eh wag na lang. Mas masaya kasama ang mga kapatid ko at siyempre, ang boyfriend ko, hehe. Malandi.