Category Archives: true friend

CNN Hero ka ba?

Standard

Minsan ko ng narinig, ang bawat isa daw ay sisingilin sa sarili nating kasalanan, at hindi sa kasalanan ng ating mga magulang o ng sino mang Poncio Pilato sa daan. Basta, yun na!

Subukan mong saluhin ang kasalanan ng iba, nakakaasar diba? Lalo na kapag alam mo naman na wala kang kasalanan. Biglang tinanong ng boss mo kung nasaan yung @#&%$* ganito ganyan, at wala kang nagawa ng walang anu-ano ay napabaling sa iyo ang tingin ng lahat ng ka-opisina mo na parang hiniling mo na lang sa kanila na “Putek turo niyo na lang kaya ako?!”

Naniniwala ako na marami sa mga nakakulong ay wala talagang kasalanan. Naranasan ko na yan eh. Teka, hindi pa ako nakulong ah? Ang sinasabi ko eh, naranasan ko ng maituro at mamura ng dahil sa kasalanan ng iba.

Ang sarap isipin na minsan, kapag ang isang taong malapit sa iyo ay naiipit sa isang sitwasyon na tipong ikakawala ng career niya, ay darating ka at tulungan siya, feeling mo bayani ka, parang si CNN Hero Sir Efren Peñaflorida. Kaso when the time comes (putek! wag ka na mag-english please?!) na ikaw naman ang naiipit, makikita mong walang tumatakbo sa likod mo para tulungan ka. Ang lahat ng mata ay nakatitig lang sa iyo na parang lalo ka pang idinidiin. Kawawang bata. Tsk, tsk.

Kaya ang advice ko sa inyo, wag kasi kayong masyadong mabait. Wag kayong receive ng receive, este, wag kayong masyadong tiwala. Yun na.

Namimiss ko na si Papa Jack. Ang totoo, masama ang loob ko ngayon. Gusto ko sanang makausap si Papa Jack at mag confess sa kanya. Hindi ito wild or true love, teka, tumatanggap po ba siya ng true life confession ate Janice? Hehe. Kasi pag kay Papa Jack ako nag-confess, matatawa na ako, matututo pa ako. O di ba? Bongga?!!

One last day…

Standard

Looks like the weather weeps with me (or with Madam Cory?) I dunno.

It’s my last day at the office and I tried to be happy for them to bounce back the positive energy. And I can feel from them that they will truly miss a person like me. (who am I BTW? Harhar)

I received a SpongeBob stuffed toy from one of my closest friends on our team. I was kinda overwhelmed than sad, because I feel the love, plus the effort. I really appreciate that.

My first KFC snackbox, and strawberry banana krushers, a goodbye treat from one of my ‘ate’s’ at the office. I almost took a picture of it. So even though I didn’t keep the box of it, I can still keep the memories of it to be treasured and remembered.

I really don’t want moments like these—goodbyes.

I will really miss them all. The laughter, the tears, the struggle, and even the most stressful moments that we’ve encountered in the office. The never ending talks and chats, and our rebuts and comments from the so-so persons in the office (well, I think that’s a natural scenario). The different styles that we invent just to steal a nap, how we escape from tiring tasks and requests, duh, I will really miss those parts.

Well. All will grow, change and must move on. So do I. I will really miss you comrades!

As for now, goodbye seems to be the hardest word. But I’m still here. Alive and kicking. I just transferred, but I still persists.

Ambot sa EMO!

Standard

Pagdating talaga sa ‘love’, andaming nagiging EMO. Anjan ang mga naglalaslas ng pulso, tumatalon sa kawawang building, nagbibigti, at umiinom ng walang kamalay-malay na panlinis ng silver. Tsk, tsk.

Anu nga ba ang EMO? Sa tulong ng Wikipedia, eto daw ang ibig sabihin niya;

“Emo (pronounced /ˈiːmoʊ/) is a style of rock music typically characterized by melodic musicianship and expressive, often confessional lyrics. It originated in the mid-1980’s hardcore punk movement of Washington, D.C., where it was known as “emotional hardcore” or “emocore” and pioneered by bands such as Rites of Spring and Embrace. As the style was echoed by contemporary American punk bands, its sound and meaning shifted and changed, blending with pop punk and indie rock and encapsulated in the early 1990s by groups such as Jawbreaker and Sunny Day Real Estate. By the mid 1990’s numerous emo acts emerged from the Midwestern and Central United States, and several independent record labels began to specialize in the style.”

Ayan, naintindihan niyo ba? Pwes ako hindi. (paabot nga ng BLADE please!!!)

Lahat naman tayo ay may side ng pagiging EMO natin. Anjan yung iiyak tayo pag malungkot, pag sinira ng kalaro mo ang paborito mong laruan, kapag nadapa ka at may nakakita (iiyak ka na lang para hindi mapahiya), pag natapakan ang paa mo ng mala-higanteng takong dahil sa siksikan sa MRT (pag ndi ka ba naman naiyak nun ewan ko na lang). Andiyan din naman yung masaya ka at lolobo na ang sipon mo sa kakatawa dahil sa tumulo ang laway ng kaklase mo (sino kaya ang mas nakakatawa sa inyong dalawa?). Maraming pangyayari sa buhay natin na kailangang tawanan at iyakan.

Kay lupit mo pag-ibig!

Hindi ko alam. Pero naging alam ko ang ganung damdamin minsan sa buhay ko. Masakit talaga pag hindi ka mahal ng taong kinaadikan mo nang mahalin. Parang pakiramdam mo ampanget-panget mo at higit sa lahat—wala kang silbi.

But wait! There’s more!

‘Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayro’ng paraan’. Take it from Mr. Rico Blanco. Mula sa kanyang bagong hit single na ‘Antukin’ (wow! Plugging?) There will come a time that we let ourselves look like we’re the most stupid person in the world just for the sake of winning the heart of the one we love. But when the time comes that letting go is the only way to save ourselves from getting too much pain, we must be brave enough to retrieve and move on. WOW! ENGLISH!

Tama yung naging status nung kaibigan ko sa YM nung pinagsasabihan ko siya sa kanyang walong taong katangahan sa kaklase namin nung high school, (yes, eight years po yun, mantakin mo? Sarap iuntog diba?) Malamang mag-aaway na naman kami dahil sa blogpost kong ito. Lagi pa naman yun nagbabasa ng blog ko. Sorry p’re, hindi lang naman para sa iyo ‘to. \m/

Hindi ko naman inililigtas ang sarili ko sa mga ganitong uri ng kagagahan. Ang kagandahan lang kasi sa akin, taon-taon akong nagpapalit ng crush. Haha, malandi. Kada school year nuon, iba ang crush ko. O di ba? Tag-iisang taon lang ang katangahan ko.

Dahil sa pagiging butihin kong kaibigan, ako ay nagsisilbing Tiya Dely o pwede ring Papa Jack sa kanila sa tuwing kailangan nila ng mumura sa kanila sa pinakatangang parte ng buhay nila. Open ako 24 hours a day, seven days a week, 365 days a year sa kanilang lahat para lang murahin sila. Harhar, joke lang, hindi ko naman sila minumura. Sa mga ganung pagkakataon, change costume ako. Kahit nga ako hindi ko kilala ang sarili ko sa panahong nagsasalita ako at nag-aadvice sa kanila tungkol sa pag-ebeg. Lagi kong sinasabing mahalin muna nila ang sarili nila. Sabay sabing “pa-RC ka naman!” Haha.

Hainaq, ang pag-ibig nga naman, parang least common denominator, mula pa nung elementary ako, hinahanap na nila, hanggang ngayon hindi pa rin nila makita. Kung tutuusin, hindi naman kasi siya hinahanap. Kasi darating na lang yun. Abangan mo sa pinto niyo, ide-deliver ng LBC yan. Peace. \m/

‘Hindi kasi ikaw ako, kaya madaling sabihin yang sinasabi moh’, quote and quote. Yan ang status ng kaibigan ko. Gabi-gabi nag-chachat kami at yan lagi ang pinag-uusapan namin. Nakakasawa? Oo. Pero hindi ako magsasawang magbigay ng advice and to give my shoulders for them to lean on. That’s what friends are for. Hindi naman siguro totally katangahan ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Bulag ka lang sa katotohanan. At kailangan mo ng taong magpapa-realize sayo na dumilat ka, at marami pang taong magmamahal at mas magmamahal sa yo. Tanga-tanga mo talaga..hehe, hindi na kasali yun siyempre…

Hindi ko naman sila masisisi. We have our own methods of recovery. I’ve been there before. Glad that I have recovered and contented now. \m/ Hope you find your own contentment too.

Double celebration

Standard

Parang kailan lang. Nag-aasaran pa kami. Tapos ngayon, nagmamahalan na kami. Haha. Malandi… Isang taon na kami ngayon. Isang taon na iniintindi ang isa’t isa. Isang taon na nagtitiyaga sa katotohanan na makitid ang utak naming pareho. Isang taon. At sa bawat araw na lumipas sa loob ng isang taon nay un, nag-aaway kami. Haha. Siguro kasi, nung nagkakilala kami, nag-aaway na kami kaya ganun. Basta.

Naisip ko, hindi rin naman talaga titibay ang isang relasyon kung hindi kayo dadaan sa ganung mga pangyayari. Sa ganang amin, siguro kamagong na kami sa tibay…eh araw-araw ba naman kayong mag-away? Hahaha.

Well, first boyfriend ko siya. At kung tadhana na talaga kami, at least, natagpuan ko siya agad. Kahit lumandi ako nung elementary at high school eh hindi naman ako nakipagrelasyon. Landi-landi lang. Kyut eh. Haha.

Lalalalala…

Kahit marami kaming problema, kahit marami kaming mga kakornihan sa buhay, yun marahil ang mga nagiging dahilan para lalo pang tumibay ang relasyon namin.

Tapat na pagmamahalan. Dagdag pa yan. Yung mga tipong “ikaw lamang wala ng iba” o diba? bongga!

Debut din pala ng super friend ko ngayon. Honestly, I don’t like calling my special friends as “best friend” kasi for me, there’s no such person as ‘best’ when it comes to friendship kasi incomparable sila. Kaya I just replace ‘best’ with ‘true’. That what makes a friend—honest and true.

Sabi ko nga 21 pa debut niya. Ambisyosa siya. Haha. Gurl siya. Pero masculado. Haha. Sanay na siya sa mga asaran namin na ganun. Kasi kung hindi kami nag-aasaran, hindi kami yun, at hindi kami masaya.

Eighteen roses daw yung isa kong kaibigan. Tinanong niya ako kung ano ako sa debut. “eighteen thorns” hahaha. O diba?

Double celebration to. Patay.wala pa naman akong pera. Utang muna. I don’t want to settle for less kasi. Kaya next payroll na lang ako magi-gift. At least bongga. Personalized shirt na may mukha naming dalawa. 