Category Archives: Uncategorized

Season of Fall

Standard
It’s autumn again
Leaves scattered everywhere
As my memories also shattered
Carefully I walk around.
 
As far as I remember
I gave my heart
Just to let it tore apart
Unforgivable, I should say.
 
Time flies, leaves fall
Til it decorated the road
Beautiful golden color
Do they belong to the ground?
 
Profoundly I think
Should I ? Should I?
I am now in the summit
Shouldn’t let myself sink.
 
I am strong
I know where I belong
I deserve to be happy
Get lost you fool. Crazy.
 
Curve in my face
Deep, loud laugh
Re-establishing myself
Inhale, exhale.
 
Who are you by the way?
Turn me down and walk away?
You’re wrong, oh so wrong
I feel perfect all along.
 
I feel the rush of blood
Flowing freely through my veins
I’m free, oh yes! I’m free
You gotta get out of my way.
 
And so it happens,
The last leaf of the maple tree fall
It solely dances gracefully with the wind
Swaying slow, it reached the ground.
 
Sigh.
It’s autumn in me again.
Advertisements

Si Papa Jack…

Standard

Mahirap talaga kapag ginagawa mong araw ang gabi. Hindi alam ng mga kapitbahay mo kung talagang sa call center ka nagtratrabaho, o sa patay sindi.

Mahirap matulog ng umaga. Habang abala sa pagtilaok ang manok at kasagsagan pa lang ng paglalaro ng mga bata sa tapat ng bahay niyo. Maingay. Maliwanag.

Alien! Alien! Isa akong alien. Nung una bangag-bangag pa ko, pero sa loob ng isang taon na pagiging alien at takot sa sinag ng araw, nasanay na rin ang katawan ko. Nag-aagahan ako ng alas-otso—ng gabi. Hello?! Sosyal kaya kami! American time to no! ahehehe.

Salamat na lang kay Papa Jack. Pinapasaya niya ang malungkot kong buhay. At pinapainit ang malamig na gabi…joshko!

Hindi ko alam kung dugo pa ba ang nananalaytay sa kanya. Andami niyang alam. Istorya ng bawat isa sa atin. Lalo na sa larangan ng tinatawag na “kembelar”.

Kembelar, lugawan, toot-toot, push button, yan ang mga termino na inimbento niya. Walang minuto na hindi ka tatawa sa mga banat at pang-ookray niya. Salamat na lang ta may “Papa Jack”.

Pilit siyang tinatapatan ng ibang radio station. Mayroon na rin silang mga ‘confessions’. But nothing beats the expert. Ewan ko ah, pero hindi ako binayaran ng Love Radio o hindi rin ako nag-confess kay Papa jack para sa blogpost na ito. I just appreciate the gift that Papa jack has.

Well, through this post, I would like to thank Papa Jack for bringing laughter to the whole archipelago. More power to your program and God bless!!!

Swine Flu…Swine Flu…

Standard

Tsk, tsk, tsk…

Napabalita na andito na sa bansa ang makamandag na swine flu virus. Kesyo A (H1N1), A, o ewan, swine flu pa rin ang tawag dun.

Ewan ko ba. Pati ako paranoid na. Kapag may humatsing o umubo sa MRT o FX eh nagtatakip na agad ako ng ilong at bibig. Kainis naman kasi. Andaling kumalat ng virus. Hindi katulad ng AIDS na kailangan mo munang makipag-sex kung eager ka talagang mahawa…haha…eager mahawa? Meganoooooooon?!!

Ito, hatsing o ubo lang, infected ka na. Eh di lalo na kung makipag-kiss ka. Tsk, tsk, naging prohibited pa tuloy ang kissing ngaun.

Mukhang kailangan nating sundin ang famous line ni John Lloyd ngayong mga panahong ito ah?

“Ingat!”

Para naman sa mga bumisita sa Mexico at Hong Kong para lamang mahawa ng swine flu at maging sikat sa madla, parang awa niyo na, magpakunsulta muna kayo para masiguro kung infected nga kayo. Kasi, nakakahiya naman sa iba na makakatabi niyo lang sa bus o sa eroplano at walang kamalay-malay na may swine flu ka pala.

Please, please. Don’t be a medium to spread the virus. Maawa ka naman. Kung infected ka, ikaw na lang. haha. Mag-isa ka! \m/

Ang pagtutuos…

Standard

Nagulat ako.

Pauwi na kame nun. Tapos na kasi shift namen. Nag-shut down na kame ng PC at nag-log out sa Elid. Sumaglit lang kami sa CR. Hindi ko akalain na yung saglit na yun ay magiging panghabambuhay para sa amin ni Ate Nancy.

Outer space. Mga heavenly bodies na himalang nakalutang sa kalawakan. Kung bakit yun napasok sa usapan ay dahil dito;

Nagulat ako. Pagbukas ko ng pinto sapaborito kong cubicle ay may sumapak sa akin. Wala akong kalaban-labang sinaktan.

Ano yun? May nakita ako. Lulutang-lutang. Malupit pa sa Milky Way!

Put..@#*#%#&! TAE! Haha.

Natawa na lang ako sa kababuyang nakabuyangyang sa harap ko. Hindi ako nakatiis sa nakita, isinara ko ang pinto at kinumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang nakita.

Natawa rin si ate  Nancy sa reaksyon ko. Ikaw ba naman, magulantang sa taeng naghihintay sa iyo na wala ka namang kasalanan sa nagyari, ewan ko lang kung hindi ka magulat at matawa.

Akala ko tapos na ang pagtutuos naming dalawa. Pero hindi ako nakatiis. Flinush ko ang siya sa pamamagitan ng aking mahiwagang kanang paa.

Damang-dama ko ang hirap ng kung sino man ang nagmamay-ari sa kanya. Kung kaya ito marahil ang dahilan kung bakit niya nakalimutan na pormal na magpaalam sa kanya.

TAE siya! Nanalo ako. Haha. Ngayon, nang dahil sa ginawa ko, malamang ay masaya na siya kapiling ang maga kauri niya. Kung saan man yun, malamang hindi sa langit o impiyerno, at wag mo nang alamin kung saan. Wala na akong pakialam.

Keyword Analyst na ako!!!

Standard

Taray. Improving.

Halos siyam na buwan na rin ako sa SEO. Siyam na buwan na nagsusulat ng gawa-gawang content at article. Siyam na buwan na nambubulabog sa mga blog at forum at patuloy na pinaparatangan na “spambot”. Kahit gustuhin ko mang magmakaawa sa kanila para hindi i-delete ni “moderator” (kung sino man siyang moderator siya!) ang thread ko, wala akong magagawa dahil wala sila ng tinatawag na “awa”.

Masaya ako sa bago kong natutunan.

Hindi ito bagong trick. Impeyrnes, although kumplikado, I made it without editing. Haha. My oeuvre!

Akala mo eh istorya ng “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” ang drama. Hainako. Well, this is really a great accomplishment for me. Me screenshot nga pala ako ng aking opus (kindly refer to the picture).

Keyword List for approval

At kahit hindi ako naiintindihan ng ilan, Me-an, Laarni, Jong, at sa iyo Sir Eric, na nagdala sa akin sa mundo ng SEO (at nang-iwan din, ahmpf!!) marunong na ako mag-keywords!!!

Wait lang. There’s more! Hindi pa pala na-approve ni client. Haha. Masyado naman akong masaya. Mamaya me revision yun. Ahuhu. Wak naman.

Ah basta. Hindi nga ako nakatulog nun eh. Badtrip din. Sayang ang isang oras na tulog huh? Malay mo mapanaginipan ko pa yung nangyari sa Wonder Pets na tagalog. Haha. Kaasar yun (huh? nag-ring, nag-ring ang telepono! May tumatawag!)

Masaya. Basta masaya. Para akong bata na natutong maglakad.

^___^

Ang huling limandaan

Standard

Nakakalungkot. Wala na akong pera. Hindi pa rin nagbabayad yung mga loyal na nangutang sa akin. Ako ngayon ang namumulubi. Imbis na masaya na akong umiinom ng aking paboritong red tea sa Nutrilicious eh sa kasamaang palad, bigo ako. Ahuhu..how sad.Paalam NinoyPaalam Ninoy

Winithdraw ko ang aking kahulihulihang pera sa aking mahiwagang  ATM card. (Available balance: P535.00) Haizt. Hindi ko alam kung paano yun pagkakasyahin sa nalalabing isang linggo bago magsuweldo.  Paano na ako? Maglalakad na lang ba ako papuntang Ortigas? Hmm. Medyo malayu-layo rin yun mula dito sa aming mansion sa Caloocan.

Bahala na. Kailangang magtipid. Lalo na ngayon, mahal ang gamot. (Meganooon? background ni Mr. Fu, dj sa Energy FM)

Minsan, mas masarap talagang maging estudyante. Namimiss ko tuloy ang mga prof ko na laging may migraine dahil sa kakulitan namin. Sana pala nag-cutting na lang ako para hanggang ngayon estudyante parin ako. Pwedeng-pwede pa ring mangurakot. Haha.

Masarap kumita ng pera. Lalo na pag pinaghirapan mo.

Pasko na ba? Weh? Di nga?

Standard

Natanggap ko na ang 13th month pay. No comment. Haru.

Malamig na ang simoy ng hangin. Siguradong dadami na naman ang populasyon. Eeh..!! Bastuuus..!! Para ka namang bago ng bago.

Pasko na ba? Marami na ang nangangaroling. Kahit nga matatanda, agaw trip na sa mga bata. Mas malaki pa kumick-back sa caroling. Tsk,tsk.

Mahirap na talaga ang buhay. At pahirap pa nga ng pahirap ito. Dati dala-dalawa ang uwing hamon ni nanay galing opisina, may keso de bola pa, ngayon hamon na lang–iisa pa.

Muntik ko ng makalimutan, wala pala kaming pasko. Bakit ba ako nakikialam?

Laganap na naman ang charity institutions ngayong pasko. Feeding programs, pamimigay ng regalo, laruan at libro. Tuwing pasko lang yun. Ano kaya yun? Lulusog ba ng lubos ang mga batang malnourished kung pakakainin mo sila tuwing pasko ng lugaw na may adidas? Ssh..syatap na nga ako tungkol doon.

Isa pang laganap ngayon? Mga parak na namamasko sa mga kawawang drayber. Natatawa na nga lang ako sa mga drayber pag sinasabi nila sa pasahero, “dun po kayo banda bumaba, kasi mukhang kailangan nung mga pulis ang pang noche buena”.

Bukod pa sa mga sale eh mas naglipana ngayon ang mga mas matitindi pa sa parak kung mamasko–ang mga magnanakaw, in any form, whether snatcher, holdaper, carnaper, magnanakaw ng lakas, ng puri, ng dignidad, ng asawa, ng boyfriend, lahat na ata ng pwedeng nakawin, nanakawin na ngayon. Sa opisina nga pati alcohol namen nag-disappear. Haha.

“Ingat!” Sabi nga ni John Lloyd. Hindi lang yun para sa biogesic, pati na rin sa ating buhay. Lagi tayong mag-ingat.