Season of Fall

Standard
It’s autumn again
Leaves scattered everywhere
As my memories also shattered
Carefully I walk around.
 
As far as I remember
I gave my heart
Just to let it tore apart
Unforgivable, I should say.
 
Time flies, leaves fall
Til it decorated the road
Beautiful golden color
Do they belong to the ground?
 
Profoundly I think
Should I ? Should I?
I am now in the summit
Shouldn’t let myself sink.
 
I am strong
I know where I belong
I deserve to be happy
Get lost you fool. Crazy.
 
Curve in my face
Deep, loud laugh
Re-establishing myself
Inhale, exhale.
 
Who are you by the way?
Turn me down and walk away?
You’re wrong, oh so wrong
I feel perfect all along.
 
I feel the rush of blood
Flowing freely through my veins
I’m free, oh yes! I’m free
You gotta get out of my way.
 
And so it happens,
The last leaf of the maple tree fall
It solely dances gracefully with the wind
Swaying slow, it reached the ground.
 
Sigh.
It’s autumn in me again.

Playground.

Standard

Ayaw na ayaw ni Nanay dumadaan sa iskinita na yun. Magulo daw. Maingay. Madaming bata. Parang hindi iskinita. Parang…

…playground.

Mapa-umaga, hapon, hanggang gabi, hindi nauubusan ng mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa lugar na iyon. Hindi naman kalakihan ang iskinita na yun. Kaya nga kapag pinagsabay-sabay sa pagkaka-iskedyul ang pagbi-bingo ng mga nanay, inuman ng mga tatay, basketbol ng mga tambay, videoke ng mga teenager at tumbang preso ng mga paslit, tiyak yun, kulang na lang lagyan ng karatula yung iskinita sa amin na,

“CLOSED UNTIL DECLARED OPEN FOR PUBLIC PASSAGE”

Hahahaha. Dae kong tawa dun ah!

Ganun. Ganun na kalala ang mga may-ari ng iskinitang yun (may-ari na talaga eh! Asan ang titulo???) tuwing linggo ay may disco pa yan sa gitna ng daan at utang na loob mo pa kapag binigyan ka ng ka-hiningang ‘space’ para maka-daan ka.

Utang na loob!

Matagal ko na ding pinag-iisipan na umalis sa lugar na iyon. Totoong magulo, delikado, at mga walang pakialam sa mundo ang mga kapitbahay.

Pero yun nga yung nagpapa-exciting ng buhay!

Gabi-gabing may nahoholdap. Di lang minsang may mga lasing na nagsaksakan at pinaglamayan. Meron na ding bangkay na natagpuang itinapon sa drainage.

So far wala pa namang fetus na napulot sa daan. At least diba?

Sabi ng iba, ‘hindi ka ba natatakot?’

“Wala na namang ligtas na lugar ngayon.” Mahinahon kong sagot.

Masaya pa rin namang nakakapaglaro ang mga bata sa iskinitang turned into an instant playground. Walang iniintindi. Hindi iniisip ang mga nakakabanggang dumadaan sa talaga namang daanan ng mga simpleng mamamayan.

Oo, dito ako lumaki. Pero hindi ko sinasabing dito na din ako mamamatay. Marami pa akong pupuntahang lugar. At hindi pa ako mamamatay. Matagal pa yun.

Minsan ko na ding ginawang playground ang kalsada. Marami na rin akong natamaan na nagdaraan ng tsinelas na ang totoong puntirya ay yung lata sa tumbang preso. Sinasalo kasi nung mga dumadaan. Kasalanan nila yun.

Maraming sipa, bola ng pingpong, at tsinelas din ang napunta sa bubong dahil sa mga paglalaro namin nuon.

Kaya naiintindihan ko ang mga batang iyon.

It’s time for their turn.

Na-miss ko tuloy bigla ang piko, siyato, patintero at tumbang preso.

=D

Intertropical Convergence Zone =D

Standard

Munti pa man akong bata. Hindi na ako naging masaya sa ulan.

Masaya akong nakikipaglaro noon sa aking mga kaibigan sa ilalim ng araw. Kumulimlim. Hindi namin iyon pinansin. Hanggang sa unti-unti nang pumatak ang ulan. Isa-isa na ring tinawag ang mga kalaro ko ng kanilang mga magulang.

At…

Malungkot na akong umuwi.

Sa loob ng bahay ako’y batong-bato. Tulog sila lolo’t lola, samantalang ako’y nakatanga sa bukas na pintuan, pinanonood ang mga batang nagtatampisaw sa ulan.

“Habulin mo ako!” Sigaw ni Angelo sa isa pa naming kalaro na si Apple. Tinutukso naming silang loveteam.

“Wag na wag kang lalabas. Wag kang maligo sa ulan. Magkakasakit ka lang.”
Iyan ang mahigpit na bilin ni lola. Pag sinuway ko, tiyak may malutong na palo. Kaya ayun. Nakukuntento na lang sa tilamsik ng ulan mula sa bukas na pintuan.

Palakas na ng palakas ang ulan. Unti-unti na ding bumabaha. Bahain pa naman ang lugar naming sa Kalookan. Yung malapit sa Malabon at Navotas. Ay grabe dun! Konting ulan lang, hanggang tuhod na ang baha!

Nawalan na ako ng pag-asa. Nagliliparan na ang mga bubong. Mukhang hanggang gabi na ito. Napurnada pa ang patintero namin.
At ang pinakamalala na mangyari sa mga ganitong pag-ulan? Yung tinatawag na, black out.

Malamok, madilim, malamig, at nakakatakot. Bilang bata, iyan ang naiisip ko tuwing umuulan at walang kuryente. Grabe. Ang hirap talaga pag ikaw lang ang bata sa bahay. Walang kapatid, walang kalaro, in short, nganga.

Bumalik ang mga ala-ala kong ito kanina lamang, nang inabutan kami ng ulan sa may St. Luke’s Hospital sa Quezon City kung saan ay dun kami nagtatanghalian sa di kalayuan. Mabuti na lang at nakabili na ako ng payong. Kahit papaano may panlaban ako sa kanya.

Malungkot kapag umuulan at mag-isa. Parang larawan ng isang trahedya na kailangang sagupain ng isang mandirigma. Di ka makakaiwas, di ka makakatakas. Bawat patak ng ulan ay siguradong tatamaan ka.

Maliit lang ang payong ko. Pang-single lang kumbaga. Pero tinitiyak ko sa iyo, kapag nakilala na kita, bibili ako ng payong, ung pangdalawa. =D

PARISUKAT

Standard

Hindi lahat ng mundo ay bilog.


Nakakaaliw parisukat kong mundo
Mga nakikita dito’y kung anu-ano
Tahana’y maliit ngunit sakop niya’y malaki
Tanawin mo at malalaman mong madali

Isang umagang kayganda
Magigising sa mga huni ng maya
Hayun, naghahabulan, larawa’y masaya
Lilipad, patalun-talon, kumakanta

At sa katanghaling tapat
Araw na matindi ang sikat
Init nito’y tumatagos sa aking silid
Liwanag abot hanggang sa gilid gilid

Kinahapuna’y meryenda na!
Si manong magtataho iyong makikita
Mga bata’y masaya ring naglalaro
Habang mga ina’y maingay na nagbi-bingo

Sa gabi’y mga liwanag sa bawat tahanan
Nakakaaliw kung sila’y pagmasdan!
Mga sasakyan na paroo’t parito
Mga busina’y nakakasakit sa ulo

Kaysarap tumambay dito sa pag-ulan
Mga tao’y hirap maghanap ng sasakyan
Hawak kong mainit na kape, amoy ay pumapailanlang
Habang pinanonood mga batang nagtatampisaw sa ulan

Masaya akong mag-isa sa aking mundo
Nakatanaw sa malaking bintana kong ito
Ngunit sa aking paglingon, ikaw sana’y makita ko
Sa aking tabi, makisali sa parisukat kong mundo

Life Sentence

Standard

I am a prisoner in this cage
Where I can call my own place
There were many that come and go
But me? I’ll stay, you should know.

I’ll be here all around
When you feel like falling off the ground
I’ll turn my head up and watch you fly
Soar around that big blue sky

I’ll walk by you during cold night
Guard you, protect you with all my might
Sealed with this feeling that I lay for you
What I get in return? I really don’t know.

What shall I do? I do love you
God knows how I like to kill it too
It hurts when you fall for someone
And nobody cares, do they? Anyone?

Will the geniuses come to discover a pill?
Do wizards have that miracle spell?
Do gods and goddesses care to tell
How you and me, in love we both fell?

I’ll just sit here watching you
How you laugh, cry, and share stories too
I’d love to be with you ’til my life is through
Help me please, all of these come true.

03242012
315PM

Nang Magkatawang Tao ang Papel at Tinta =)

Standard

Ang pagiging manunulat ay isang napakasayang bagay. Ngunit ang mahalin ng isang manunulat ay walang kapantay.

KAPAG SIYA’Y MAG-ISA.

Naku. Nakakabaliw yan! Makikita mong gabundok na ang labahan ng mga damit niya pero nakatunganga pa rin siya sa may bintana. Puno na din ang lababo ng hugasing pinggan pero hindi niya yun bibigyan ng pansin. Nakadayukdok sa blankong papel habang iwinawasiwas sa hangin ang hawak na lapis. Nag-iisip ng malalim. At matapos ang ilang minutong pagtanga ay bubulwak ang mga salita na hindi mo alam kung saan nanggaling. Hanggang sa mabuo ang tulang nagpapahayag ng kanyang mga itinatagong damdamin. Wag mo siyang iistorbohin sa kanyang pagsulat. Antayin mong ialay niya sa iyo ang obrang pinagbuhusan ng kanyang nararamdaman at kahit kasing-macho ka ni Johnny Bravo, sinisigurado ko sa iyo, di mo mapipigilang kiligin sa tulang kanyang nabuo.

KAPAG KASAMA MO SIYA.

Habang naglalakad ay hahawakan mo ang kanyang kamay at siya ay iiwas. Hayaan mo lang. Hanggang makakita siya ng kasabay ninyong magkasintahan na magkahawak kamay habang naglalakad. Antayin mo, at siya mismo ang aabot sa kamay mo. Titingin sa mga mata mo, sabay ngingiti na waring nagsasabi, ‘mas sweet tayo!’

Guguhitan niya ang palasingsingan mo ng ‘wedding ring’ at papa-drawing-an niya rin yung sa kanya. Magsasabi ng ‘I DO’ at yayakapin ka. Tanggapin mo na lang ang mga ganitong ka-weirduhan niya at kundi eh baka yung mukha mo ang gawin niyang scratch paper.

Mag-ingat kapag masaya kang nagkukuwento at siya naman ay nakatingin lang sa mukha mo. Tanungin mo siya at kapag hindi siya nakasagot, huwag kang magtampo. Kasi may mas maganda siyang nabuong kwento sa isip niya habang nakatitig sa mukha mo. Abangan mo na lang, ita-tag niya yun sa iyo. Ang title? “Anghel ng Buhay Ko” =)

Kapag inihatid mo na siya sa kanila at bago ka umuwi ay kukunin niya ang resibo ng mga kinainan ninyo at pinanoodan ng sine. Sasabihin niya ire-reimburse niya iyon sa opisina pero ang totoo makikita mo iyon sa mga susunod na araw nakadikit na sa kuwarto niya na may nakasulat, “Mga Pinakamasayang Bahagi ng Buhay Ko”.

Kapag may nagtanong sa kanya ng “Siya ba ang boyfriend mo?” wag kang magwawala kapag sumagot siya ng mabilis na “HINDI.” Antayin mo na lang ang susunod na sagot niya at baka mahimatay ka sa kilig:

“Siya ang nakatadhana para sa akin.”

Kapag siya’y natutulog, hawiin mo ang kanyang buhok. Kantahan siya ng paborito niyang kanta. Magigising siya at sasabihin ka ng ‘ang ingay mo!” pero makikita mo, nakangiti siya habang sinasabi ito. =)

KAPAG MALAYO KAYO SA ISA’T ISA.

20 text messages ng ‘I Love You’ o ‘I Miss You’ ang marereceived mo sa celphone. Wag kang magalit o mainis dahil baka mapalitan yun ng 100 text messages received ng ‘I hate you’ or ‘Bahala ka sa buhay mo!’

Tatawagan ka niya pagkagising pa lang sa umaga, kahit nasa trabaho ka na, o kahit kumakain ng lunch. Kahit nasa banyo ka pa. no excuses yun. Gusto niya kasi kahit malayo ka, siya ang kasama mo. Kapag wala siyang kasabay kumain ay tatawagan ka niya para kahit sa telepono, maramdaman niyang sabay kayong kumakain. Kapag masama pakiramdam niya, nakatapak siya ng tae, o nakakita ng pusang kawawa sa daan, itatawag niya pa yun sa iyo. Tandaan mo, malaking istorya ang mga ito! At antayin mo kapag nagkita kayo, dahil ikukuwento niya pa yung nangyari ng buong-buo na waring ngayon mo pa lang maririnig.

KAPAG SIYA’Y NAGTATAMPO

Suyuin mo. Nakakatawa, dahil kung sino pa ang malalalim mag-isip ay sila pa ang may pinakamababaw na kaligayahan. Bilhan mo ng Funny Komiks o ng limampisong chocnut at lagyan mo ng ribbon. Makikita mo, maluluha pa yan sa tuwa at yayakapin ka kesa nung panahong binilhan mo siya ng sandosenang bulaklak.

KAPAG MINAHAL KA NIYA.

Mabubuhay ka ng walang hangga. Pati aso niyo, pati paboritong kanta mo, o kahit yung gitara mo, magiging imortal.

Sa di masusukat niyang ideya at matatalinhagang mga salita, kapag naisulat ka niya sa kanyang bagong dula ay mananatili ka na dun kailanman. Minsan makikita mo ang sarili mo sa isang karakter na kontrabida, (yun ang mga panahong nagtatampo siya sa iyo). O magugulat ka dahil kapangalan mo yung aso sa dulang ginagawa niya. (malamang, galit na siya nun sa yo!)

May pagkakataon din na mababasa mo ang lugar kung saan una kayong nagkakilala, oras, araw, pati kulay ng suot niong damit nuon.

Hindi siya masalita sa mga bagay na kinatutuwaan at kinakikiligan niya sa iyo. Pero basahin mo ang notebook niya. Puro pangalan mo. baka nga pag may nakapulot nun na kakilala niyo sa iyo ibigay kasi mas marami yung pangalan mo. =)

Isang Pagkilala sa Tunay na Iglesia

Standard

Pebrero bente otso, araw na itinakda
Sa iba’y ordinaryong araw, ‘di man kakaiba
Ngunit sila’y namangha, di inakala
Na ang araw na ito, lubhang mahalaga!

Mga pagpapanata at mga paghahanda
Sa bawat lokal lahat ay nagsagawa
Pagkat sa magagawa ng dakilang Ama,
Mga lingkod Niya ay lubos na nagtitiwala

Bente otso ng Pebrero, maaga pa lamang
Lubos na ang kagalakan, nitong mga hinirang
Lahat ng kakailanganin, pinaghandaan ng lubusan
Maging ang mga aakayin, nakagayak nang mainam

Bago umalis sa lokal na kinabibilangan
Pagpapanata at pananalangin ‘di kinalimutan
Pagkat kailangan ang dakilang paggabay
Ng Diyos na tunay upang magtagumpay!

Matapos manalangin, sabik na naglakbay
Bata man o matanda, lahat sabay-sabay
Sa matinding init at trapik di padaraig
Layuni’y matupad, sa hadlang di palulupig!

Quirino Grandstand di mahulugang karayom
Sa dami ng mga panauhin at kapatid na nakipagkaisa
Kung bibig lamang ni Rizal ay di nakatikom,
Sasambitlai’y pagkamangha sa tunay na Iglesia!

Pamamahayag ng mga salita Ng Diyos ay nagtagumpay
Di dahil sa gawa ng ating mga sariling kamay
Ngunit ito’y dahil sa awa, tulong at paggabay
Ng makapangyarihang Diyos, sa ati’y umaalalay.

Sa matagumpay na pamamahayag na naganap
Ay di maiwasang pag-uusig ay makaharap
Bagama’t pagkasi ng Diyos sa Iglesia’y namamayagpag
Paninira’t paghatol patuloy pa ring inihahayag

Ito’y di political rally o anumang pagsuporta
Sa sinumang pulitiko at mga pinuno ng bansa
Ang Iglesia Ni Cristo ay mananatiling isang Iglesia
Na patuloy na sumusunod sa kalooban ng Dakilang Ama.