Tag Archives: driver

Sa Tabi Na Lang Po, Para!

Standard

Dignidad ang magpapakain sa atin para mabuhay, hindi dignidad ang kailangan nating kainin para mabuhay.

Whew! Ang hirap mabuhay ngayon sa mundong ibabaw! Andaming problema. Pati ang paggising sa umaga, pati nga uulamin namin kadalasan – siret na!

Pero ang nakakatuwa sa karamihan sa mga Pilipino, kaharap na yung problema, nakangiti pa. Kung ako lang yung problema malamang nainsulto na ako sa Pilipino, aba! Pagtawanan daw ba ang problema!

Kaya uso sa atin ang mga gag shows, mga comedy bars, pati nga si Boy Pick Up, biruin mo at mabenta!

Tawa, sa dami ng problema, tawa! Kaya yung iba nabaliw na. Hindi kinaya. Pero sa dami ng problema, hahanga ka. Kahit mahirap ang buhay, marami pa ring Pilipino ang pinipiling manindigan sa tamang paraan ng pamumuhay.

Saludo ako sa inyo! Mga sidecar, traysikel, jeepney at bus drivers! Isama mo na si manong magtataho, nagpi-fishball, magbabalut, kwek kwek at pugo! Pati si ate na nagtitinda ng gulaman, kakanin at pang meryenda. Oops! Wag magtampo ang mga tindero at tindera ng karne at gulay sa palengke. Lalo naman sila kuya na basurero. Pati na rin ang sapatero at nag-aayos ng payong at tubo. Ang mga kaminero at nag-aayos ng relo. Sino pa ba? Naku baka may magtampo.

“Ate, itago mo ang celphone mo.”

Ito ang babala sa akin ng sidecar driver na nasakyan ko isang beses nung hatinggabi na ako umuwi. Oo delikado talaga sa lugar namin. Ata alam niya siguro na pag naagawan ako ng celphone eh hindi niya talaga ako kayang ipagtanggol. Pero ang bigyan niya ako ng babala e isang sign na concern siya sa mga pasahero niya.

“Kuya oh, salamat!”

Sinabi ko sa kanya pagbaba ko. Maliit na halaga lang ang kanilang kinikita. Ngunit tiis lang. At least hindi galing sa masama.

Hindi naman mali na mangarap na minsang umangat sa buhay. Ngunit kung aasenso ka nga sa masamang paraan, wag na lang. Dignidad. Kaunti na lang ang meron niyan.

“Kuya, sa tabi na lang po, para!” =)

Advertisements

Ang kalbaryo ko gabi-gabi…

Standard

Tsk,tsk. Late na naman ako. Sino na naman ang sisisihin ko? Yung inosenteng driver? Yung kawawang ELid reader? O yung aking abang sarili? Haha. Badtrip, naalala ko tuloy si Michael V. sa “tino ang dapat titihin?” Gabi n axe ako nagising. Meganooon? Eh panggabi naman talaga ako. So gabi talaga ako gigising. Hahaha. Hindi tuloy ako nakanood ng “Fated to love you”, ahuhu. Hangkyut pa naman ni Steven. Buti na lang pala nakaligo na ako kaninang hapon kundi baka inumaga na ako, penalty na naman. Haha.

Kabisado na siguro ng Julia Vargas ang bigat ng bagsak ng mga paa ko tuwing tumatakbo ako dun gabi-gabi. Hindi ko alam kung mukha akong artista kaya ako pinagtitinginan ng mga tao, o mukha lang talaga akong tanga. Hahaha. Malamang yung pangalawa.

Sana umabot ako. Sana umabot ako. Yung ang lagi kong binubulong sa sarili ko, parang dasal ko na. Hindi ko naisip sabihin na, “Sana gumising ako ng maaga,” diba? Haha.

Ortigas na. Panibagong marathon na naman toh. Gabi-gabi na lang may race ako.