Tag Archives: facebook

Facebook Status 2012

Standard

Lumingon pabalik ang inyong lingkod sa pagsasara ng nakaraan. 
May ngiti, pighati, ‘lessons learned’ at ‘better luck  next time’ ang peg. 
Nag-isip, nagbuntung-hininga at binuga sa kaharap. Ay, sorry.
Naghahanap ng inspirasyon. Pero mukhang wala pa sa panahon.
Matumal ang lablayp. Hahaha!

Para makaiwas sa tinatawag na ‘disappointment’, bumisita ang inyong lingkod sa kabilang planeta ng social media na itago na lang natin sa pangalang, “Facebook”. 
At tulad ng inaasahan, tinanong na naman niya ako ng, 

“What’s on your mind?”

Wala nga akong inspirasyon! Kulet ah!

Binalikan ko ang nakaraan. Parang time machine. Nagbasa ng mga nangyari sa buhay, bahay, at pag-ibig. At muli’y napabuntung-hininga. At sa pagkakataong ito, sa iba na lumabas ang hangin. Ay nako. 

Narito ang mga natatanging paskil ni http://www.facebook.com/meimeitoth

Everyday with us girls is like reading chapters of Da Vinci Code, –hard to decipher.

 

Everybody’s status is about the end of the world.
Asking when, how, asking why it’s not happening now, 
so what if it’s not today?

Are we wiser than God?

 

When you help somebody once, it will be unforgettable for him.
But when you help him again and again, it is expected of you.

 

There are soooooooooooooo many things that I still need to encounter in life.
I’m tough. But not that enough.
I’m wit. But not that intelligent.
I’m happy. But still striving to feel wonderful everyday.
I’m single. But definitely not alone.
I’m alive, and continuously living.
I will live, love, laugh and enjoy life!

 

First rule of leadership: 
“EVERYTHING IS YOUR FAULT.”

 

“The elevator to success is out of order. You’ll have to use the stairs…. One step at a time.”  -Rande Wilson

 

I deserved only THE BEST.
If you are not, then please LEAVE.
Hahahaha. Anudaw?

 

Kanina may tinanong ako…
“Saan mo gusto ikasal?”
Andami niyang sinabi, iba’t ibang lugar, iba’t ibang lokal. Napansin niyang tahimik ako kaya sabi niya, “Ikaw ba saan mo gusto ikasal?”
Napangiti ako sabay sabing…
“SA TABI MO.”

 

Buti nga ako feeling ko MAGANDA lang ako.
Kaw feeling mo TAO ka?
Duh. Haha!

Madaling magmukhang TAO pero mahirap MAGPAKATAO.
Sana i-try mo naman kahit minsan.

 

“IF BEING BEAUTIFUL IS A SIN,
THEN I APOLOGIZE!”

 

I’m definitely not the princess that every strong knight is dreaming to have,
But the rare Queen that a wise King prays to be with his entire life.
Yes, follow your heart. But make sure to use your brain.

 

Why does every time I ride on a bus,
the same front seat for two reminds me of someone I love to have? 

That’s the first and the last time I’ll tell you that you mean everything to me. And after that, it’s all history. ‘Til you take your stand and claim me as your destiny.

Wala namang problema saken kung maghintay ako para sa iyo ng mahabang panahon . . .

.
.
.
.
Basta siguraduhin mong darating ka. 
And we will live happily ever after!

You cannot escape me.
Cuz I found myself in your arms on that very moment.
Will I be waiting…again?
Sigh.

WALA. WALA AKONG CRUSH.
BATO AKO. BATO.

You can’t definitely ‘please’ everybody.
And I will not try either.
I know what I’m doing.
Wait ’til I ask if I need your opinion.
As of now,
SHUT UP, GROW UP AND GET LOST, YOU IMMATURE BEING.

 

At pagkabasa ng lahat ng ito, narealized ko, hindi pala pare-pareho ang font at font size ng mga status ko. At higit sa lahat, mas maganda pala inggles ko kapag may pinaghuhugutan ako lalo na’t fresh pa. Hahaha!

Happy new year!

Advertisements

Ano’ng Meron Ngayon?

Standard

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang empleyado, gobyerno man o pribado. Gigising pa rin ng maaga. Mag-aalmusal kung mayroon. Iinom na lang ng tubig kung wala. Saka magmamadaling maligo sa takot na ma-late sa trabaho.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa isang estudyante na naghahanda upang pumasok sa paaralan. Mayroong sabik pumasok upang ipasa ang pinagpuyatang proyekto. At siyempre mayroon din naman na tila gustong magkasakit upang huwag lamang makapasok dahil sa nagpuyat kasama ang syota o nag crossfire/facebook buong magdamag.

Ngayon ay isang ordinaryong araw. Para sa mga walang trabaho, sa naghahanap ng trabaho, o sa natanggal sa trabaho.

Dumako naman tayo sa kakaibang araw.

Ngayon ay maaaring isang kakaibang araw. Para sa isang bagong ina, na nagsilang ng kanyang panganay. Sabik at labis na kaligayahan ang mararamdaman. Pagod at hapdi ng mga tahi ay biglang nakalimutan. Maging sa isang bagong ama, na masayang inehehele ang sanggol na kaytagal niyang hinintay. Sa wakas, pamilya na sila.

Ngayon ay isang natatanging araw. Para sa mga pamilya na biktima ng karahasan na ngayong araw ay nakamit na ang tinatawag na katarungan.

Ngayon ay maaaring isang natatanging araw. Para sa isang paslit na sumali sa paligsahan, nasungkit ang pinakamataas na karangalan at nasabitan ng medalya ng kanyang proud na magulang.

Ngayon ay maaaring isang espesyal na araw. Para sa isang binata na patuloy na nanliligaw at nagsusumikap na makamit ang matamis na oo ng dalagang pinapangarap. At ngayong araw ay kanya na nga itong natanggap.

Ngayon din ay pwedeng maging masakit na sandali. Sa mga taong naiwan ng taong pumanaw. Di malilimutang araw.

Agosto 12. Ano’ng espesyal sa iyong pagdating?

Sa akin? Dati ito’y isang araw na pinakahihintay. Isang araw na pinaghahandaan ng buong pamilya. Isang araw kung saan ramdam ang ligaya. Isang araw, kung saan, ako’y tatanda na naman.

Ngayon, hindi ko mawari aking nararamdaman. Mamaya, pag natapos ang buong araw, ika’y aking babalitaan.

Madali niyo naman kaming makilala…

Standard

Kung may buhay ng gangsta, may buhay din na dapat ikuwento ang mga empleyado sa lumalaking mundo ng BPO (business process outsourcing po yun…)

Marami na tayong nabasang kahalintulad nito na naikalat na rin ng mga kadugo nating blogista sa industriya. Pero sana hayaan niyo akong magkaroon ng sarili kong bersiyon tutal kabilang naman tayo sa demokratikong bansa.

Makikilala natin ang mga kapuso nating nagtratrabaho sa call center sa pamamagitan ng ilang mga tanda. Kung may mga nais pa po kayong idagdag, bukas po ang aking panig sa mga kuro-kuro at pala-palagay. Nakana…tagalog…!!

• Siyempre, malamang, gasgas na ang ValueCare mo kakagamit. Hekhek. Nagpa-brace kana, nagpabunot ng ipin, nagpa-generak check up, at buwan-buwan ka ng nagpapa-x ray. Peace!
• May suki card ka na sa Mini-Stop at sa 7-11 sa bulk order mo ng kape, extra joss, o Samurai (bilang pagpupugay kay Papa Jack).
• Kaugnay ng naunang nabanggit, kape at energy drink na ang nananalaytay sa dugo mo. Kaya kapag naco-confine ka sa ospital, kape at Samurai na ang laman ng dextrose mo.
• Tinatahulan ka na ng aso niyo.
• Hindi ka na sanay umebs sa CR niyo sa bahay.
• May koleksiyon ka na ng ticket ng bus at resibo ng convenience stores sa bag mo, parang tex lang, kino-collect!
• Una mong nalaman na namatay na si Michael Jackson dahil sa tulong ng Yahoo! At Google pero huli mo ng nalaman na namatay na pala si Sir Douglas Quijano ng GMA 7, o malamang hindi mo na kilala yun.
• Kilalang-kilala mo si Papa Jack at pinangarap mo din na mag-confess sa wild confessions pero hindi pwede dahil wala namang programa si Papa Jack tuwing day-off mo.
• Kabisado mo na ang kantang ‘The Climb’ dahil yun ang theme song ng campaign nio para ma-reach ang quota.
• Nagpapasalamat ka sa management ng MRT dahil 24 hrs na sila. Makakatipid ka kesa mag-fx.
• Wala ka ng panahon labhan ang lanyard mo (a.k.a. ID lace)
• Hindi mo na alam kung anung isusuot mo tuwing papasok dahil baka kabisado na ng mga officemate mo na tatlo lang ang pantaloon mo.
• Nakatambak na lang ang payslip mo sa bahay, kaya nagpapasalamat ka naging online na ang pag-view ng payslip.
• Kabisado mo na kung pang-ilan ang mga songs mo sa MP4 player mo.
• Galit ka sa mga bata sa inyo dahil ang iingay nila. Hindi ka makatulog.
• Hindi ka natutuwa kapag nag-aanounce ang Malacañan ng holiday. Hindi ka naman apektado.
• Wala ka ng time magpagupit.
• Sanay ka ng matulog ng nakaupo, o kahit sa ilalim ng post mo.
• Araw-araw kang online sa facebook at yahoo.
• Hindi mo na nasusulit ang unlimited text.
• Ikaw ang nagbabayd ng kuryente kahit ang totoo eh bihira ka na lang gumamit.
• Narealize mong malaki na pala ang pamangkin mo, at may anak nap ala ang pusa niyo.
• Isa ka sa mga matiyagang naghihintay sa mahabang linya sa ATM machine tuwing kinsenas at katapusan.
• Nag-iinuman kayo, ang aga-aga!
• Hindi mo na kilala ang mga bagong artista.
• Nasira na ang ngipin mo kakangata ng kornik at mani sa post mo.
• Mawala na ang lahat wag lang ang ELID mo. Tiyak, may penalty!
• Hindi mo na naaabutan ang pamilya mo sa bahay. Aalis ka, wala pa sila, uuwi ka, wala na sila. Hay buhay!
• Kahit kundoktor, ine-english mo!
• Hindi ka pahuhuli na manuod ng Harry Potter.
• May collection ka ng jacket sa bahay nio.
• Hinuhugasan mo ba ang tumbler mo o niluluglugan lang?
• May asin, ketchup, at asukal ka ng Joliibee at McDo sa post mo.
• Isa ka sa mga unang nakanood ng popular na Careless Whisper video.
• Malaki at mabigat na ang eyebags mo. Maputla ka na rin at parang laging lutang (bangag!)
• May sarili kang folder ng movies at MP4 sa PC mo.
• Di lang miminsan kang nakatulog sa pantry.
• Hindi ka na tinatanong ng kunduktor kung saan ka bababa. Binibigay na sayo agad ang ticket.
• Marami kang disposable spoon, fork, at pati na rin Nissin Cup Noodles na nakatambay sa locker mo.
• Nagtatago ka sa officemate mong mahilig mangutang.

Haizt, madami pa sanang iba. Pero antok na antok na talaga ako. Matutulog lang ako sa ilalim ng post ko. \m/