Tag Archives: papa jack

CNN Hero ka ba?

Standard

Minsan ko ng narinig, ang bawat isa daw ay sisingilin sa sarili nating kasalanan, at hindi sa kasalanan ng ating mga magulang o ng sino mang Poncio Pilato sa daan. Basta, yun na!

Subukan mong saluhin ang kasalanan ng iba, nakakaasar diba? Lalo na kapag alam mo naman na wala kang kasalanan. Biglang tinanong ng boss mo kung nasaan yung @#&%$* ganito ganyan, at wala kang nagawa ng walang anu-ano ay napabaling sa iyo ang tingin ng lahat ng ka-opisina mo na parang hiniling mo na lang sa kanila na “Putek turo niyo na lang kaya ako?!”

Naniniwala ako na marami sa mga nakakulong ay wala talagang kasalanan. Naranasan ko na yan eh. Teka, hindi pa ako nakulong ah? Ang sinasabi ko eh, naranasan ko ng maituro at mamura ng dahil sa kasalanan ng iba.

Ang sarap isipin na minsan, kapag ang isang taong malapit sa iyo ay naiipit sa isang sitwasyon na tipong ikakawala ng career niya, ay darating ka at tulungan siya, feeling mo bayani ka, parang si CNN Hero Sir Efren Peñaflorida. Kaso when the time comes (putek! wag ka na mag-english please?!) na ikaw naman ang naiipit, makikita mong walang tumatakbo sa likod mo para tulungan ka. Ang lahat ng mata ay nakatitig lang sa iyo na parang lalo ka pang idinidiin. Kawawang bata. Tsk, tsk.

Kaya ang advice ko sa inyo, wag kasi kayong masyadong mabait. Wag kayong receive ng receive, este, wag kayong masyadong tiwala. Yun na.

Namimiss ko na si Papa Jack. Ang totoo, masama ang loob ko ngayon. Gusto ko sanang makausap si Papa Jack at mag confess sa kanya. Hindi ito wild or true love, teka, tumatanggap po ba siya ng true life confession ate Janice? Hehe. Kasi pag kay Papa Jack ako nag-confess, matatawa na ako, matututo pa ako. O di ba? Bongga?!!

Advertisements

Madali niyo naman kaming makilala…

Standard

Kung may buhay ng gangsta, may buhay din na dapat ikuwento ang mga empleyado sa lumalaking mundo ng BPO (business process outsourcing po yun…)

Marami na tayong nabasang kahalintulad nito na naikalat na rin ng mga kadugo nating blogista sa industriya. Pero sana hayaan niyo akong magkaroon ng sarili kong bersiyon tutal kabilang naman tayo sa demokratikong bansa.

Makikilala natin ang mga kapuso nating nagtratrabaho sa call center sa pamamagitan ng ilang mga tanda. Kung may mga nais pa po kayong idagdag, bukas po ang aking panig sa mga kuro-kuro at pala-palagay. Nakana…tagalog…!!

• Siyempre, malamang, gasgas na ang ValueCare mo kakagamit. Hekhek. Nagpa-brace kana, nagpabunot ng ipin, nagpa-generak check up, at buwan-buwan ka ng nagpapa-x ray. Peace!
• May suki card ka na sa Mini-Stop at sa 7-11 sa bulk order mo ng kape, extra joss, o Samurai (bilang pagpupugay kay Papa Jack).
• Kaugnay ng naunang nabanggit, kape at energy drink na ang nananalaytay sa dugo mo. Kaya kapag naco-confine ka sa ospital, kape at Samurai na ang laman ng dextrose mo.
• Tinatahulan ka na ng aso niyo.
• Hindi ka na sanay umebs sa CR niyo sa bahay.
• May koleksiyon ka na ng ticket ng bus at resibo ng convenience stores sa bag mo, parang tex lang, kino-collect!
• Una mong nalaman na namatay na si Michael Jackson dahil sa tulong ng Yahoo! At Google pero huli mo ng nalaman na namatay na pala si Sir Douglas Quijano ng GMA 7, o malamang hindi mo na kilala yun.
• Kilalang-kilala mo si Papa Jack at pinangarap mo din na mag-confess sa wild confessions pero hindi pwede dahil wala namang programa si Papa Jack tuwing day-off mo.
• Kabisado mo na ang kantang ‘The Climb’ dahil yun ang theme song ng campaign nio para ma-reach ang quota.
• Nagpapasalamat ka sa management ng MRT dahil 24 hrs na sila. Makakatipid ka kesa mag-fx.
• Wala ka ng panahon labhan ang lanyard mo (a.k.a. ID lace)
• Hindi mo na alam kung anung isusuot mo tuwing papasok dahil baka kabisado na ng mga officemate mo na tatlo lang ang pantaloon mo.
• Nakatambak na lang ang payslip mo sa bahay, kaya nagpapasalamat ka naging online na ang pag-view ng payslip.
• Kabisado mo na kung pang-ilan ang mga songs mo sa MP4 player mo.
• Galit ka sa mga bata sa inyo dahil ang iingay nila. Hindi ka makatulog.
• Hindi ka natutuwa kapag nag-aanounce ang Malacañan ng holiday. Hindi ka naman apektado.
• Wala ka ng time magpagupit.
• Sanay ka ng matulog ng nakaupo, o kahit sa ilalim ng post mo.
• Araw-araw kang online sa facebook at yahoo.
• Hindi mo na nasusulit ang unlimited text.
• Ikaw ang nagbabayd ng kuryente kahit ang totoo eh bihira ka na lang gumamit.
• Narealize mong malaki na pala ang pamangkin mo, at may anak nap ala ang pusa niyo.
• Isa ka sa mga matiyagang naghihintay sa mahabang linya sa ATM machine tuwing kinsenas at katapusan.
• Nag-iinuman kayo, ang aga-aga!
• Hindi mo na kilala ang mga bagong artista.
• Nasira na ang ngipin mo kakangata ng kornik at mani sa post mo.
• Mawala na ang lahat wag lang ang ELID mo. Tiyak, may penalty!
• Hindi mo na naaabutan ang pamilya mo sa bahay. Aalis ka, wala pa sila, uuwi ka, wala na sila. Hay buhay!
• Kahit kundoktor, ine-english mo!
• Hindi ka pahuhuli na manuod ng Harry Potter.
• May collection ka ng jacket sa bahay nio.
• Hinuhugasan mo ba ang tumbler mo o niluluglugan lang?
• May asin, ketchup, at asukal ka ng Joliibee at McDo sa post mo.
• Isa ka sa mga unang nakanood ng popular na Careless Whisper video.
• Malaki at mabigat na ang eyebags mo. Maputla ka na rin at parang laging lutang (bangag!)
• May sarili kang folder ng movies at MP4 sa PC mo.
• Di lang miminsan kang nakatulog sa pantry.
• Hindi ka na tinatanong ng kunduktor kung saan ka bababa. Binibigay na sayo agad ang ticket.
• Marami kang disposable spoon, fork, at pati na rin Nissin Cup Noodles na nakatambay sa locker mo.
• Nagtatago ka sa officemate mong mahilig mangutang.

Haizt, madami pa sanang iba. Pero antok na antok na talaga ako. Matutulog lang ako sa ilalim ng post ko. \m/

Inggitera ako.

Standard

Oo, isa akong malaking inggitera.

Bata pa lang ako, gusto ko ng mag-artista (“ako po, artista!”) sayang at hindi pa tumatakbo sa pulitika nuon si Mr. Palengke o si Pichay. Para man lang sana natupad ang mga pangarap ko. Tsk, tsk…

Sayang din ang pagkakataon. Eh kung isinali ako ni nanay sa Little Miss Philippines nuon, eh di sana may artista na siyang anak? (Whew! Alam ko namang ayaw mo akong mahiwalay sa yo nay eh, pero sana maintindihan mo na dun talaga ang mundo ko…\m/)

Yun nga. Ang bibo ko pa naman nung bata ako. Kumakanta ako ng “It’s A Small World”, “Hakuna Matata”, “Si Takure” kahit ang “Mga Maliliit na Gagamba” minaster ko din.

Nangagarap din akong sumikat balang araw. Hindi dahil kinasuhan ka ng estafa o nakapatay ka ng tao huh? Gusto ko yung positive (wag kang aayaw, think pasitib!)

Gusto kong maging part ng team ng “I-Witness”. Nararamdaman ko kasi na nananalaytay sa dugo ko ang pagiging dokumentarista (pati artista). Gusto ko rin namang maging sidekick ni Papa Jack lalo na pag wild confessions (papalitan ko si Kuku?)

Gusto kong libutin ang buong mundo. Matuto at makakilala ng iba pang mga tao.

Gusto kong maging parte ng media. Pangarap kong magsulat at ibahagi ang mga nalalaman, kuro-kuro, at pala-palagay ko, lalo na kung hindi ako mapalagay…hekhek.

Gusto ko nung mag-aral sa isang maganda at kinikilalang paaralan. Pero dahil sa hindi naman kami mayaman, tama na yung nakatapos ka at may malinis kang trabaho. Hay, buhay…

Gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo. Dahil sa panahong ito, hindi sapat na empleyado ka lang. Dapat palaguin mo pa ang perang sinasahod mo.

Gusto kong magkaroon ng sariling banda. Maging drummer o bokalista. Gusto ko yun. Gustong-gusto ko yun.

Gusto ko din maging dancer. Parang UD4, tutal may talent naman ako dun eh. Hmm…

Gusto kong magkaroon ng sariling column sa broadsheet. Pero hindi yung mabibigat na isyu sa lipunan. I want a lighter approach. Marami na kasing problema ang mga Pilipino, baka ma-stress sila pag dinagdagan ko pa. kaya more on literary na lang siguro ako…hehe…

Gusto kong makapangasawa ng matalino, masipag at maabilidad na lalake. Hindi lango sa alak at hindi naninigarilyo. May takot sa Diyos at mananampalataya. May prinsipyo at pangarap sa buhay, at kayang tuparin ang mga iyon. (iyon ay kung may ganyang lalake huh? Kung nag-e-exist siya…hay…)

Gusto kong magkaron ng sariling bahay at lupa. Para at least may pag-aari kami ng magiging pamilya ko.

Gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako ng malinis. Hindi dahil sa buntis na ako at wala na kaming magagawa kundi ang magpakasal. Ansarap nun diba? (you may kiss the bride…yeeeeeeees!!)

Gusto ko. Gusto kong mabigyan ng karangalan ang mga magulang ko. Ang mga magulang ko na walang sawang umunawa ng mga kakulitan at kagagahan ko sa buhay. Sila na nagmahal sa akin at naging kasangkapan kaya hanggang ngayon ay andito pa ako at nagsusulat ng mga walang ka-kwenta-kwentang mga artikol. Haha.

Hmm. Gusto ko. Gusto kong makita ang tatay ko. Ang tatay ko na hindi ko nakilala at hindi ata alam na may kyut siyang anak. Ang totoo sinabi ko sa sarili ko sa loob ng mahabang panahon na hindi ko siya kailangan dahil nakatapos na ako ng pag-aaral at may marangal na trabaho kahit wala siya. Pero parang gusto ko siyang makita, wala lang, pakialam niyo ba? Post ko to eh. HMPF! Hehe \m/

Gusto ko matupad ang lahat ng ito. Alam ko imposible at mahirap, pero malay mo. malay mo lang.

Salamat sa pagbabasa mo ng walang kalatuy-latuy kong mga pangarap. Sana pangarap mong tuparin ang mga pangarap ko. Hehe. \m/

Ambot sa EMO!

Standard

Pagdating talaga sa ‘love’, andaming nagiging EMO. Anjan ang mga naglalaslas ng pulso, tumatalon sa kawawang building, nagbibigti, at umiinom ng walang kamalay-malay na panlinis ng silver. Tsk, tsk.

Anu nga ba ang EMO? Sa tulong ng Wikipedia, eto daw ang ibig sabihin niya;

“Emo (pronounced /ˈiːmoʊ/) is a style of rock music typically characterized by melodic musicianship and expressive, often confessional lyrics. It originated in the mid-1980’s hardcore punk movement of Washington, D.C., where it was known as “emotional hardcore” or “emocore” and pioneered by bands such as Rites of Spring and Embrace. As the style was echoed by contemporary American punk bands, its sound and meaning shifted and changed, blending with pop punk and indie rock and encapsulated in the early 1990s by groups such as Jawbreaker and Sunny Day Real Estate. By the mid 1990’s numerous emo acts emerged from the Midwestern and Central United States, and several independent record labels began to specialize in the style.”

Ayan, naintindihan niyo ba? Pwes ako hindi. (paabot nga ng BLADE please!!!)

Lahat naman tayo ay may side ng pagiging EMO natin. Anjan yung iiyak tayo pag malungkot, pag sinira ng kalaro mo ang paborito mong laruan, kapag nadapa ka at may nakakita (iiyak ka na lang para hindi mapahiya), pag natapakan ang paa mo ng mala-higanteng takong dahil sa siksikan sa MRT (pag ndi ka ba naman naiyak nun ewan ko na lang). Andiyan din naman yung masaya ka at lolobo na ang sipon mo sa kakatawa dahil sa tumulo ang laway ng kaklase mo (sino kaya ang mas nakakatawa sa inyong dalawa?). Maraming pangyayari sa buhay natin na kailangang tawanan at iyakan.

Kay lupit mo pag-ibig!

Hindi ko alam. Pero naging alam ko ang ganung damdamin minsan sa buhay ko. Masakit talaga pag hindi ka mahal ng taong kinaadikan mo nang mahalin. Parang pakiramdam mo ampanget-panget mo at higit sa lahat—wala kang silbi.

But wait! There’s more!

‘Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayro’ng paraan’. Take it from Mr. Rico Blanco. Mula sa kanyang bagong hit single na ‘Antukin’ (wow! Plugging?) There will come a time that we let ourselves look like we’re the most stupid person in the world just for the sake of winning the heart of the one we love. But when the time comes that letting go is the only way to save ourselves from getting too much pain, we must be brave enough to retrieve and move on. WOW! ENGLISH!

Tama yung naging status nung kaibigan ko sa YM nung pinagsasabihan ko siya sa kanyang walong taong katangahan sa kaklase namin nung high school, (yes, eight years po yun, mantakin mo? Sarap iuntog diba?) Malamang mag-aaway na naman kami dahil sa blogpost kong ito. Lagi pa naman yun nagbabasa ng blog ko. Sorry p’re, hindi lang naman para sa iyo ‘to. \m/

Hindi ko naman inililigtas ang sarili ko sa mga ganitong uri ng kagagahan. Ang kagandahan lang kasi sa akin, taon-taon akong nagpapalit ng crush. Haha, malandi. Kada school year nuon, iba ang crush ko. O di ba? Tag-iisang taon lang ang katangahan ko.

Dahil sa pagiging butihin kong kaibigan, ako ay nagsisilbing Tiya Dely o pwede ring Papa Jack sa kanila sa tuwing kailangan nila ng mumura sa kanila sa pinakatangang parte ng buhay nila. Open ako 24 hours a day, seven days a week, 365 days a year sa kanilang lahat para lang murahin sila. Harhar, joke lang, hindi ko naman sila minumura. Sa mga ganung pagkakataon, change costume ako. Kahit nga ako hindi ko kilala ang sarili ko sa panahong nagsasalita ako at nag-aadvice sa kanila tungkol sa pag-ebeg. Lagi kong sinasabing mahalin muna nila ang sarili nila. Sabay sabing “pa-RC ka naman!” Haha.

Hainaq, ang pag-ibig nga naman, parang least common denominator, mula pa nung elementary ako, hinahanap na nila, hanggang ngayon hindi pa rin nila makita. Kung tutuusin, hindi naman kasi siya hinahanap. Kasi darating na lang yun. Abangan mo sa pinto niyo, ide-deliver ng LBC yan. Peace. \m/

‘Hindi kasi ikaw ako, kaya madaling sabihin yang sinasabi moh’, quote and quote. Yan ang status ng kaibigan ko. Gabi-gabi nag-chachat kami at yan lagi ang pinag-uusapan namin. Nakakasawa? Oo. Pero hindi ako magsasawang magbigay ng advice and to give my shoulders for them to lean on. That’s what friends are for. Hindi naman siguro totally katangahan ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Bulag ka lang sa katotohanan. At kailangan mo ng taong magpapa-realize sayo na dumilat ka, at marami pang taong magmamahal at mas magmamahal sa yo. Tanga-tanga mo talaga..hehe, hindi na kasali yun siyempre…

Hindi ko naman sila masisisi. We have our own methods of recovery. I’ve been there before. Glad that I have recovered and contented now. \m/ Hope you find your own contentment too.

Katrina Halili at Hayden Kho scandal (version kho toh!)

Standard

Tsk, tsk…ayoko sanang magkoment sa kumakalat na sex scandal ni Hayden Kho at Katrina Halili. Pero naapektuhan ang innocent mind ko eh! My god!

Andami ng nasaktan, pati ang precious mind ko. Tsk, tsk. Ewan ko ba kung anung meron si Hayden Kho at nagpapakembelar sila dun. Eh pare-pareho naman ang itsura ng mga toot-toot diba? Haru!

Yun nga. Meron na rin ako sa cellphone kong Samsung ng ekslusibong scandal ni Hayden Kho hindi lang kay Katrina Halili, pati sa ibang mga babae.

Sa kasamaang palad, (Mariang palad) ay hindi ko naman napanood. Opo. Tama ang nabasa niyo. Dahil tunay akong naniniwala sa adbokasiya ni Papa Jack. My God!

Hindi ko po talaga napanood. Dahil nung pagkakataong sariwa pa itong naipasa sa cellphone ko through download, siyempre sabik na sabik akong mapanood. Yeah! (wag kaung magmalinis mga etchuserang frog kau dahil nararamdaman kong gusto nio rin mapanuod yun!) aion nga, siyempre, open file. Pagkatapos, matapos ko siyang i-download ng over 45 years, (ang haba pala nun, lintik!) eh ending, ndi ko din naman pala mapapanood. Dahil, dahil, dahil……………UNSUPPORTED RESOLUTION! Badtrip na Hayden Kho yan anglaki pala ng resolution nung camerang ginamit niya. Hindi man lang niya kinonsider ang mga tulad kong mahihirap na walang pambili ng mas mataas na uri ng cellphone!

Aion. Bigo na naman ako. Pero. Yup, pero, may sumilip na pag-asa sa siwang ng langit. Kahit medyo boring at sobrang Pinoy porn ang pagkakagawa, napanood ko naman ang version nila ni Maricar. Pero hindi pa buo. Naboring kasi ako. Hindi katulad nung iba kong mga napapanood na pag-open na pag-open mo pa lang ay hala! Chuk-chakan agad! Ahehehe…

Nagkalat na yun sa net. Careless Whisper. Haizt. Bar na bar ang dating. Hindi man lang nagselan…!! Nagkaroon tuloy ng publicity ang album ni Kris Lawrence!

O siya, siya. Antayin niyo na lang ang scandal ko! Tabi, tabi….!!!

Si Papa Jack…

Standard

Mahirap talaga kapag ginagawa mong araw ang gabi. Hindi alam ng mga kapitbahay mo kung talagang sa call center ka nagtratrabaho, o sa patay sindi.

Mahirap matulog ng umaga. Habang abala sa pagtilaok ang manok at kasagsagan pa lang ng paglalaro ng mga bata sa tapat ng bahay niyo. Maingay. Maliwanag.

Alien! Alien! Isa akong alien. Nung una bangag-bangag pa ko, pero sa loob ng isang taon na pagiging alien at takot sa sinag ng araw, nasanay na rin ang katawan ko. Nag-aagahan ako ng alas-otso—ng gabi. Hello?! Sosyal kaya kami! American time to no! ahehehe.

Salamat na lang kay Papa Jack. Pinapasaya niya ang malungkot kong buhay. At pinapainit ang malamig na gabi…joshko!

Hindi ko alam kung dugo pa ba ang nananalaytay sa kanya. Andami niyang alam. Istorya ng bawat isa sa atin. Lalo na sa larangan ng tinatawag na “kembelar”.

Kembelar, lugawan, toot-toot, push button, yan ang mga termino na inimbento niya. Walang minuto na hindi ka tatawa sa mga banat at pang-ookray niya. Salamat na lang ta may “Papa Jack”.

Pilit siyang tinatapatan ng ibang radio station. Mayroon na rin silang mga ‘confessions’. But nothing beats the expert. Ewan ko ah, pero hindi ako binayaran ng Love Radio o hindi rin ako nag-confess kay Papa jack para sa blogpost na ito. I just appreciate the gift that Papa jack has.

Well, through this post, I would like to thank Papa Jack for bringing laughter to the whole archipelago. More power to your program and God bless!!!