Tag Archives: tula

PARISUKAT

Standard

Hindi lahat ng mundo ay bilog.


Nakakaaliw parisukat kong mundo
Mga nakikita dito’y kung anu-ano
Tahana’y maliit ngunit sakop niya’y malaki
Tanawin mo at malalaman mong madali

Isang umagang kayganda
Magigising sa mga huni ng maya
Hayun, naghahabulan, larawa’y masaya
Lilipad, patalun-talon, kumakanta

At sa katanghaling tapat
Araw na matindi ang sikat
Init nito’y tumatagos sa aking silid
Liwanag abot hanggang sa gilid gilid

Kinahapuna’y meryenda na!
Si manong magtataho iyong makikita
Mga bata’y masaya ring naglalaro
Habang mga ina’y maingay na nagbi-bingo

Sa gabi’y mga liwanag sa bawat tahanan
Nakakaaliw kung sila’y pagmasdan!
Mga sasakyan na paroo’t parito
Mga busina’y nakakasakit sa ulo

Kaysarap tumambay dito sa pag-ulan
Mga tao’y hirap maghanap ng sasakyan
Hawak kong mainit na kape, amoy ay pumapailanlang
Habang pinanonood mga batang nagtatampisaw sa ulan

Masaya akong mag-isa sa aking mundo
Nakatanaw sa malaking bintana kong ito
Ngunit sa aking paglingon, ikaw sana’y makita ko
Sa aking tabi, makisali sa parisukat kong mundo

Advertisements

Life Sentence

Standard

I am a prisoner in this cage
Where I can call my own place
There were many that come and go
But me? I’ll stay, you should know.

I’ll be here all around
When you feel like falling off the ground
I’ll turn my head up and watch you fly
Soar around that big blue sky

I’ll walk by you during cold night
Guard you, protect you with all my might
Sealed with this feeling that I lay for you
What I get in return? I really don’t know.

What shall I do? I do love you
God knows how I like to kill it too
It hurts when you fall for someone
And nobody cares, do they? Anyone?

Will the geniuses come to discover a pill?
Do wizards have that miracle spell?
Do gods and goddesses care to tell
How you and me, in love we both fell?

I’ll just sit here watching you
How you laugh, cry, and share stories too
I’d love to be with you ’til my life is through
Help me please, all of these come true.

03242012
315PM

Kailan?

Standard

Makata. Malikhain ang isip.
Sweet at mabait.
Mga tingin na malagkit,
Tunay nakaaakit.

Hawak sa kamay
Nakabubuhay ng patay
Sabayan pa ng akbay
Kinikilig sa paglalakbay.

Wala namang ibang hiling,
Kundi ika’y makapiling
Pag-ibig mo’ng walang katulad,
Daig ko pa ang mapalad.

Paghawi mo sa buhok ko,
Dama hanggang sa aking puso
Pag-ibig mong dalisay
Nais ko sa habang buhay.

Iyong halik at yakap
Aking pinapangarap
O ano’ng saya, ano’ng sarap,
Para’ng akong nasa ulap.

Boses mo’ng malambing
Walang katulad, kahambing
Pagtawag mo sa aking pangalan,
Musikang kay sarap pakinggan.

Asan ka, sino ka?
Kailan kita makikilala?
Nais kang makita, makasama,
Kailan ba? Kalian pa?

San ba matatagpuan?
Kailan ba masisilayan?
Kailan mararamdaman?
Pagmamahal na walang hanggan.

Whew…
La lang…
Kailan kaya ito?
Kailan?

Mithi

Standard

Naglalakad siya sa gitna ng kabulukan ng gubat.
At naglakad ng naglakad.
At naglakad.
Hanggang sa marating niya ang dulo ng kasula-sulasok na lagusan.
Lagusan patungo sa simula at hangganan.
Sandaling nag-isip ang kumag.
Kung siya’y magsisimula ulit,
o tapusin na ang kanyang takbuhin.
Medyo mahaba na rin ang kanyang nilakbay.
Pagod na ang mumunti niyang mga binti at paa
Na hindi na rin niya makilala sa kapal ng alikabok
na kumapit sa kanyang paa.
Tahimik ang paligid.
Hanggang sa ibinulong ng hangin sa kanyang mga tainga
Ang kasagutan.
At siya’y huminga ng malalim.
Lumunok ng kaunting laway
At inihakbang muli ang pagal ng mga paa
Upang muling magsimulang maglakbay.

Ikaw…

Standard

Sumagi ka na naman sa isip ko

Ikaw na nagpaikot nitong mundo

Nasa loob ka rin ng aking puso

Tila nananalaytay pa sa ‘king dugo

Di ko nga malaman

Kung bakit ang iyong pangalan

Ang siyang laging laman

Nitong aking isipan

Ako’y isang tunay na makata

Sa mundo ng pagsusulat ay totoong dakila

Ngunit bakit kapag ikaw ang nasasambitla

Ako’y biglang natutulala

Panulat ko ay napapapigil

Labi ko’y nauubusan ng sasabihin

Aking pagkamakata ay nasisikil

Lahat ng ito, ikaw ang dahil

Hanggang ngayo’y tila nangangapa

Ano bang meron ka at ako’y nahalina

Hindi naman ako manghuhula

Kaya maaari bang sabihin na