Mayflor Alvero de Guzman–yan ang buo kong pangalan. Kung tatanungin ninyo kung bakit yan ang ipinangalan sa akin ng aking ina, well may matindi akong eksplanasyon tungkol diyan. According to a reliable source, (nanay ko) napili niya daw yung magandang pangalan na iyo sa kadahilanang: pangalan daw yun ng kaklase niya nung college na nuknukan ng ganda. Well, hindi naman nabigo si nanay at hindi rin siya nagkamaling ipagkaloob sa akin yung pangalan na yun…wahehehe…

Ipinagkakalat ko sa inyong lahat na naka-graduate ako. Sa kabila ng mahirap na mundo at walang tigil na pagdugo ng ilong ko kaka-english. (course: masscom) Kahit na isinumpa ko ang mga professors ko at kahit lagi akong late sa klase, hindi iyon naging hadlang para matapos ko ang aking kurso. Sayang nga eh tinapos ko agad, eh di sana hindi muna ako nagtratrabaho ngayon, ansarap kayang maging estudyante? Wahehe.

Mapalad ako, pero hindi ako malapad huh?!! Matapos kong grumadweyt, eh suwerteng nakahanap agad ng trabaho. Kahit hindi ito ang dream job ko, ok lang. Sabi nga nila, “for experience”. Kung ano mang experience yun, bahala na kayong mag-isip.

Maraming nagmamahal saken. At marami ring espesyal na nagmamahal saken. Hindi ko naman sila masisisi. Hahaha! Naranasan ko nang magmahal, masaktan, magmahal ulit ngunit wag naman sanang masaktan ulit. Maglalaslas na ako nun. Pero di ko alam kung kaliwa o kanan. Sa leeg na lang siguro para walang away.

Meron akong dalawang poging-poging nakababatang kapatid na lagi na lang nagbubulyawan at nagkakabugan ng dibdib. Hinahayaan ko na lang sila. Mapapagod din naman yung mga kumag na yun. Haha.

Madami akong malulupit at kyut na mga kaibigan. Siyempre sino-sino pa ba ang mag-aamuyan ng mga hininga kundi kami-kaming mga headturner? Kapit!

Kahit wala akong butihing tatay, at malay ko kung asan na siya, o kung hinanap niya ba ako..(ahuhu, mam charo..) wala na akong pakialam sa kanya, gudlak na lang sa buhay niya. Ahmpf!

Biniyayaan ako ng masaya at magulong pamilya. Magulo kasi masaya. Masaya kasi magulo. Ang gulo niyo! Mula sa aking super bait na lolo na ni minsan hindi inaway ang aking mataray at magandang lola (sumalangit nawa ikaw lola..labyu..) at ang aking matatag at matapang na nanay (rhoarr!!) na lagi akong binabara tuwing may umaaway sa akin (ahuhu, nanay ba talaga kita..?) Ang mga barako kong tito na sobrang kulet at harot (kaya siguro ako nagkaganito..kayo me kasalanan nito eh!) Ang mga tita ko na nabigong lahat sa pagtuturo sa akin kung paano lumandi..(hindi ko po kaya..!!) at sa mga pinsan kong laging nag-eenervon. Isama na natin ang mga aso ng tito ko na sina Chuckie at Mikko na walang sawang sumisira ng tsinelas namin kapag naiiwan namin sa may pinto, (pagbutihan niyo lang..!) at sa special someone ko na laging bumabasag ng trip ko (kailangan ko pa bang magmakaawa para pansinin mo ako? huhuhu) Kakaiba talaga ang pamilya ko!

Nag-elementary ako sa Kaunlaran Elementary School. Kahit lagi akong nagcha-chinese garter at nanghuhuli ng paru-paro at tubi-tubi sa garden (wag kayong makialam! yun ang tawag ko..tubi-tubi!) ayun, naka-graduate ako.

Pinalad akong makapag-aral sa Maynila. Kahit bigong makapasok sa Torres dahil sa kalokohan ng teacher ko nung elementary, sukat ba namang magbakasyon muna bago ibigay ang report card namen? Tama ba yun? TAMA BA YOOOOOOOOOOOOON…..?!!! Ayun, na-late tuloy ako sa enrolment. Mabuti na lang at kinanlong ako ng Laurel. May kilala kasi si Lolo dun. Ayun, ipinasok ako kahit late.

Wag na nating pag-usapan yung mga kalokohan ko nung high school. Ayokong sabihin na hindi ako nagsusuot ng ID, mahaba ang palda ko at nakikipaghabulan ako kay Ma’am Paguio at kay Ma’am Tolentino, kahit sino sa kanila. Lagi akong late at close ko na si Ma’am Villanueva na guidance counsellor namen para hindi ipadala magulang ko sa araw araw kong pagiging late. Araw araw naming hina-high blood si Ma’am Consebido kasi hindi kami nagshoe-shoe rug. Iniirapan ko si Ma’am Varron kapag pinapakialaman niya ako sa trip ko. Isinumpa ko ang araw na nakilala ko si Ma’am Panes. Ni-link namen si Ma’am Delo Santos at si Sir Salongcong. Third party pa nga nuon si Ma’am Manalo. Ayoko. Ayoko talagang magsalita na pinagpupustahan namin ang idadamit ni Ma’am Palay sa susunod na araw. Na inaasar namin si Mr. Jacinto na buteteng bakla. Na ipinagpanata namin na magresign na si Ma’am Mendoza na mukhang dragon. Tama na..tama na..baka isumpa ako ng mga kaibigan ko nung high school. Kaya ayokong mag-teacher eh. Baka bumalik saken mga pinaggagawa namen dati. Karma daw..? Ahehehe.

Nung college naman, alang pinagbago. Late parin lagi. Pero infairness, medto tumino ako. Ayoko pa ring mag-ID at mahaba parin ang palda ko pero inaayos ko naman bago ako makita ng guard. Kumokopya ako ng assignment pero hindi na verbatim. Hindi ako nagka-cutting. Nagpapa-attendance lang. Hindi na namin inaasar mga prof namin (pag nakaharap). O diba, anlaki na ng ipinagbago ko.

Haizt. Nakagraduate ako ng walang boyfriend. Pero madami akong nilandi. Wahahaha.

Sa ngayon, ay isa akong simpleng empleyado sa isang prestihiyosong organisasyon. Tagapagsulong ng karapatan ng kabataan laban sa lahat ng uri ng karahasan. Muntik ko na nga maging ka-opismeyt si Shaider. Buti na lang sa ibang department siya.

O sha. Yun muna. Saka na lang ulit pag naging kami na nung tinatawag kong ‘DESTINY’.

BOOM!

15 responses »

  1. uy naligaw aq sa page nato..hehe kaw pla yan!..infairness ha di maipagkakailang awardee k ng “Ang Panitik” nung highskul pa tayo..hehe..natawa q sa sinulat mo about kay Mam Palay!oo tanda ko yun!lalo na yung palda nya na kulay green na parang kurtina sa room naten..ahahaha ska c Mam Mendoza,kaaway mu un di ba?(may karamay ka na kapag may rumesbak dahil sa blog na to!)-)nde ka pa pala nakapagmove on!hhahaa..natutuwa lang ako kasi alam ko natural mo na yan, akalain mo bang ngayon may mga followers ka na!(oh di ba)..well sige goodluck sa career path mo..TULOY MO LANG!

  2. hello mheikulet ako makulitkulit pakita mo nga pics mo or saan kita pwede makita sa FS o Face book nagandahan kasi ako sa blog mo at very interesting pwede mo ba ako turuan …gusto din kitang maging kaibigan sana bigyan mo ng tuon ang komento ko….dito nalang …..
    God Bless…and More power……..Salamat……….

    • harhar…nakakataba naman ng pu….so ang itong komento…at lalong lumalala ang aking sakit sa pu….lmon sa tuwa…hekhek…well, search mo na lang ang aking malupet na pangalan (pakibasa ang tungkol sa may-akda…ok? harhar) aion. at i-type mo sa search box ng fs at facebook. sikat din ako sa google..(pramis!)

      tungkol naman sa pagtuturo ng aking mga kalokohan sa blog, mukhang mahirap ata yan..hmm..let me think..dahil isinangla ko ang aking kagandahan (kaya kyut na lang ako ngayon) kapalit ng kalokohang ito… 🙂

      friendly naman si ako…lalo na pag nilibre mo ako sa imax at science discovery center ng MOA (plugging ba ito?)

      thanks for the comment! \m/

    • naku…tatawagin na ba kitang…’tito?’ hekhek…ok lang pu…napansin kong bihasa na po kayo sa mundo ng pagba-blog…maaari ko po ba kayong maging tito o maestro (sensei!) sa industriyang ito…? nais ko pa pong matuto…salamat po, nawa’y maging bago kitang…tito..!! \m/

  3. i really like you the way you do your blog. so unique. 🙂 nway, do u have facebook ba? i’ll add you. naka restrict ako dun e. you cannot search me. hehe. 🙂

    • facebook po ba? naman!!! harhar…yabang eh nu…puro restaurant city lang naman ginagawa…\m/ add nio po ako…dalawa account ko eh…search nio na lang po,
      mayflor de guzman (yung pix po nian eh ung batang mukhang koreana na mukhang ginutom…hekhek..ako po yun…)
      shinsetsu reigh (yung pix po eh kamay na may relo ni shaider, ‘time space warp, ngaun din!’) thanks po talaga sa pagsasayang nio ng panahon para makapagbasa ng aking kuro-kuro at pala-palagay…sana po wag kayong magsawa…\m/

    • kaw ba yan emer? kaw lang naman ang gunggong na may email add na bulbulitobayagbag eh..ayan, malamang maraming mag-add sa yo nian..binigyan ko pa ng publicity ang e-mail add mo despite na siniraan mo ang kyut kong blog…sabagay…sa mga criticisms kumukuha ang mga tulad kong artist ng inspiration..harhar…musta ka na pare koy? \m/

    • wahehe…thanks po…sa mga tulad nio kami kumukuha ng inspirasyon para magsulat…o_O salamat sa suporta…tumatanggap din kami ng donasyon, de lata, bigas, uling, damit, sapatos, tseke…ahehehe…recession na kasi…peace \m/

      thanks po sa koment!!!

      sa uulitin..!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s